♡♡ CHAPTER 25: WHERE ARE YOU? ♡♡

344 24 9
                                    

~IVANA POV~

KINABUKASAN..

Friday, June 16

Tumunog ang alarm clock ko at pinatay ko ito na hindi binubuksan ang mata ko.

Kinusot ko muna ang mga mata ko at nang inimulat ko ang mata ko ay bumungad ang muka ni Cherry.

Nagulat ako ng makita ko sya! Friday pala ngayon!! Bigla ko syang niyakap. Amoy baby powder pa rin sya hanggang ngayon. Hahaha!

"Cherryyy!!! Namiss kita!!" sambit ko habang yakap ko sya.

"Namiss din naman kita noh! Pero sobrang namiss mo naman ata ako?" sambit nya. Humiwalay ako sa yakap namin at humarap sakanya.

"Kamusta ka na?" tanong ko sakanya.

"Eto buhay pa naman." sagot nya. I just rolled my eyes at her.

"Paano ka nakapasok sa bahay?" tanong ko sakanya.

"Malamang sa pinto nyo! Anong akala mo sa terrace mo ako dadaanan? Ano ako akyat-bahay?" sambit nya. Wala talaga tong kwentang kausap. Tsk.

"What I mean is gising na ba sila mommy?" tanong ko.

"Oo, bilisan mo na dyan at sabay na tayong pumasok!" sambit nya at lumabas na ng kwarto ko.

Tiningnan ko naman ang phone ko kung may nagtext.

At meron nga..

From: Harley
Oyyy!! Gising na Vans!

Siraulo talaga to. Sabi ng hindi ako sapatos eh. Ang kulit din ng bebang nun eh!

To: Harley
Sira!

From: Harley
Ka rin! HAHAHAHA!

Baliw talaga.. tiningnan ko pa kung sino ang nagtext at nakita ko ang message ng ka-love team ni Harley.

From: Weird Caspian
Hi Bestfriend! Good morning! Have a nice day! ∩__∩

To: Weird Caspian
Walang good sa morning.

From: Weird Caspian
Luh. Bakit Bestfriend? ╯︿╰

To: Weird Caspian
Naii-stress ako sa mga kakaibang emoji mo na yan.

From: Weird Caspian
Hahaha! Okay ba Bestfriend? Ang cool kaya! ㄟ(≧◇≦)ㄏ 

Nakahithit ata tong mga to.

Nga pala.. walang text si Johnny Bravo? Nakaramdam naman ako ng hinayang.

To: Johnny Bravo
Hoy.

Bigla namang nagbeep ang phone ko.

Agad agad ko itong tiningnan at..

Tsk, si globe lang pala. Wala na akong load.

Bumagsak naman ang balikat ko. Anyare sa lalaking yun?

Dumeretso nalang ako sa cr at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili at bumaba na sa sala.

Pagbaba ko ng sala ay wala akong nakitang Johnny Bravo.

"Anak! Kumain ka na at sabay na kayong pumasok ni Cherry sa eskwelahan." sambit ni mommy.

"Sige po, mommy." pilit ngiting sambit ko. Asan na kaya yun?

"Sa Linggo na ang alis namin ng mommy mo. Si Cherry na muna ang makakasama mo dito sa bahay." sambit ni dad. Tumango nalang ako. Kailangan pa bang ulit ulitin yun? Tsk. Mas lalo ko silang mamimiss nyan eh.

Every Girl Has A Playboy [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon