A/N: Lieutenant Fatima says, may mga binago ulit akong details from previous chapters pero minor lang naman hindi nyo na kailangan balikan. Anyway, salamat sa matiyagang paghihintay. Enjoy reading!
Chapter Twenty-Seven
Umigting ang panga ni Jacob nang muling mapasulyap sa orasan. Magiisang oras na si Elisa sa labas pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.
Nasaan na kaya ito? May masama kayang nangyari?
Napailing siya. Hindi makakabuti kung mag-iisip siya ng masama. Marahas siyang nagpakawala ng hininga 'tsaka bahagyang hinawi ang kurtina at sumilip sa labas.
"'Wag kang masyadong mag-alala, bok. Kaya ni Elisa ang sarili niya."
Binitawan niya ang kurtina at hinarap si Ricky. "Hindi ko maiwasan, bok. Kung ako lang ang masusunod hinding-hindi ko hahayaan na lumabas siya nang mag-isa."
Para bang lagi siyang aatakihin sa puso kapag nawawala sa paningin niya si Elisa. Takot na takot siyang mawala ito sa kanya.
Palaging sinasabi ni Elisa na utang nito ang bagong buhay sa kanya, pero ang hindi nito alam ay siya ang binigyan nito ng bagong buhay. Mula nang dumating si Elisa ay nagkaroon na ng bagong direksyon ang buhay niya. Kung dati ay kuntento na siya sa Isla Bughaw, ngayon ay para bang kulang na kulang siya kapag naiisip na hindi niya makakasama si Elisa. Binigyan nito ng bagong kulay ang buhay niya at hindi alam ni Jacob kung kakayanin ba niya kapag nawala ito.
Tinapik ni Ricky ang likod niya. "Wala naman tayong magagawa eh. Kailangang-kailangan natin ng supply at sa ating lahat, mukha lang niya ang hindi nakabandera sa buong Pilipinas."
And he hate that. Pakiramdam niya ay ipinapain niya si Elisa. Napailing na lang siya at muling hinawi ang kurtina. Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin ito. Napabuntong-hininga si Jacob.
Walang mangyayari kung magbabantay lang siya hanggang sa makabalik ito. He needs to do something. Agad niyang nilapitan ang radio scanner sa lamesa at binuhay iyon. Dahan-dahan niyang inilipat ang istasyon, naghahanap ng masasagap na radyo ng pulis.
"... all units, isang kahina-hinalang puting pick-up sa highway forty-five..."
Ginugol niya ang oras sa pakikinig sa radyo. Sa ganitong paraan ay makakatimbre sila kung may nakakaalam na ba ng lokasyon nila. Nag tiim-bagang siya, umaasang wala siyang maririnig tungkol kay Elisa.
"Sa palagay mo, bok, hanggang kailan tayo ligtas dito?"
"Hindi ko alam, bok. Ang alam ko lang ay hindi na tayo pwedeng magtagal pa rito ng isa pang linggo."
Sa kanya nakapangalan ang bahay at alam niyang bilang na lang ang araw bago sila matagpuan ng mga awtoridad. Bago pa 'yon mangyari ay kailangan na nilang umalis.
"Kumusta na ang lagay nila? Sa tingin mo kakayanin na nila kung aalis tayo mamayang gabi?" Tanong niya.
Tumango si Ricky. "Okay na silang lahat. Bumabawi lang ng lakas. Bumaba na ang lagnat si Steve 'yon nga lang ay kailangan pa ring mapatingnan sa doktor. Suwerte nga at hindi malalim ang tama ng bala at hindi tinamaan ang buto sa binti. Kung sakali ay..." tumikhim ito at napailing. "'Tang'na! Kung hindi sana kami nahuli ng dating ay baka hindi umabot sa ganito. Baka buhay pa si Francisco."
Napapikit siya. May kirot pa rin sa puso sa tuwing naaalala niya ang sinapit ng kaibigan. Hindi siya makapaniwalang hahantong sa ganito ang lahat.
"Wala kang kasalanan, bok." Aniya at tinapik sa braso si Ricky. "Pito ang nailigtas mo at kung hindi ka dumating ay baka naubos kami."
BINABASA MO ANG
Dangerous Past
Romance"If she's a sin, then he'll willingly die a sinner for her." Dalawang taon na mula ng madestino ang grupo ni Lieutenant Jacob Cavanaugh sa Isla Bughaw. Simple lang ang misyon nila at iyon ay bantayan ang isla. Salat man sa maraming bagay ay tahimik...