Chapter Twenty-Eight

4.6K 196 39
                                    

Chapter Twenty-Eight

"Jacob!" Kinakabahang hinila ni Elisa ang damit ni Jacob dahilan para lingunin siya nito. "Si-sigurado ka ba dito?" Tanong niya 'tsaka alanganing sinulyapan ang apat na palapag na gusali na nasa harapan nila bago muling ibinalik ang tingin sa binata.

Tila naramdaman naman ni Jacob ang pag-aalinlangan niya dahil agad nitong binitawan ang mga supot na dala at hinapit siya't mahigpit na niyakap. Marahan nitong hinaplos ang buhok niya bago siya binigyan ng mabining halik sa ulo.

Napapikit si Elisa at agad na gumanti ng yakap. Parang bula na bigla na lang naglaho ang lahat ng pagod at kaba niya. Ilang oras na rin silang naglalakad mula nang abandonahin nila ang sasakyan. Iniwan nila iyon sa isang liblib na daan sa kabilang baranggay dahil imposibleng makalusot sila sa mga highway palabas ng Palapag sa dami ng check point kaya naman sa kakahuyan sila dumaan

"Do you trust me, Elisa?"

Napasinghap siya at agad na bumitaw sa pagyakap kay Jacob. Bahagya niyang inilayo ang sarili para tingnan ito.

"Of course I trust you, Jacob. Hindi mo na 'yan kailangang itanong pa." Sagot niya.

Tumango si Jacob at muli siyang ikinulong sa yakap.

"Thank you, Elisa."  Bulong nito 'tsaka hinawakan ang kanyang kamay, dinampot ang mga supot na binitawan bago siya iginiyang muli sa paglalakad.

Pinasadahan muna ni Jacob nang tingin ang paligid bago siya nito inalalayan papunta sa gilid ng gusali at sa maliit na eskinita. Nang makarating sila sa likod ay tumambad sa kanila ang isang itim at bakal na pinto. Agad namang itinaas ni Jacob ang kamao at kumatok. Napansin ni Elisa na tila hindi lang iyon basta normal na katok, kundi isang code.

Dalawa-lima. Isa-isa. Isa-tatlo. Tatlo-apat. Isa-dalawa.

Mayamaya pa ay lumagitik ang pinto at unti-unting bumukas. Isang may edad na lalaki ang bumungad sa kanila. Nang makita nito si Jacob ay agad itong tumango at lalong niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Tulala pa si Elisa nang igiya siya ni Jacob papasok. Kumakalabog ang puso niya hindi dahil sa kaba kundi sa antipasyon. She was imagining high technology hideout. The hacker inside her is feeling giddy. Pero gan'on na lang ang pagkadismaya niya nang mabungaran ang loob. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala namang espesyal sa lugar, mukha nga lang iyong isang simpleng bahay. Napanguso si Elisa pero agad ring nawala ang pagkadismaya nang marinig ang mahinang tawa mula kay Jacob kasabay ng paggulo nito sa buhok niya.

"Disappointed?" Biro nito.

Ni hindi tinablan ng hiya si Elisa dahil sa napansin nito, sa halip ay nagdiwang ang puso niya nang marinig ang tawa ni Jacob.   Sa dami ng pinagdaanan nila ay bibihira na niyang makita itong tumawa. Miss na miss na niya ang masayahing si Jacob at ang makitang tumatawa ito ngayon ay para bang isang biyaya.

"Hindi 'to high tech na hideout but at least we're safe here."

"Yakob." Sabay silang napalingon sa matanda. Nagtagal ang tingin nito sa kanya bago bumaling kay Jacob. Pakiramdam ni Elisa ay may lihim na pinag-uusapan ang mga ito gamit ang mga mata. Mayamaya pa ay tumango si Jacob.

"Lala, samahan mo muna ang ate Elisa mo sa taas." Sabi ni Jacob at noon lang niya namalayan ang batang babaeng nakahalukipkip sa harapan niya. Nakanguso ito at nakasimangot.

Nagulat si Elisa nang pasadahan siya ng bata ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling nanulis ang nguso. "Tara." Sabi nito.

Naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin niya kay Jacob, kay Lala at sa matanda na ni hindi man lang ipinakilala sa kanya ni Jacob.

"Mamaya na." Bulong ni Jacob na tila naintindihan ang kagustuhan niyang magpaliwanag ito. It still amaze her how Jacob knows what she wants just by looking at her. Itinuro nito si Lala na masama na ang tingin sa kanya kaya agad na siyang sumunod.

Dangerous PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon