♡♡ CHAPTER 17: DELIVERY ♡♡

426 34 2
                                    

~IVANA POV~

Nang matapos ang klase, lunch time at ng last class..

"Class Dismissed." sambit ng huling prof namin.

Nagsilabasan na ang mga ibang classmates ko sa classroom.

Iniunat ko pa ang katawan ko sa sobrang pagod!

"Oy, okay ka lang?" tanong sakin ni Harley na may pag-aalala. Isa pa tong oa! Umunat lang eh..

"Oo naman." sambit ko. Pero hindi talaga ako okay. Sa dami ba namang nangyari ngayon at idagdag mo pa ang mga project sa school at kailangan ko pa mag-review dahil may test sa Monday.

"Wehh? Baka naman--" nakangising sambit niya pero nagsalita agad ako.

"Harley, pagod lang ako okay?" sambit ko.

"Bakit? May pagod bang okay?" sabat ni Zaylee. Hayy.. Zaylee will be Zaylee.

"Oo nga Vans! May pagod bang okay?" pagsang-ayon ni Harley kay Zaylee.

"Tsk! Oo na, hindi ako okay! Okay na? Happy ka na?" sambit ko.

"Syempre hindi! Kailangan mo ng magpahinga. Diba may practice ka pa ng sayaw bukas?" sambit ni Harley. Oo nga pala!! May practice pa pala ng sayaw bukas! Tsk.

"Alam mo.. hug at kiss lang ni Nixon ang katapat ng pagod mo!" nakangiting sambit ni Harley na tumataas at bumababa ang kilay. Tsk!

"Tsk! Ewan ko sayo!" singhal ko sakanya. Iniligpit ko na ang mga gamit ko. At lumabas ng classroom at sumunod naman sila Harley at Zaylee sakin. Paglabas ko ay bumungad sa harap ko si Johnny Bravo at ang mga kaibigan nya.

"Oh!! Andyan na si Nixon mo ohh!! Sabi ko nga kailangan mo lang ng hug at kiss galing kay Nixon para mawala ang pagod mo!" nakangiting sambit ni Harley. Tsk!

Napangisi naman sakin si Johnny Bravo! Inirapan ko lang sya.

"Uhh.. ikaw na maghatid kay Vans ha?" ngiting sambit ni Harley kay Johnny Bravo.

"Sige." sambit ni Johnny Bravo. Lumakad na silang lima palabas ng school.

"Alis na kami!!" sigaw ni Crosby kay Johnny Bravo.

"Tara na." sambit ni Johnny Bravo. Kaya wala na akong nagawa kundi tumango nalang. Baka magalit pa to, masyadong beast mode! Mahirap na baka wala akong masakyan.

Nang makapunta na kami sa parking area ay pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse at pumasok naman ako sa loob. At pumasok na rin sya sa kotse at pinaandar ang kotse.

"Okay ka lang ba? Sabi ni Harley kanina pagod ka daw? At kailangan mo pala ng hug at kiss ko." ngiting sambit nya at kumindat pa! Tsk.

"Tsk, hindi na kailangan." irap ko sakanya.

"Sige.. sabi mo eh haha!" nakangiting sambit nya. Hindi ko na sya pinansin.

Nang makarating kami sa bahay. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas sa kotse at isinara ito. Lumabas rin sya ng kotse.

"Oh? Bakit ka pa lumabas ng kotse?" takang tanong ko sakanya.

"Wala naman.. sige na pumasok ka na." nakangiting sambit nya.

Pumasok naman ako sa bahay. At sinalubong ako ni mommy.

"Anak!! Oh? Hinatid ka ni Nixon?" sambit ni mommy sakin na nakangiti. Tumango naman ako sakanya.

"Bakit parang wala kang gana? Okay ka lang ba?" nag-aalalang sambit ni mommy.

"Pagod lang po ako mommy." nakangiting sambit ko kay mommy.

Every Girl Has A Playboy [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon