𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒘𝒐

121 6 3
                                    


Xyrille's Pov

Here we go again...

New school nanaman, kada school year lagi na lang akong lumilipat ng school. Pano ba kasi, yung parents ko gusto daw nila yung school na kung saan 'safe' daw ako. Nakakapagod kaya yung palipat lipat.

Hayyy...

Nandito pa pala ako sa room ko,  preparing for my first day of school.
Outfit ko for today is, white hoodie na croptop, black ripped jeans, and black vans.

After ko suotin yung damit ko, naglagay na ako ng face powder and lipbalm. Yun lang lagi  linalagay ko sa mukha ko.

Maya maya, may narinig akong tunog ng busina sa labas. Sumilip ako sa bintana, at nakita kong kumakaway sakin si Jb. Ngumiti naman ako, at nagmadaling bumaba.

"Yaya, pabukas naman po ng gate, nandyan na po kasi si Jb." Sabi ko, habang pababa ng hagdan.

"Nako, excited ah,hinay hinay sa pagbaba, baka madulas ka." Sabi ni yaya, habang patungo sa pintuan.

Ng makababa na ako, nakita kong nakapasok na si Jb.

"Hi Princess, ready ka na ba?" tanong ni Jb, at ngumiti.

"Hmm... I think so." Sabi ko, at ngumiti ng pilit.

Tumango naman siya, at sinabing...
"Saan na pala yung mga gamit mo? kunin ko na." Sabi niya.

"Sa taas." Sabi ko, at nauna nang umakyat. Sumunod naman siya sakin, at dumeretso kami sa kwarto ko.

Pagdating namin ng kwarto ko, kinuha niya agad yung dalawa kong luggage, at akmang lalabas na sana ng kwarto ko, pero bigla akong nagsalita.

"Wait lang, mabigat yan. Tulungan na kita." sabi ko sa kanya.

"No need. Kaya ko na toh." Sabi niya at ngumiti.

"Okay, sabi mo eh." Sabi ko, at kinuha yung backpack at phone ko.

Nauna na siyang bumaba, at sumunod naman ako.

"Mommy, Yaya. Alis na po kami." Sabi ko.

"Okay sweetie, ingat ka dun ha. If you need anything, just call or text me." Sabi ni mom, at ngumiti.

Tumango naman ako, at niyakap silang dalawa ni yaya.

Yinakap din nila ako pabalik, at hinalikan ako ni mommy sa pisngi.

"Bye na po, love you both." Sabi ko sa kanila.

Ngumiti naman sila.

"We love you too, study well sweetie."
sabi ni mom, at tumango naman ako.

"Alis na po kami, bye!" sabi ko.

"Okay, ingat kayo." sabi ni mom.

"Una na po kami tita, yaya." sabi ni Jb, at kinuha yung dalawang luggage ko.

Nauna na siyang lumabas ng bahay at linagay niya yung mga gamit ko sa loob ng sasakyan niya.

Pinagbuksan na ako ng pinto ni Jb sa shotgun seat, at pumasok narin ako.

Pinaandar na niya yung sasakyan, at kumaway na ako kina mom.

Umalis na kaming dalawa papuntang school. Buong biyahe tahimik lang kami, pero nasira yung katahimikan, nang bigla akong nagsalita.

"Malayo pa ba?" tanong ko, at sumilip sa labas.

"Hmmm... Malapit na, mga 10 minutes nalang." Sabi niya habang naka focus sa pagmamaneho.

Tumango nalang ako, at sinasaksak yung earphone sa tenga ko, at nakinig nalang ng music.

~•~•~•~

I'm With This Bad BoyWhere stories live. Discover now