𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒊𝒙

52 3 3
                                    

Xyrille's Pov

"Ano bang ginagawa mo?! Ayusin mo nga yang pagma-mop mo!" inis na sabi ko, at pinagpatuloy yung pagpupunas ng bintana.

Hindi ko nalang siya pinansin, at tumungtong sa upuan, para mapunasan din yung upper area ng bintana.

Pero - - -

Bigla akong na-out of balance.

Inaabangan ko na yung masakit na feeling sa pagkahulog ko, pero nagulat ako ng naramdaman kong may sumalo sa akin.

Nakahiga kami pareho sa sahig, at nakapatong sakin si Tristhan.

Nagkatitigan kami ng matagal. Hindi ko naisipang gumalaw, dahil kaunti nalang mahahalikan ko na siya.

Sh*t! Sh*it! Sh*t!

Ano na gagawin ko?!

"G-get o-off me!" nauutal na sabi ko, at tinulak siya ng mahina.

Tumayo naman siya, at ganun din ako.

"I'm sorry, are you okay?" Kalmadong sabi niya, at napakamot ng ulo, sabay iwas ng tingin.

"I-I'm fine."

Umiwas ako ng tingin sakanya, at pinagpatuloy yung paglilinis.

At ganun din siya.

*Awkward silence*

Nanatili kaming tahimik, habang naglilinis.

"Princess."

Liningon ko naman kung sino yung nagsalita, at andun siya sa may pintuan banda, naka sandal at naka cross-arms.

"Why?" Tanong ko sa kanya.

"Hatid na kita sa dorm. Tapos na ba kayo?" tanong ni Jb.

Tinignan ko si Tristhan na nakangiti sakin. Nakuha niya siguro yung sign na bati na kami. I just rolled my eyes at him at bumalik tingin ko kay Jb.

"Oo tapos na, tara na." kinuha ko na yung back pack ko, at pumunta sa kanya.

"Ikaw bro, hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ni Jb.

"No thanks. Magmumukha lang akong third wheel pag sumama ako sa inyo."
sabay tawa niya, kaya natawa na rin kami ni Jb.

"Isa pa, pupunta muna ako sa gymnasium,basketball muna 'ko. Kasama ko sila Zhander and Calvin. How about you? Sasama ka ba?" tanong niya, at sinukbit sa likuran niya yung backpack niya.

"Sige, wala din naman akong gagawin sa dorm. Sunod na lang ako, hatid ko muna si Princess."

"Sige." tipid na sabi ni Tristhan at tumango.

"Bye Xyrille!" dugtong pa niya, at kumindat sabay takbo.

Napairap nalang ako sa kanya.

Ughh! This boy!

Nagsimula na kaming maglakad ni Jb.

"Dumiretso ka nalang kaya sa gym. Wag mo na 'ko hatid." sabi ko, at ngumiti.

"Princess, it's already 6:30. It's getting dark. Wala na masyadong students dito sa campus." sabi niya.

"I can handle myself Jb. Don't worry, hindi naman masyado malayo yung dorm. At isa pa safe dito right? So wala ng dapat ikabahala."

Magsasalita pa sana siya, ng bigla ko siyang yinakap at hinalikan sa pisngi.

Tumalikod na ako sa kanya, at nagsimula ng maglakad.

"See you tomorrow." sabi ko habang patuloy parin sa paglalakad.

.
.
.

Habang naglalakad na ako pabalik ng dorm, ay may narinig akong yabag ng paa na papalapit sa akin.

I'm With This Bad BoyWhere stories live. Discover now