Hannah's Pov
Earlier...
"Xy, mauna ka ng pumasok. May pupuntahan pa kase ako, bye!" sabi ko kay Xyrille.
Hindi na siya nakapagsalita, kasi nagmadali na akong lumabas ng dorm.Binilisan ko ng maglakad... or should I say, tumakbo na ako papuntang elevator.
Pagdating ko sa elevator, pinindot ko ng paulit ulit yung down button.
Magbukas kana pleaseee!!
Patuloy parin yung pag pindot pindot ko ng down button, at sa wakas!
Pumasok na agad ako, at pinindot naman yung ground floor button.
Ang tagal namang bumaba ng elevator na 'toh!
.
.
.
*ding*
Finally!
Pagkalabas ko ng elevator, ay dali dali akong tumakbo papunta sa school's office.
Ang dami ko pang papel na bubuhatin!
Aishhh!!
Habang tumatakbo ako, ay napansin kong, ang daming nagkukumpulan sa bulletin board.
Ano meron dun?
Mamaya na yan! Kailangan ko munang magmadali.
Patuloy parin ang pagtakbo ko, hanggang sa makarating na ako sa office.
"Good Morning po Miss Principal. May pinapakuha lang po sakin si Miss Guille." Bati ko sa Principal. Pinapasok naman niya ako agad.
Binuksan ko agad yung pinto, at dumiretso sa table ni Miss Guille.
Kinuha ko na yung mga papel sa taas ng lamesa niya, at lalabas na sana, ng biglang may narinig akong usapan.
Familiar yung boses na yun.
'Di kaya si- -
"Miss Principal, I really think you should punish Xyrille. Andami niyang ginawang mali oh, you saw it yourself."
"You're right, hindi na tama yung mga pinag-gagawa ni Xyrille. Miss Secretary, please call Xyrille Rodriguez, Senior student, Building 3." sabi ng principal.
Si Trisha nga! Hay nako itong babaeng toh talaga, 'pag nalaman ko ginawa niya yari talaga sakin yang mukha niyang palaka.
Kinuha ko na yung mga papers sa lamesa ni Miss Guille, at lalabas na sana ng office, pero bumalik ako agad at hinarap yung dalawa.
"Mauna na po ako Miss Principal."sabi ko, at pilit na ngumiti.
Nakita ko namang napangisi sa akin si Trisha, at umirap.
Kala mo kinaganda mo na yan?
Mukha kang palaka!Lumabas na ako agad ng office, at hinanap si Jayden.

YOU ARE READING
I'm With This Bad Boy
Novela Juvenil"Love can make us cold on the inside, but hot on the outside." - Princess Xyrille Rodriguez🥀