Chapter 2- Oh No

81 5 1
                                    

Cheryl's POV

                       Natapos na ang klase para sa umaga at recess na. Habang nagaayos ako ng bag ay nagulat ako ng may bumangga sakin. Paglingon ko ay nakita ko ang isang babaeng maliit na nakaupo sa sahig. Nasa harapan nya ang apat na babaeng mukhang coloring book dahil sa kapal nilang magmake up

" Oh ano?? Lampa ka naman pala, may gana ka pang tumabi kay prince!"- Girl 1
" Ang pangit mo. Kaya wag ka na magbalak lumapit sa prince namin! Samin lang sya!"- Girl 2
" Nakakasira sya ng Beauty! Huwag na natin sya pag-aksayahan ng panahon, mas maganda pa tayo sa kanya"- Girl 3
" Tara na girls! "- Girl 4

Nang makaalis na sila ay napatingin ako sa babaeng umiiyak na malapit sa upuan ko. Kahit tahimik at nerd ako ay di naman ibig sabihin nun na wala akong pake sa paligid ko at sa mga taong nakakasalamuha ko.

Tinulungan ko sya tumayo
"Uhhmm. Okay ka lang ba?"-tanong ko sakanya
"Ok lang po ak-----" sagot nya pero nagtaka ako kung bakit sya napatigil bigla sa oras na napatingin sya sa mukha ko. Ganun ba talaga ako ka pangit?
"Excuse me? Okay ka lang ba talaga?"-tanong ko ulit sa kanya
"Ay opo! Pasensya po at napatulala nalang po ako. Ang ganda nyo po kasi" sabi nya. Weh? Ako maganda? Dont me😂
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong nya sakin. Dahil di naman ako snobber at dahil ayoko magkabad impression baka layuan ako ng lahat.

"Cheryl" sabi ko at inilahad ang kamay ko. Masaya nyang kinuha iyon at sinabing
"Aeyounnie😁" pagpapakilala nya. Inaya nya ako upang pumuntang canteen para kumain, at dahil wala naman akong gagawin at wala naman akong kasama, pumayag ako.

Habang naglalakad papuntang canteen ay may naglalahad ng mga flyers ng mga club. Kinuha naman namin lahat ng nakalahad sa harapan namin para makapili kami mamaya.

Nakarating na kami at naghanap ng upuan. Pinili namin yung upuan na nasa dulo, may baon kaming pagkain kaya di na namin kailangan pumila nang napaka haba. Tahimik lang kami habang kumakain at minsan din ay nagtatanungan tungkol sa mga hobbies.

Masaya kaming naguusap nang naramdaman kong umangat ako mula sa aking upuan at malakas na bumagsak sa sahig.

Naramdaman ko rin na tumama sa aking ulo at mukha ang mga gamit ko. Nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko yung lalaking rude kanina sa klase na nakatingin lang sakin pababa na naka pokerface lang

Tatayo sana ako upang sigawan at saktan sya pero sa oras na sinubukan kong tumayo ay napaupo akong muli dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Lahat ng nasa canteen ay nakatingin samin, Tinulungan ako ni Aeyounnie para makatayo pero sobrang sakit nya talaga😭.

Ayoko umiyak sa harap nya dahil kailangan kong ipakita sa kanya na maling tao ang binangga nya.

Tinignan ko sya ng masama. At dahil ayoko pang ma-center of attraction ay umalis na kami ni Aeyounnie dun.

Dumeretso kami sa clinic para makainom ako ng pain killer, sabi ng nurse na kailangan kong ipahinga ang  balakang ko dahil sa lakas ng aking pagkakabagsak.

Tinulungan akong makabalik sa room ni Aeyounnie, habang naglalakad ay may naririnig akong mga bumubulong

'Sya yung napahiya ni prince kanina'
'Kawawa naman sya'
'Dapat lang sakanya yun!'

Di ko nalang sila pinansin at inisip ko nalang na malayo-layo pa ang room namin dahil 4th floor pa yun.

May araw ka din sakin 'Prince'. Maghanda ka lang

To be continued

____________________________________
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Woooo tapos na din!!! 574 words in total!!!! Thank you po sa mga nagbabasa. I love you❤

Secretly Married to the Rude HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon