•EPILOGUE•

48 2 5
                                    

after 4 years...

"Aeona anak? gusto mong kumain?" tanong saakin ni mama.

Tanging pag iling lang ang nagawa ko , dahil sobrang sakit ng katawan ko at madaming aparatos ang nakakabit dito.

Nakita ko namanng umiiyak si mama , gusto ko mang punasan ang luha niya ay 'di ko magawa. Nasasaktan ako pag nakikita kp siyang laging umiiyak sa harap ko.

"W-wag ka n-nang u-umiyak ma" hirap na hirap na sabi ko.

Tumango naman ito at pinunasan ang luha na pumapatak mula sa kaniyang mata. Ngumiti naman ako kahit unti.

"Kailangan kong maging malakas sa harap mo para lumaban ka anak , ayokong mawala ka saakin" nagpipigil siya ng luha habang sinasabi niya ito.

Tumulo naman ang luha na nagmumula sa mata ko. Napangiti na lang ako kasi isang pangarap na lang ang sinasabi ng mama ko.

Hindi na ako gagaling , malala na ang sakit ko at hindi ko na kayang lumaban pa. Sa loob ng apat na taon puro na lang laban ang ginawa ko pero hindi naman umepekto.

Naalala ko nanaman yung araw na nalaman ko kung ano ang sakit ko.

* Flashback *

Naandito ako ngayon sa harap ng hospital , gusto kong magpatingin sa doktor namin. Pakiramdam ko kasi hindi na normal itong nararamdaman ko. Kaya pagkatapos kong grumaduate kanina ay nagpaalam ako kay mama at dumiretso dito.

Napagpasiyahan ko nang pumasok. Wala nang atrasan 'to. At dahil nag pa set na ako ng araw na magpapa tingin ako ay agad ko nang nakausap ang doktor dito.

Sinabi ko sakanya lahat ng sintomas na naramdaman ko.

Katulad ng ...

•Pabalik balik na pagdurugo ng ilong

•Mabilis mapagod

• Pagbaba ng timbang

may naisip na daw siyang maaring maging sakit ko pero ayaw niya daw muna itong sabihin. Kaya dumaan ako sa kung ano anong test at mga isang oras lamang e lumabas na ang resulta.

"Aeona , ang sakit mo ay Leukemia" sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko , ang bata ko pa para magkaroon nito pero bakit?

"Anong uri po ng Leukemia Dok?" tanong ko.

Alam kong may iba't ibang uri nito gusto kong malaman kung ano.

"Chronic myelogenous leukemia o CML Aeona. Sa uring ito ng leukemia, maaaring makaranas ang pasyente ng kaunti o walang sintomas ng sakit sa loob ng ilang buwan o mga taon bago siya makarating sa yugto na ang abnormal na mga selula ng dugo ay dumami ng mas mabilis." paliwanag niya.

Napahawak naman ako saaking bibig at nagunahang tumulo ang luha na nagmumula saaking mata.

"Ganyan pa lamang ang nararamdaman mo Aeona , pero ilang buwan o taon ay lalala na ito" sabi ng doktor.

Wala naman akong ibang ginawa kundi ang humagulhol

Umuwi ako non sa bahay ng matamlay pero hindi ko ito pinagsabi.

Dumaan pa ang mga araw at ganon parin ang nararamdaman ko hayy

I closed my eyes and let my tears fall to the pillow that always here to catch it all.

I can't stop it.

Bakit sobrang sakit? Bakit ganito? Why do I need to feel this?

Nagpunas ako ng luha nang biglang magring ang phone ko. kinabahan ako.

Calling Doc  Shiela.....

I answer it.

"Hello Doc?" sabi ko matapos sagutin ang tawag nya.

"Aeona , come to my place tommorow I need to tell you something." Napapikit ako nang mariin.

Tangina ano nanaman to?

"About that thing again?" Kabadong tanong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Yes about it , please don't forget itits important Aeona" sabi nya.

Napatango naman ako.

"Yes Doc , pupunta ako dyan. Bye" binaba ko na ang akong telepono.

Hinayaan ko ulit na tumulo ang luha ko.

Kaya ko pa ba? Sino na lang ang kakapitan ko nito?

No Aeona , you don't need him.

Face this problem without him.

* End of Flashback *

Sinubukan naming mag pa chemo pero umayaw ako , ayokong dumaan ako sa ganyang surgery dahil mas papahirapan ko ang sarili ko. Hindi ko na kaya parang gusto ko nang magpahinga.

Maya maya ay dumating si Lanz , nakauniporme pa siyang pang trabaho. Napangiti naman ako ng matipid. Nakakatuwa lang na may mga trabaho na sila ngayon at nakapagtapos na ng pag aaral. Samantalang ako nakahilata na lang dito.

Si Lanz lang ang may alam na ganito na ako , hindi ko pinaalam sa kanila kahit kila Yesha ang alam nila lumipat ako ng School. At sinabing hindi na magpapakita pa sakanila ginawa kong dahilan yung gusto na kaming kunin ni mama ni Tita pangalawang asaw ni Papa.

"Aeona , kumain kana? may dala akong sopas para sayo" nakangiting sabi niya.

Hinayaan ko lang siya sa gagawin niya. Nang lumapit siya ay may dala nga siyang sopas at balak pang subuan ako. Pero umiling ako.

"Aeona naman , kumain ka na please?" pagpupumilit niya

Umiling lang ako at hinawakan ang kamay nito.

"T-thankyou" ang tanging nasabi ko sakaniya.

Hinawakan ko din ang kamay ni mama at nagsalita din kahit hirap na hirap ba.

"I-i love you ma" nakangiting sabi ko

Alam kong handa na sila na mangyayari ito. Sinabi na sakanila ng doktor na wala nang pag asa pa itong sakit ko dahil hindi naman ako nag pa chemoteraphy.

At sa huling sandali ay ngumiti na ako.

Dahan dahang bumigat ang paghinga ko at bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Tanda ito na kailangan ko nang magpahinga , Pero habang sumasara ang mga mata ko si Ethan ang naalala ko.

Iiwan ko na kayo sa mundong ito Ethan , sana napatawad mo na ako mahal na mahal kita. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay.

At tuluyan na ngang pumikit ang mga mata ko.

This is my story , The story of the the girl who fell inlove with her bestfriend.

The Girl Who Fell Inlove With Her Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon