•CHAPTER 7•

29 2 0
                                    

I don't know kung bakit wala akong ganang kumilos ngayong araw na 'to,  hindi ko alam kung bakit parang kagigising ko pa lang pagod na ako.  Pero hindi pwede, foundation day na ngayon. Pag hindi ako umattend ngayon magagalit nanaman yun saakin. Ako ba naman kasing ginawa nilang leader. Nung sabado at linggo nga para akong tanga habang nagde design kami ng booth. 

Thank nga kay God dahil hindi niya nilubos lubusan ang pasakit na binigay niya saakin.  Salamat dahil hindi kasali si Ethan sa gagawin namin, naalala ko nanaman yung katangahan ko kagabi.

•Flashback•

"Because,  I like her" sabi ni Ethan. 

Napa tulala naman ako sa sinabi niya,  tama ba yung narinig ko? Gusto niya si Rose? 

"W-why? "tanong ko naman. 

Bobo Aeona!  anong why ka diyan?  ano namang pakialam mo sa dahilan kung bakit nagustuhan ni Ethan si Rose?!

"Hmmm,  because Im happy when Im with her? , hmmm i feel loved when Im with her" sagot niya habang nakangiti pa. 

So when he was with me ,  he's not happy?  He's not feel loved?  Puro ka kasi kaartehan Aeona!  puro ka tampo,  puro ka pasuyo ng pasuyo! ,  puro kababawan. 

"Please help me? " dugtong niya. 

"But why me? " tanong ko ulit. 

Ano ba tong mga pinagtatanong ko!? 

"Because you're my bestfriend?  Babae ka,  kaya alam mo ang gusto ng kapwa mong babae. Ayaw mo ba? "

Masakit,  sobra dahil gagamitin niya ako para lang mapasaya yung taong gusto niya.  Paano naman ako? sumasaya siya samantalang ako nasasaktan. Tanga ako eh,  syempre tatangapin ko yung pabor niya. Kesa naman umamin pa ako eh,  may iba na siyang gusto ano pang sense diba?. 

"Aeona? "tawag niya saakin.

Bumalik naman ulit ako sa huwisyo. 

"Of course! I will help you,  you're my bestfriend so i'll do everything for you" nakangiting sabi ko. 

Double meaning...

"Thankyou so much Aeona!  I owe you everthing" masayang ani niya. 

Ngumiti naman ako ulit ng pilit.

"Wag ka munang magpasalamat,  wala pa nga akong ginagawa eh" kunwaring natatawa kong sabi. 

Tumawa din naman siya at niyakap ako.

"Tama na yang kaartehan mo Ethan,  para kang bakla" asar ko pa at kumalas na sa yakap niya. 

"Grabe ka! so? goodbye na?  mauna na ako sayo,  may pupuntahan pa ako eh" paalam niya.

Hindi niya ako ihahatid? Akala ko ba hatid sundo niya ako?  Pero bakit gusto niya pa lang si Rose kina kalimutan niya na ako?  Tsk Aeona!  Sino kaba? bestfriend lang naman ako. 

Tumango na lang ako sakanya at ngumiti ng pilit.  Umalis na siya at sumakay  sa motor niya,  kumaway siya at humarurot na pauwi. 

Kasabay ng pagharurot  ng motor niya ay ang pagtulo ng luha ko. 

Alam ko na yung gustong ipaintindi saakin ni Lanz,  na hindi ko gusto si Ethan kundi....

Mahal ko na siya. 

The Girl Who Fell Inlove With Her Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon