𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒆

57 8 1
                                    

Xyrille's Pov

"Xyrille Rodriguez, 17 years old." walang gana kong sabi, na ngayon ay nakatayo sa harapan ng klase.

"Woah, pre chix oh!" sabi ng isang lalake sa dulo sabay ngisi.

"Pustahan, bago mag 2nd Quarter mapapa-oo ko siya." sabi naman ng kaibigan niya.

Such a flirt! Bwisit yung mga ganito eh. Feeling gwapo masyado.

Yung iba naman, pinagtitinginan ako, pinagbubulungan, at kung ano ano pa. I don't really care, basta walang physical na involvement, wala akong pake sa pinagsasasabi nila.

Napairap nalang ako, at hindi sila pinansin. Ganito naman sila lagi, judge agad hindi pa nga kilala.

Hate na hate ko talaga 'tong 'Introduce yourself ' Aishh!

"Class, quiet na" mahinahong sabi ng teacher namin.

"Thank you Ms. Rodriguez. You may now take your seat." sabi niya sa akin.
Tumango naman ako, at naghanap ng mauupuan.

Nasan na ba kasi si Jb? Ang sabi niya same class daw kami, hanggang ngayon wala parin siya dito.

Linibot ko muna yung tingin ko sa buong room at naghanap ng available na seat.

"Xy, here." tawag sakin ni Hannah, at tinuro yung upuan sa tabi niya.

Pumunta naman agad ako sa direksiyon kung saan si Hannah. Linapag ko na yung backpack ko, at umupo sa tabi niya.

Ang ganda naman ng pwesto dito, kitang-kita dito yung garden sa school. Mapuntahan nga mamaya. Sobrang ganda nung flowers, parang may rainbow sa sahig. Such a nice view.

"Wow naman Xy, orientation palang, dami mo nang admirers. Paano pa kaya pag tumagal tagal ka na dito sa school." Hanga niyang sabi.

"Shut up, Hannah." sabi ko, na ikinatawa niya naman ng mahina.

"Hayy, perks of being maganda" sabi niya at nag pout.

"Life's so unfair talaga" dagdag niya pa.

Napairap nalang ako sa pinagsasabi niya. Masyado niyang binababa tingin niya sa sarili niya. She's not too bad looking herself, kaso mukhang wala siyang confidence.

Nagsimula na yung klase kaso habang nag-iintroduce na yung teacher namin, biglang nagbukas yung pinto ng room namin.

Napalingon naman ako sa direksiyon kung saan yung pinto, at dun nakita ko si Jb, may kasamang tatlong lalake.

"Oh my gosh andyan na yung bad boys!" Sabi sakin ni Hannah, halatang kinikilig at natatakot at the same time.

Bad boys, huh?

Nagkatinginan naman kami ni Jb, at pinaningkitan siya, nakita ko namang napakagat siya ng labi, at umiwas ng tingin sakin.

Nako nako nako, huli kang lalake ka! Lagot ka talaga sakin!

"Ah there you are. Akala ko hindi na kayo papasok." Sabi ng teacher namin.

Wait, is this normal?! Bakit hindi nagalit yung teacher?!

Umupo na silang apat sa likod namin ni Hannah. Si Jb asa likod ni Hannah, hindi ko alam kung sino yung tatlo pa pero I don't care.

Naiinis lang ako kay Jb. May tinatago ba siya sa'kin?! Hindi ko alam na ganito pala yung lagi niyang ginagawa sa school. Matitikman niya talaga galit ko.

"Princess" tawag sakin ni Jb, mula sa likod.

"Hmm?" sabi ko, ngunit nanatiling nakatalikod parin sa kanya.

I'm With This Bad BoyWhere stories live. Discover now