Chapter 3- I met Him

68 6 0
                                    

Cheryl's POV

Pagkatapos ng klase ay nagayos na ako ng bag habang nakaupo. Hindi parin ako makalakad ng maayos dahil sobrang sakit parin ng balakang ko.

Inaalalayan ako ni Aeyounnie palabas ng room. Habang naglalakad sa hallway ay may mga lalaking akala nila bata pa sila dahil nagtatakbuhan sila sa hallway.

Dahan dahan kaming naglalakad dahil baka matumba ako ng wala sa oras nang biglang may isang lalaki na wala manlang na babala ay tumama sakin at yon ang naging dahilan ng aking pagkaka-out of balance.

Napapikit ako habang hinihintay na bumagsak ako sa sahig, pero habang bumabagsak ay may biglang humawak sa bewang ko at ipinagpalit ang pwesto namin kaya nahulog ako sa ibabaw nya at sya naman yung nakaramdam ng tigas ng sahig.

Iniangat ko ang aking ulo upang tignan ang lalaki. Doon ko napansin na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya namula ako ng sobra.

Nagkatitigan kami ng matagal, naputol lang ang pagtititigan namin nung biglang may narinig kaming *click* mula sa isang camera at naalala ko na mahilig nga pala kumuha ng litrato si Aeyounnie lalo na kung kakilig kilig yung eksena.

Tumayo ako agad dahil nakakahiya na kasi nakapatong ako sakanya at baka mabigat ako.

Pagkatayo ko ay biglang bumigay yung mga binti ko akala ko ay babagsak ulit ako sa malamig na sahig ngunit ay may humawak sa kamay at braso ko para di na ako matumba.

"Sorry at nabangga kita" sabi nya, at dahil nahihiya parin ako sa nangyari ay um-oo nalang ako.
"Ano nga po pala yung pangalan mo?" Tanong nya ulit
"Cheryl, Cheryl Reu" pagpapakilala ko sa kanya
"Cheryl.. ang ganda ng pangalan mo😁. Ako nga pala si Keith, Keith Del Rosario" ahhhhh Keith pala pangalan nya. Ang pogi nya pala ♡•♡ ngayon ko lang kasi nakita ng buo yung mukha nya.Wiiiiiiii crush ko na sya
"Nice meeting you Cheryl. Kita nalang tayo next time!" Pagpapaalam nya. nagpaalam narin ako kaya umalis na sya... Teka kita daw kami next time, ibig sabihin ba nun may next time pa? XD wiiiiii. Tinuloy na namin ni Aeyounnie ang paglakad palabas ng campus at nalaman kong same subdivision lang din kami! 2 houses lang pala pagitan ng bahay namin.

Hinintay namin sila kuya sa may harap ng pinto ng building namin at nung dumating na ang sasakyan sa harap namin ay nagtaka sila kuya nung paika ika akong naglalakad kaya tinanong nila kung ano nangyari kaya kinwento ko ang nangyari sa canteen.

"ABA'Y SINO YANG LOKONG LALAKING YAN?! SUGURIN KO!" biglang sigaw nila kuya, at sabay pa!
"Di ko po kilala kuya pero tinatawag po nilang prince yun" sagot ko
"Huwag ka na lalapit dun ah" pagbibilin ni Kuya Nat. Um-oo nalang ako sa kanya

Naging tahimik ang byahe pero may napansin ako kanina pa nakatulala si Kuya Jun kay Younnie. Di kaya may gusto si kuya rito? Wiiiii Im so proud of my kuyaa, binata na sya!! Nung mapansin ni kuya na alam ko nang nakatitig sya kay Younnie ay umiwas nalang sya ng tingin at napakamot sa batok nya habang namumula. Ang kyot ng kuya ko XD.

Nang makababa na si Younnie sa bahay nila ay dumeretso na kami sa bahay namin. Inutusan ni kuya Nat si kuya Jun na tulungan akong makapasok sa bahay, pero ayaw nya siguro dahil baka iniisip nyang tatanungin ko sya tungkol kanina. Which is gagawin ko talaga.

Wala namang nagawa si kuya kundi sumunod, habang paakyat kami ng hagdan ay binulungan ko sya
"I approve kuya" pagkasabi ko nun ay namula ng sobra si kuya at sinabing
"Manahimik ka na nga, kung ano ano na yung mga pinagsasabi mo eh" napatawa nalang ako sa sagot nya. At ng makarating kami sa kwarto ko ay nagpasalamat ako sa kanya at umalis na sya. Pagka hawak nya sa doorknob ay sinabi ko sa kanya.

"Ingatan mo po si Aeyounnie ah."

Napatawa nalang ako dahil mas mapula pa sa kamatis ang mukha nya at tuluyan na syang umalis. Kahit masama ang naging araw ko dahil sa PRINCE na yun ay buti naman at may Aeyounnie at mga kuya akong nagpapasaya sakin.

______________________________________
××××××××××××××××××××××××××××××
Yeyyyy. Third chapter doneeee
696 words in total. Thank you po sa mga nagbabasa. I love you♡


Secretly Married to the Rude HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon