♡♡ CHAPTER 11: FIGHT ♡♡

557 36 0
                                    

~IVANA POV~

Kasalukuyang naghihintay kaming dalawa ni Zaylee sa pagbalik ni Harley na umorder ng pagkain. Bwisit na Harley Quinn yon! Ang taas ng standard sa lalaki! Nagkaroon naman sya ng manliligaw pero hindi naman nagtagal at sumuko na!

Paano kase..gastos don, gastos dito! Hindi pa sila ng manliligaw nya pero panay pabili ng pagkain at iba pa! Tas gusto nya buong araw magkasama sila ng manliligaw nya! Tapos ang daldal-daldal pa! Sinong hindi maiinis don?!

Bigla namang pumasok sa isip ko si weirdo. Mhmm..magastos si Harley, magastos din si weirdo. Palagi ko kasing nakikita dito sa canteen si weirdo na kung maka-order ng pagkain akala nya mauubos lahat!

Ang dami dami nyang inoorder na pagkain! Kulang nalang bilhin na ang canteen! Mhmm..tapos parehas pa silang madaldal! Parehas silang abnormal! Bagay kayo!!

Oo nga pala..asan na pala yung weirdong yun?! Inikot ko ang paningin ko pero wala sya! Tsk! Wala akong pakialam! Bahala sya sa buhay nya!

"Uyy! Sinong hinahanap mo ha?" biglang litaw ni Harley at nagulat naman ako! See?! Parehas silang dalawa ni weirdo na ginulat ako ngayong araw!

"Wala! Ang tagal mo!" inis na sabi ko sakanya.

"Yun ba talaga ang dahilan?" nakakalokong ngiti niya!

"Oo! Ilapag mo na yang dala dala mong pagkain at nagugutom nako!" sambit ko at inilapag naman nya ang mga pagkaing inorder nya at umupo sya sa tabi namin.

Sa aming tatlo si Harley ang pinakamatakaw at pinakamadaming pagkaing inoorder! Kain ng kain! Lamon ng lamon! Payatot naman!

Habang kumakain ay tahimik lang kami ni Zaylee at si Harley naman ay daldal ng daldal sa mga pangarap sa buhay nya! Nang matapos kaming kumain ay dumeretso na kami sa classroom ngunit walang prof kaya nagyaya si Harley na mag-mall sandali.

"Tara? Sa mall muna tayo may bibilhin lang ako na libro." ani Harley. Mahilig kasi si Harley sa mga libro lalo na kapag love story. Kaya gusto rin nya mala-fairy-tale rin ang love story niya!

"Kayo nalang, gagawin ko palang yung project sa English eh. Susunod nalang ako kapag natapos ko kaagad." sambit ko.

"Ha? Sige.." sambit ni Harley. Umalis na sila at ako naman ay pumunta sa library at nagbasa para may idea ako sa project.

Nang matapos akong magbasa ay ginawa ko na ang project ko sa English.

~FAST FORWARD~

Nang makatapos ako sa paggawa ng project ay tumayo na ako at lumabas ng library. Pumunta ako sa locker ko para ilagay doon ang project ko nang biglang hinarang ako ni Valentina at ang mga alagad nya! Tsk! Ano nanaman bang kailangan nito?!

"Well, well, well.." sambit niya na umikot pa sakin! "What are you doing here?" taas kilay na sambit niya nang makaharap sya sakin.

"Nandito ako para mag-aral..eh ikaw? Para mag-landi?" taray kong sambit sakanya.

"Hahaha! You're funny! Sa tingin mo hindi ko nakikita ang mga kalandian mo? No!! Nakikita ko kaya na napapalapit ka kay Nixon! He’s my ex-boyfriend.. anong akala mo? Magugustuhan ka nya?! Eww! Ang ganda ganda ko para ipalit sa mukang panget na tulad mo!" sambit niya pa! Ex nya si Nixon A.K.A. Johnny Bravo yung playboy?!

"Eh ano naman kung napapalapit ako kay Nixon? First of all..Ex mo na nga diba? Ikaw nga kahit in a relationship na nga yung lalaki pinapatulan mo pa! And second of all.. ako pangit? Kung pangit ako eh ano ka nalang? Taga ibang planeta na?" inis na sigaw ko sakanya! Walang tao sa locker room dahil ang iba ay nagkaklase.

Every Girl Has A Playboy [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon