•CHAPTER 14•

26 2 7
                                    

Sa loob ng isang linggo ay nakaraos kami sa aming mga pagsusulit at sa wakas bakasyon na!. Grabe dahil sa sobrang excited ko nga sa bakasyon ay maaga akong nagising ngayon, at nag ayos na dahil ngayon yung araw na pupunta kami sa Pangasinan.

4:30 pa lang ng umaga at nagumpisa na akong mag ayos kahit mamayang alasais pa kami aalis. susunduin kasi nila ako Van nila Ayesha ang dadalhin at siyempre driver nila ang mag d-drive. Hindi naman pwedeng kami dahil minor de edad pa lang kami , Pero kung makapag bakasiyon kami ng ganito bongga kasama naman namin parents namin kaya ayos lang.

Okay naman kami ni Ethan these past few days , sa tingin ko hindi naman sinabi ni Rose ang tungkol doon. At sana hindi na lang niya sabihin hmm.

Pumasok na ako sa banyo para maligo dahil tapos na akong gamitin ang mga gamit na dadalhin ko para mamaya 3 araw din kami doon.

Nagugol ko ata ang 30 minuto sa pagligo dahil nagmuni muni pa ako habang naliligo. At dahil nga sa tagal nito ay dali dali na akong nagbihis at nag ayos. Nang makuntento na ako saking itsura ay bumaba na ako dala ang gamit ko.

"Mabuti naman at ready ka na anak , akala ko ako pa ang gigising sayo" nang aasar pang sabi ni mama.

Tinawanan ko na lamang ito at kumain na kami dahil mas maaga pa palang gumising si mama saakin kaya nakapaghain na rin siya. Tamang tama pagkatapos na namin kumain at maghugas ni mama ay dumating na sila.

Pumunta naman ang driver nila Yesha dito sa loob ng bahay at kinuha ang mga gamit namin , sosyal. Habang ako naman ay pumunta sa van kung nasaan sila Yesha at si mama naman sa van kung nasaan mga parents nila.

"Aeona! tabi tayo dali!" aya saakin ni Yesha ngumiti naman ako at tumabi na sakanya.

At umandar na yung van , wala kaming ginawa kundi magpapatugtog at magtawanan ,minsan naman ay nag k-kuwentuhan kami ng kung ano ano tungkol sa mga nangyari saamin ngayong highschool.

Habang binabalot ng ingay ang loob ng van ay nakita ko si Ethan na ngumingiti ngunit bakas sa mukha na hindi masaya. Siguro dahil wala si Rose , kaya tahimik lang siya sa tabi. Nakatitig lamang ito saamin , habang ako nakatitig lang sakaniya.

Ilang oras lang naman ang biyahe namin papuntang Pangasinan kaya bago pa mag tanghali ay nakarating na kami doon. pumunta naman kami sa kanya kanya naming hotel room dito mismo sa beach,  at magkasama kami ni Yesha sa iisang room.

"Sana maging masaya ang bakasyon natin dito sa Pangasinan Aeon" sabi ni Yesha habang kinukuha yung damit na susuotin para mamaya.

"Sana nga ,pero mukhang magiging masaya naman tingnan na lang natin" sabi ko din habang hinihintay siya.

Nang makuha niya na ang mga damit na susuotin niya para mamaya dahil nga maliligo kami ay bumaba na kami para mananghalian.

Nang makarating kami sa baba nitong hotel ay nakahain na at nandoon na silang lahat kami na lang pala hinihintay.

At masaya nga kaming nagsalo - salo at pinagusapan na ang mga gagawin namin ngayon at sa susunod na araw. Nang matapos na kaming kumain ay tumambay na muna kaming nagkakaibigan sa kubo na tanaw ang dagat. 

"Mag swimming tayo mamayang 3:00! tapos laro tayo ng 6:00! " suggest ni Blake

"Ano namang lalaruin natin aber?" tanong sakaniya ni Yesha

"Hmm? Truth or Dare na lang! HAHAHA" sabi pa niya.

Tumango tango naman sila Zenki at Gray pati narin sila Jessica na pagtanda ng pag sangayon.

" Oh sige , mamaya na anong oras palang 1:30" sabi ko naman.

nagliwaliw muna kami at napagpasiyahang mahiga muna saaming malalambot na kama dito Pangasinan bago mag swimming. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

The Girl Who Fell Inlove With Her Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon