Chapter 5- 'M'
Nakakainis
Nakakainis
Nakakainis
Bakit ba sa simpleng galaw at salita lang ng lalaking yon para na akong kinikilig?
Ano ba ang ginawa nya sakin kaya ako nagkaganun?! Mali itong nararamdaman ko! Maling mali
*flashback*
Pagkatapos takpan ng lalaking sumalo sakin yung bibig ko at dinala ako kung saan ay naglakas loob akong pumiglas.
Ng nakaalis na ko sa bisig nya ay tinignan ko ng masama yung 'Kidnapper' ko.
"Ano namang ginagawa mo dito Jasper?" Tanong ko sakanya
"Huwaw, wala manlang na thank you? Niligtas kaya kita kanina" sabat nya sakin
"Edi Thank you. Now, Answer my question"
"Im going to study here with you"
Pagkasabi nya nung mga salitang yun ay bigla nalang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Ramdam ko na sobrang init na ng pisngi ko at alam ko rin na namumula na ito.
"Ya, Cheryl gwaenchana?!"(are you ok!?) Tanong nya sakin, at dahil nakakaintindi ako ng konting korean ay naintindihan ko sya.
Nanatili akong nakayuko dahil ramdam ko parin ang pamumula ng mukha ko. Labis akong nagulat ng naramdaman ko ang kamay nya sa noo ko, napa-angat ako ng tingin at mas lalo akong namula ng nakita kong napakalapit pala ng mukha nya sa mukha ko.
"Ya Cheryl san yung Clinic nyo?" Tanong nya sakin bigla, napalayo ako sa kanya
"Dun sa 3rd Floor, bakit?" Ayos na pakiramdam ko ngunit namula ulit ako nang buhatin nya ako at bigla nalang syang tumakbo ng napakabilis paakyat ng hagdan. Napakapit nalang ako sa kanya dahil sa takot kong baka mahulog ako
(A/n: sa kanya o sa sahig?😂)
Shut up nalang author
(A/n: ok fine, continue)
Nakarating nga kami sa clinic tapos tinawag nya agad ang nurse para alagaan ako. Ang OA naman ng lalaking toh kahit kelan talaga.
After ako icheck ng nurse ay lumabas na kami ng clinic. At nagpunta na kami sa mga classroom namin
*End of Flashback*
Naiinis ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon ay di ako makaget-over sa nagyari. Ay Shemay nakalimutan ko syang ipakilala sa inyo,
sya nga pala si Jasper Lacelone Go, Childhood friend ko. Nakilala ko sya sa korea nung sumama ako sa business trip ni papa.
Nakatingin ako sa labas ng bintana dahil alam ko na naman yung topic na dinidiscuss ni maam di ko na kailangan makinig. Naramdaman ko nalang na nagvibrate yung phone ko at may nakita akong message
+06********
Huwag mo na lalapitan yung lalaking yun. Ayokong nagseselos ako, sakin ka lang. Ayoko ng may kahating iba
-M
Kinilabutan agad ako pagkabasa ko ng message galing sa unknown number. Agad akong lumingon-lingon dahil nagbabakasakali akong makahuli ng nakatingin sakin at sya ang isipin kong si 'M'.
Pero wala eh, walang nakatingin sa banda ko dahil nakafocus sila sa board.
Napatingin ulit ako sa bintana at nagiisip kung sino ang maaaring maging si 'M'.
Pero bigla nalang ako nakaramdam ng parang may nakatitig sakin, pagtingin ko sa forest na katabi ng school namin ay muntikan na akong mahulog sa upuan ko ng makakita ako ng lalaking naka-hoodie na black tapos nakatingin sa bandang pwesto ko.
Hindi ko makita yung mukha nya dahil natakpan na ito ng shadows ng puno at ng hoodie nya.
Nanatili akong nakatitig sa kanya dahil may nararamdaman akong kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.
Bigla nalang nagring yung bell at dahil dun ay nawala ang atensyon ko sa lalaking naka-itim. Nung binalik ko
Yung tingin ko sa pwesto nya ay wala na sya dun
Kasabay ng pag-buntong hininga ko ay ang syang pagtunog ng phone ko
+06********
So you noticed me huh? You are so beautiful I cant stop myself from staring at you. Be careful my Princess
-M
So sya nga si 'M'
Sino ka nga ba talaga 'M'?
__________________________________
SORRY FOR THE SUPER DUPER LATE UPDATE! I WAS CAUGHT UP IN GALAXY WORKS AND STUDIES.
HERE'S CHAPTER 5 WITH 650 WORDS!I HOPE YOU LIKE IT!
STAN TALENT,STAN A.C.E!!
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Rude Hearthrob
Teen FictionAko si Cheryl Alexa Y. Reu,ang inyong girl next door.Tahimik lang ang buhay ko mula noong nakilala ko ang heartthrob ng school,no wait correction,Sya ay isang RUDE hearthrob na si Jacob Matthew E. Scott. Maraming nangyari na hindi maayos sa pagitan...