*Short update ahead. Pero sana magustuhan nyo pa rin. :)*
This chapter is dedicated to krizzylane
(Crizelyn Aroy) Hope you enjoy!Chapter Seven
"Lieutenant!" Salubong sa kanya ni Francis na sinabayan sya sa paghakbang papasok sa maliit at simpleng headquarter nila. "Twelve men, armed and came in a military ship. Said they're CIA."
Tumango sya, saglit na huminto sa harap ng nakapinid na pinto 'tsaka niya binalingan si Francis.
"Ano daw kailangan?" Tanong nya.
Nagkibit balikat si Francis. "Ayaw sabihin. Ikaw daw ang gustong kausapin."
Tumaas ang kilay nya sa narinig at saka seryosong pinihit ang seradura ng pinto. Tumambad kay Jacob ang mga naglalakihang Amerikanong sundalo na halatang hindi nabibilang sa maliit nilang headquarter. Mistulang lumiit ang mga upuan nila sa malalaking bulto ng mga ito. Para bang sumikip lalo ang maliit na nilang silid at isama pa dito ang walo nyang sundalo.
Sabay-sabay na tumayo ang mga ito at dahil kailangan, ay sumaludo sa kanya. Sumaludo rin sya bilang tugon bago humakbang papasok sa loob.
Isa-isang nagsi-upuan ang lahat maliban sa isang lalaki na agad naglakad palapit sa kanya. Matikas ang tindig nito at halos kasing tangkad nya bagamat aminado si Jacob na lamang ito sa laki ng katawan. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang apat na bituin sa balikat ng uniporme nito. Anong ginagawa ng ganitong kataas na opisyal ng CIAsa maliit nilang isla.
Huminto ito sa harap nya, muling sumaludo bago naglahad ng kamay.
"Agent Zachary, CIA." Pakilala nito.
Sumaludo sya bago tinanggap ang palad nito. "Lieutenant Jacob Cavanaugh of 69 Battalion of AFP."
Narinig nya ang bahagyang pagtawa ng kanyang mga miyembro at para bang gusto nyang bigyan ng tigi-tig-isang kutos ang nga ito. Kailan ba masasanay ang mga ito sa pangalan ng grupo nila.
Matapos ang saglit na pakikipagkamay ay agad nang dineretso ni Jacob ang gustong sabihin.
"Let's get to the point. What brings the CIA here?"
"We're looking for a woman." Diretso ring sagot nito.
Nabigla man ay nagawa pa rin ni Jacob na hindi 'yon ipakita sa kanyang mukha. He have a wild guess about the woman they were trying to find. Itataya nya ang lahat na may kinalaman ito sa babaeng kasalukuyang nagtatago sa bahay nya. Sa babaeng mahigpit na hinawakan ang kamay nya at sinabing...
"Wag mo kong iwan, please. Dito ka lang."
Ayaw man nya itong iwan pero kinakailangan. It's either puntahan nya ang grupo o sya ang puntahan ng mga ito sa bahay. And he won't risk Elisa's safety hangga't hindi nya pa alam kung ligtas ba ito.
"A woman?" Ulit nya sa sinabi nito na tila hindi makapaniwala. "Pray tell who is this woman? If you want help from us, then we need every bit of information you got."
Tumango si Zach at agad na binuksan ang laptop na nakapatong sa mesa. Ilang minuto itong nagtipa sa aparato bago iyon iniharap sa kanya.
Hindi na sya nabigla nang makita ang litrato ng babaeng bumungad sa kanya. It was the same woman he was kissing an hour ago.
"Her name is Elisa Collins." Simula nito at hindi nakaligtas kay Jacob ang bahagyang paggaralgal ng boses nito nang banggitin ang pangalan ng dalaga. May nababasa rin sya sa mga mata nito. Is that...? Sadness? Pity? Grief? Hindi nya alam pero pupusta si Jacob na may nakaraan ang lalaking ito at si Elisa.
BINABASA MO ANG
Dangerous Past
Любовные романы"If she's a sin, then he'll willingly die a sinner for her." Dalawang taon na mula ng madestino ang grupo ni Lieutenant Jacob Cavanaugh sa Isla Bughaw. Simple lang ang misyon nila at iyon ay bantayan ang isla. Salat man sa maraming bagay ay tahimik...