♡♡ CHAPTER 23: MALL ♡♡

394 24 0
                                    

~IVANA POV~

Kasalukuyang nagda-drive si Johnny Bravo sa van niya papuntang mall. Oo! Pinatawag nya pa ang driver niya para kunin ang van at para na rin daw magkasya kami sa isang sasakyan. Sosyal eh.

Nasa passenger seat ako katabi ni Johnny Bravo. Tsk. Si Harley, Chelsea at weirdo naman ay nasa likod lang namin nasa 2nd row. Si Garett, Zaylee at Crosby naman ay nasa dulo nasa 3rd row.

Sila Chelsea, Harley at weirdo lang ang nagdadaldalan. Nang maisipan kong itext si mommy at daddy para ipaalam na pupunta kami ng mall.

To: Mom
Mommy, mamaya pa po ako makakauwi dahil kasama ko po sila Harley papunta sa mall.

To: Dad
Daddy, mamaya pa po makakauwi dahil kasama ko po sila Harley papunta sa mall.

Nagbeep naman ang phone ko..

From: Mom
Sige anak, mag-ingat kayo ha? Paano pala si Nixon?

To: Mom
Kasama po namin si Nixon at mga kaibigan nya at si Chelsea na kapatid ni Caspian.

From: Mom
Chelsea? Bago kami umuwi sa Singapore pakilala mo sya sakin ah? May kasama naman pala kayong mga lalaki para protektahan kayo. Kaya enjoy nalang kayo dyan!

To: Mom
Sige po mommy.

Nagbeep ulit ang phone ko pero hindi si mommy.

From: Dad
Nasabi nga sakin ng mommy mo. Ingat kayo dyan anak.

To: Dad
Yes po dad.

"Sino yan?" biglang tanong ni Johnny Bravo.

"Si mommy at daddy. Sinabi ko sakanila na pupunta tayo sa mall. Baka pati parents ko pagselosan mo pa?" taas kilay na sambit ko.

"Uhh.. syempre hindi noh!" sambit ni Johnny Bravo. Tumango nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

~Mall~

Nang makarating na kami sa mall ay pinark muna ni Johnny Bravo ang kotse at bumaba na kami sa kotse.

"Andito na tayo! Tara na pasok na tayo sa loob!" excited na sambit ni Chelsea.

Lumakad na kami papuntang mall. Nang makapasok kami sa mall ay nag-iikot kami para magdecide kung saan kami pupunta. Habang naglalakad..

"Sa Time Zone muna tayo?" suggest ni Chelsea.

"Sige! Pagkatapos nun ay kumain na tayo dito ng dinner!" suggest naman ni Harley. Muka talaga tong pagkain! Tsk.

"Tapos nood tayo ng sine!" suggest naman ni Crosby.

"Tapos punta tayo sa bookstore, may bibilhin lang akong libro." suggest ulit ni Harley.

"Tapos bili tayo ng ice cream!" suggest naman ni weirdo. Ice cream?

"Bakit ice cream? Pambata yun ah?" sambit ko.

"Hindi ah! Kahit matanda kumakain nun!" pagdepensa ni weirdo.

"Bakit lahat ba ng mga matanda na kumakain nun? Paano kung may diabetes?" sabat ni Zaylee.

"Eh di hindi lahat ng matatanda kumakain nun! Ganun lang yun kadali. Hindi yung pinapahaba mo pa ang usapan. Atyaka wag ka ngang papansin." sabat ni Garett.

"Eh di ikaw na! Ikaw na magaling! Ikaw na perpekto!" sambit ni Zaylee.

"Wala akong sinasabi na perpekto ako." sambit pa ni Garett.

Every Girl Has A Playboy [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon