𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑭𝒐𝒖𝒓

55 5 2
                                    

Xyrille's Pov

"Xy, oh ano ng nangyari ni Jayden sa inyo kahapon? Kinausap mo na ba siya?" tanong ni Hannah sa akin, habang inaayos ang necktie niya.

"Oo." tipid kong sabi, at sinuot yung blazer ko.

"Wag na muna nating pag-usapan yun please."sabi ko.

"Ah ganun ba? sige." sabi niya, at inayos yung backpack niya.

By the way nandito pala kami sa dorm ni Hannah, suot na namin yung complete uniform, regular class na kasi namin ngayon.

Mamayang 8:00 pa naman start ng klase namin, 7:00am pa lang naman.

Masyado pang maaga. Naisipan ko munang pumunta sa garden.

"Let's go." sabi ko kay Hannah, at lumabas na.

"San tayo pupunta?" Tanong niya sakin pagkatapos isara yung pinto nung dorm.

Daming tanong netong babeng toh! Hayy!!

"You'll see." tipid kong sabi.

Nauna na akong maglakad,at sumunod naman agad siya. Gusto ko munang mag-isip-isip saka ng katahimikan kaya dun muna ako pupunta. Hindi ko nga alam kung bakit ko dinala si Hannah eh.

Nang makarating na kami, nakita ko namang walang tao. Siguro kasi ang aga pa. Sakto!

Umupo na kami sa bench. Ang ganda talaga dito, yung mga bulaklak mukhang bagong bloom lang kaya nag-add siya sa beauty and life nung garden.

Narinig kong napabuntong hininga si Hannah, at nagsalita. "Nakakainis ka naman, Xy. Ba't mo ko dinala dito?"

Tinignan ko si Hannah. "Wae?"

Nakita ko yung mga luha na namumuo sa mata niya. Is she crying?

Patago niyang pinunas yung mga mata niya, at medyo napipiyok na nagsalita.

"Madalas kasi kami pumunta ng family ko sa park, tulad dito maraming mga makukulay na bulaklak. Namiss ko tuloy sila bigla." malungkot na sabi ni Hannah.

"Kaya kahit matagal na ko sa school na 'to, hindi talaga ako pumupunta dito kasi mamimiss ko lang sila. Mababaw yun reason I know, pero wala eh. I haven't seen them in a long time." dugtong pa niya.

I suddenly felt bad na dito ko siya dinala. I should've told her para naiwasan pa ito.

"Sorry for bringing you here." sabi ko.

"No, it's fine." sabi niya at ngumiti.

Pinagpatuloy nalang namin ang pag-uusap dahil marami pa namang oras.
May 30 minutes pang natitira.

Habang nag-uusap kami ni Hannah, napansin kong medyo napapalapit yung loob ko sa kanya. Marami pala kaming pagkakapareho, lalo na sa parents. Buong buhay ko hindi ko naramdaman presensya ng Dad ko. Oo, nakikita ko siya paminsan minsan, pero kahit mga special occasions na nagtatrabaho pa rin siya. Mas importante pa sa kanya yung trabaho kesa sa sariling pamilya niya.

Habang nag-uusap kami, may apat na lalake akong nakita na papunta sa direksiyon namin. Hindi pa sila dumadating kumukulo na dugo ko.

I'm With This Bad BoyWhere stories live. Discover now