♡♡ CHAPTER 29: WHAT IS BEBANG? ♡♡

453 21 3
                                    

IVANA POV

"OO NA! NAMISS NA KITA!"

Napahinto sya sa harap ng pintuan habang nakatalikod sakin at unti unting humarap sakin ng may ngiti sa labi. Ampff!

"Talaga?"

"Tsk! Ewan ko sayo! Paulit ulit ka." sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan at tinalikuran sya.

"Ikaw bumili ng lahat ng to'?!" pag-iiba ko ng usapan.

"Oo naman! Teka.. hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Namiss mo ba talaga ako?" sambit nya na pumunta pa sa harapan ko na hinawakan pa ang muka ko dahilan para makita ko ang gwa-- nakakabwiset nyang muka.

Inalis ko naman ang kamay nya sa muka ko.

"Tsk! Oo nga! OO! Ang kulit mong bebang ka."

"Bebang?? Ano yung bebang?"

Bigla ko namang naalala si Cherry. Sa kanya ko kasi narinig ang salitang yun nung first time kong makapunta sa probinsya nila noon. Teka.. ano nga ba yung bebang?? Tsk.

"Uhh.. ewan ko! Tanong mo sa google."

"What.. is.. bebang.." sambit nya habang hawak hawak ang cellphone nya. Aba! Nagtanong nga sa google ang loko.

"Ano bang ginagawa mo?! Wala ka namang mahahanap dyan na salitang be--"

"Bebang is better than the best, it is the state of euphoria or being on a hot summer day. The best that you could ever imagine. The epitome of sexy and beautiful. My everything.." sambit nya at nang matapos nyang basahin yun ay tumingin sya sakin ng nakangisi! WHAT?! Tama ba yung narinig ko?

"Vans ahh.. pinapakilig mo naman ako. Bebang mo pala ako hehe--"

"H-Hoy! Hindi ah! Saan mo naman nabasa yan?"

"Sa Urban Dictionary." sambit nya na ipinakita pa sakin yung cellphone nya. Kinuha ko naman ang cellphone nya at binasa ang meaning ng bebang.

What the.. totoo nga ang sinabi niya kanina! Saang lupalop naman ng mundo nakuha ni Cherry ang salitang ito?!

"A-Ano?! Hindi totoo yan!"

"Eh sa ito yung nakalagay eh.."

"B-Basta! Hindi totoo yan!"

"Okay. Sabi mo eh." ngising sambit nya.

KATAHIMIKAN..

Ang awkward.. kaya naman nagsalita na ako dahil kanina pa sya nakatitig sakin baka ma-hypnotized ako ng wala sa oras dito.

"Bwiset ka! Napaniwala mo ako dun. Akala ko.. aalis ka talaga." pambabasag ko ng katahimikan na ikinatawa naman nya.

"Pwede na ba akong maging artista?"

"So.. pangarap mo palang maging artista?"

"Hindi. Pangarap kong mapasakin ka." sambit niya na kinindatan pa ako!

"Tsk! Ewan ko sayo! Wala kang kwentang kausap!" pagtataray ko sakanya dahilan para matawa sya. Anong nakakatawa don?!

FAST FORWARD

Nang makahiga na ako sa kama ko ay naisipan kong itext si Johnny Bravo. Speaking of Johnny Bravo.. idodrawing ko pa pala iyon. Tsk!

To: Johnny Bravo (Nixon)
Thank you.

Every Girl Has A Playboy [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon