Chapter One-New Life

100 6 6
                                    

Cheryl's POV

*kringgg Kringgg*

                  Nagising ako pagkatapos tumunog ng aking alarm clock. Nang tumingin ako sa orasan ay nakita kong 7:45 na! Nagmadali akong magayos dahil malalate na ako sa aking klase. Ayaw ko namang malate sa first day ko sa Bago kong school.

Pagkatapos ko magayos ay bumaba agad ako papuntang kusina upang kumuha ng tinapay nang sumigaw si Kuya

" CHERYL BILISAN MO NA MALALATE NA TAYO! " sabi ni Kuya Nat. Sumigaw ako pabalik habang papunta sa garahe
" MALALATE LANG WALANG TAYO! ". Nang makarating ako dun ay agad akong binatukan ni Kuya
" loko loko ka talaga, sakay na para makarating na tayo sa school "

Sumakay ako sa sasakyan at isinaksak sa aking tenga ang aking earphone. Ay di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga po pala si Cheryl Alexa Y. Reu, 17 years old currently in gr. 12. Tahimik lang sa sasakyan habang bumabyahe. Di ako nabobored dahil Nakikinig ako sa isang grupo na 7 ang lalaki at sobrang galing nila at gwapo pa😂.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na ako sa school. Lumabas agad ako ng sasakyan dahil may naririnig na akong bulungan at tilian nung lumabas sila kuya. Binilisan ko ang aking lakad para di ako mapansin ng mga bagong Fangirls nila.

Dumeretso na ako sa room ko, dahil alam ko na kung nasaan ito. Itinour na kami noong orientation kaya alam na namin ang mga basic facilities ng school. Dumeretso agad ako sa dulong row, at naupo sa pinakahuling upuan katabi ng bintana. Tanaw na tanaw ko ang school grounds dahil nasa 4th floor kami.

Damami pa ang mga estudyanteng pumapasok sa gate. Nang pumatak ang ika-8 ng umaga ay dumating na ang aming homeroom teacher. Binati namin sya ng 'good morning' at naupo na. Tulad ng nakasanayan sa maraming mga school ay sinimulan ng aming guro ang first day sa pamamagitan ng gawain na tinatawag na 'Introduce Yourself'.

Sinimulan ito mula sa harapan. Nagsimula nang magpakilala ang aking mga kaklase may mga nagtanong din sa kanila tungkol sa kanilang sarili, hobbies, phone no# at iba pa. Nang ako na ang magpapakilala ay biglang bumukas ang pinto, lumikha ito ng isang maingay at malakas na tunog dahil sa pagkakatama nito sa pader. Nakita ko ang isang lalaking matangkad, gwapo, at ma-charismatic. Umupo agad sya sa upuan kahit di pa sya bumabati sa aming guro at di pa sya nagpapakilala. Rude, yan ang unang pumasok sa isip ko. Gwapo sana sya pero ayoko sa pagiging rude nya.

May narinig akong mga bulong-bulungan ng mga babae
'Uy si Prince😍😍'
'Kyaahhhhh ang gwapo nyaaa'
'Marry me prince!!'
'Oppa saranghae!!!'

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag-introduce sa aking sarili. Nagturo si maam ng kung ano ang mga dapat gawin sa loob ng school. Nakinig lamang ako ng tahimik nang may nagbato sa ulo ko ng bola na gawa sa papel. Binuksan ko ito at nakalagay
'Nerd'
Inilagay ko nalang ito sa aking bag upang maitapon ito mamaya

Napa-sigh nalang ako habang iniisip na
'This is gonna be a long day'

To be continued
-------------------------------------------------------------
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Wooo tapos na 1st chapter. 514 words in total. Thank you po sa mga nagbabasa. Sorry po kung super duper late update po. Thank youu!!

Secretly Married to the Rude HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon