Hello! Pasensya na sobrang natagalan. Patawarin nyo na ko. Love y'all.
Chapter Fourteen
"It's PTSD." Seryosong sabi ni Steve nang tumayo ito matapos muling tingnan ang lagay ni Elisa. Kauuwi lang nila sa bahay at nagpumilit ang mga kasamahan nya na ihatid sila bagamat si Steve lang ang pumasok sa loob. Tumiim ang bagang ni Jacob habang nakatingin sa walang malay na si Elisa.
"You sure?" Tanong nya.
"It's not normal to faint at the sight of a water gun, Jake." Sagot nito.
Muling nagtagis ang bagang nya lalo na nang maalala ang nangyari kanina.
"W-wala akong ginawang masama, Jake, I swear!" Namumutlang paliwanag ni Delilah; sa kamay ay hawak ang isang water gun.
Aaminin ni Jacob na nakaramdam sya ng matinding takot nang inakala nyang may masamang nangyari kay Elisa. And he felt a great relief when he realized that she was safe. Na masyado lang itong natakot. Lahat halos ng tiga isla na nagsasaya sa plaza ay nag-alala sa kalagayan ng dalaga pero idinahilan na lang nya masyado lang itong napagod sa byahe.
Ngayon lang tuloy pumasok sa isip nya na hindi nga normal ang naging reaksyon ni Elisa. Tama si Steve. Elisa is suffering from PTSD. Post Traumatic Stress Disorder. Of course natrauma ito sa naranasan. Sino bang hindi gayung namatay ang mga kasamahan nito sa mismong harap nito, pagkatapos ay nabaril at nalaglag sa bangin. She almost lost her life, for goodness sake.
Napapikit sya. Paanong hindi nya napansin na may nilalabanan na ganito ang dalaga. He should've known. Ang mga bangungot nito tuwing gabi, ang pagpili nito na kalimutan kung sino talaga ito at ang katotohanang hindi nito maalala kung sino ang taong bumaril dito.
Ikinuyom nya ang kamao.
"Mukhang matindi ang pinagdaanan nya." Dugtong pa ni Steve, ang mga mata ay kakakitaan ng awa para sa dalaga. "You should stay with her and offer her your full support and comfort. Kailangan nya 'yon ngayon."
Tumango sya. "Salamat, bok." Aniya.
Umiling ito. "Hindi na kita pipigilan sa kung anuman ang plano mo sa kanya. Just don't do anything to jeopardize our mission, Jake."
"Alam ko, bok, wag kang mag-alala."
"They'll be here in fortnight." Paalala nito bago sya tinapik sa balikat. "Mauna na ko."
"Salamat, bok." Nakatalikod na ito pero sumaludo pa rin bago isinara ang pinto.
Naupo sya sa silya sa tabi ng kama na kinahihigaan ni Elisa. Ilang minuto nyang tinitigan ang mukha ng dalaga bago maingat na hinawakan ang kamay nito habang ang isa nyang kamay ay ginamit upang hawiin ang ilang hibla ng buhok ni Elisa.
Bumuntong-hininga sya, tumungo at inilapat ang noo sa magkahawak nilang kamay.
For some reason ay nakokonsensya sya. Magulo na ang buhay ni Elisa, marami na itong hirap na pinagdaanan pero heto at sa kamalas-malasan ay napadpad pa kasama nya. Tahimik man ang buhay nya ngayon dito sa isla ay hindi pa rin nawawala ang katotohan na isa syang sundalo. Sundalong lumalaban para sa bayan. Masasangkot at masasangkot sya sa gulo dahil iyon ang buhay nya bilang sundalo. At pagbali-baligtarin man nya ang mundo ay hindi na magbabago ang katotohanang parte na ng buhay nya ngayon si Elisa.
* * * * * *
Komportable.
Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ni Jacob nang magmulat sya ng mata kinaumagahan. Agad rin naman syang pumikit nang salubungin ang kanyang paningin ng matinding sikat ng araw.
Natigilan sya.
Kailan pa ba sya huling inabutan ng sikat ng araw sa higaan? Ni hindi na nga nya matandaan. Nagmulat sya ng mata at agad na nahigit ang hininga nang makita si Elisa sa kanyang tabi.
BINABASA MO ANG
Dangerous Past
Romance"If she's a sin, then he'll willingly die a sinner for her." Dalawang taon na mula ng madestino ang grupo ni Lieutenant Jacob Cavanaugh sa Isla Bughaw. Simple lang ang misyon nila at iyon ay bantayan ang isla. Salat man sa maraming bagay ay tahimik...