Cheryl's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Nagsimula na akong maligo at magayos ng gamit ko at ng itsura ko para makapasok na ako sa school.
Bumaba ako sa hagdan pero nakahawak parin ako sa railings dahil kahit na konti nalang ang sakit ay mahirap paring maglakad.
Pagkababa ko ay nakita ko sila kuya sa may dining area ay binati nila ako at hinainan ng pagkain.
Tumingin ako kay Kuya Nat at inisip ko kung sino ba yung gusto nya sa dami ng fangirls nya. Tumingin din ako kay Kuya Jun at ngumiti nang parang pusa, hehehehe di ka makakatakas sakin kuya, at bigla akong ngumiti. Napansin naman iyon ni kuya Jun at siguro dahil naweirdohan sya sakin ay umusog sya ng papalayo sakin. Di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
*at school*
Pagkalabas ko ng kotse, dahil mahal na mahal ako ni kuya Jun ay sya ulit nagalalay sakin para makapaglakad ako ng maayos.Matutuwa na sana ako dahil ang bait ni kuya ngayon pero bigla akong may narinig na mga bulong sa paligid namin
'Bakit sya lumabas mula sa car ni prince Nathan?'
'Bakit nya kasama yung mga prince?'
'Ang landi talaga nyan, kahapon pa ako naiinis sa kanya'
'Abangan natin sya mamaya'Marami pa akong narinig na mga masasamang comments, para na lamang sa katahimikan ay tinaggal ko ang kamay ni kuya sa pagkakahawak sakin at sinenyasan sya na kaya ko na magisa.
Nagalinlangan sya pero sumunod lang din nung nakita akong nagmamakaawa.
Pagkaalis ni kuya ay paika-ika akong naglakad papunta ng room ko. Nung tumingin ako sa orasan ko ay nakita ko na 6:50 na! Kailangan ko na magmadali dahil 7:00 ang klase ko!
Kahit paika-ika ay sinubukan kong tumakbo paakyat ng hagdan.Napatingin ako sa numero sa may pader at nakita kong 3 floor palang ako. Binilisan ko pa yung pagakyat ko kahit masakit na yung paa ko, bigla nalang bumigay yung kanang paa ko at malapit na akong mahulog sa hagdan, hinintay ko nalang na maramdaman yung sahig dahil di ko na abot yung railings ng hagdan.
Ilang segundo pa ang lumipas nung may mga braso na pumulupot sakin upang saluhin ako
(A/n:buti pa sa kanya may sumalo😭 sakin wala)
Tahimik muna ms. Authorrr.
Nagk kwento pa ako oh
(A/n:pasalamat ka nga ikaw yung pinili ko eh)
Oo na po, thank you. Now back to the story. Habang pinapakiramdaman ko yung galaw nung lalaking sumalo sakin ay napansin kong parang hinahabol nya hininga nya.Namula ako dahil ramdam ko rung hininga nya sa may bandang pisngi at tenga ko. Kinikilabutan ako na kinikilig na ewan.
Nung nilingon ko sya para makita yung mukha nya ay nagulat ako nung sya yung nakita ko
"Anong ginagawa mo rit-jdjakkaoajahshsbsbsnsjjajakzkziaooa"
_________________________________________
Short chapter lang po muna😁. Sino kaya yung lalaking sumalo kay Cheryl? Abangan sa susunod na update!
Ps. 470 words lang po nagawa ko ngayon, sorry✌
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Rude Hearthrob
Genç KurguAko si Cheryl Alexa Y. Reu,ang inyong girl next door.Tahimik lang ang buhay ko mula noong nakilala ko ang heartthrob ng school,no wait correction,Sya ay isang RUDE hearthrob na si Jacob Matthew E. Scott. Maraming nangyari na hindi maayos sa pagitan...