•CHAPTER 6•

19 3 2
                                    

Ilang linggo narin ang nakalipas simula nung nilibing si papa. At ang pabalik balik na pagdurugo mg aking ilong,  thank god dahil hindi na ito nagpatuloy pa sabi naman ng doctor dulot lang daw ito ng sobrang init ng panahon nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. 

"Aeona nasa labas na si Ethan,  bilisan mo ng kumain diyan" sabi ni mama. 

Tamang tama dahil pagtapos na rin ako, kinain ko na ang isang subo ng kutsara at nilagay na ito sa labo. At nat toothbrush narin bago kunin ang gamit ko at lumas na.

"Ang aga mo namang sunduin ako" asar ko sakanya. 

Madalas kasi na sunduin niya ako ng late kaya lagi kaming late kaya himala dahil maaga siya.  Ayaw ko pa nga sana na magpahatid sundo sa kaniya  pero nagpupumilit siya,  paranaman daw may silbi siyang best friend. At baka daw mag pasagasa na lang dahil nga sa nangyari. 

Aaminin ko masakit parin hanggang ngayon pero unti unti ko nang tinatanggap na wala na si papa. 

"Magsalita ka naman diyan Aeona,  ang boring eh"ani niya. 

Nagkwento naman ako tungkol sa mga ginagawa kong tula at mga binabasa ko sa wattpad,  pero ang tanging sabi niya lang saakin ang boring daw ng mga pinag gagawa ko.  Anong boring doon?  Eh nakakaaliw pa nga gumawa ng tula tungkol sakanya. Magbasa ng kwento na nakakarelate ako sa nararamdaman ko sakanya.

Hay nako Aeona,  tama na yan di naman niya masusuklian lahat ng gusto mong matanggap be contented na lang na mag best friend kayo. 

"Nandito na tayo baka gusto mong bumaba?" naiiritang sabi niya. 

"Bakit ka ba iritang irita?" naiiritang tanong ko rin. 

"Kanina ka pa kasi diyan naka tulala!  Nagkukuwento ako di ka naman nakikinig ako kasama mo Aeona,  akin lang dapat yung  atensyon mo" sabi niya. 

Parang bata talaga tong hinayupak nato. 

"Ang arte mo,  kung makapag maktol ka diyan para kang bata" sabi ko naman. 

Ngumuso lang siya at nauna nang maglakad papunta sa room. Hinabol ko naman yung loko dahil mas mahirap siyang amuhin kapag mas pinatagal ko pa tong pag iinarte niya. 

"Hoy Ethan!  Hintayin mo nga ako! "tawag ko sakanya. 

Pero dedma lang siya at patuloy parin sa paglalakad. 

Tanga Aeona,  magsabi ka ng mga bagay na pagpapahinto sa kanya. 

"Magpapakamatay ako Ethan! " banta ko. 

Nagtagumpay naman ako dahil napahinto siya sa paglalakad at humarap sakin. 

"Then die Aeona, Die" sabi niya. 

Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Pabanta banta ka pa kasi Aeona. Ayan tuloy sinabihan ka ng masakit na salita. Sige pababayaan ko muna siya para naman lumamig yung ulo niya. 

Pumasok na lang din ako sa room at umupo sa tabi ni Yesha. 

-
-
-
-
-
-
-
-

"Hoy Aeona,  magkagalit nanaman ba kayo ni Caleb ha? " tanong ni Yesha saakin. 

Umiling lang ako at kumain,  nandito kasi kami ngayon sa canteen. 

"Oh eh bakit hindi nanaman kayo nagpapansinan non? tanong niya ulit. 

Hindi ko siya sinagot,  ang ingay kumakain ako. 

"Bahala ka nga diyan,  hindi naman kita makausap" pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya.

Tangina naman mag isa na lang akong kumakain ngayon nakakawalang gana.  Hindi ko na tinapos pa itong kinakain ko at naglibot libot muna dito sa school. 

The Girl Who Fell Inlove With Her Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon