Part 11

187 10 16
                                    

Nakaub-ob ako sa desk ako ngayon, super stress eh! grrr! Andameng ginagawa! High school nga naman!

“Okay lang yan, Ericka!”- Fe

Hmm? Problema nito? As if hindi rin siya stress ah! Umalis ako pagkaub-ob.

“Bakit? O.o”- me

Nakita ko lang umiiling sina Iza at Zena.

“Problema niyo? Bakit ganyan yung mga mukha nyo?” tinabihan ako ni ella.

“tignan mo yun oh!” may tinuro siya sa kabilang building. </3 Ouch! Meron siyang kausap na babae , maganda, super saya nila tapos ang lapit pa nila sa isa’t isa. =((

“eh ano ngayon? Tsss. Hahah!” sabi ko. Kunwari wala lang sa akin pero ang totoo talaga, I’m hurt on what I saw. Crush ko lang naman siya ah? Bakit parang nasasaktan ako? Diba hindi dapat ganito? Totoo nga sinabi ni Kristen wala lang talaga sa kanya yun. Pshhhhhh!

“Ericka!!” sigaw na aking teacher.

“Punta ka sa room ng Class C. ibigay mo ‘to sa President nila” – Ma’am

“Ok po” kinuha ko yung note. Oh no! sa kabilang building pala yun baka makita ko siya. Ah hindi! Hindi ko siya makikita! Hindddddddi! Kung bakit naman kasi akong lagging inuutusan pag may pinapakuha o ipapabigay. Estudyante kaya ako? Hindi ako PA!

Nasa kabilang na ako, ayun medyo napa-praning na lang ako baka kasi makita ko siya. Eiiiiiiiish! Kaya ko ‘to , patuloy ako naglakad at nakita ko si bruha >< naka-smile siya sa akin.

“Hi Ericka!”- Kristen

Plastik!

.

“Hi den!”- me. plastic din yung smile ko. Akala niya ah!

“Buti naman at hindi na kayo classmate, sabi na nga ba eh! ahaha. Anong ginagawa mo dito? Ini-stalk siya?”- Kristen

Ano bang problema nito! Kung wala lang kami sa loob ng campus nasabunutan ko na ‘to. Nakakainis! Badtrip ah.  At tawagin pa akong stalker? Ang ganda ko kaya! Excuse me!

“hindi ah! May pupuntahan lang ako, ibibigay ko ‘to sa Class C”- me

“Ah ganun? Ok.” Sabay alis. GoodBye! Di na sana kita makita! Go to hell! Hahah. Joke! Ang sama ko. Hahaha!:PP Nakita ko si Adrian at yung girl na magkasama na lumabas. </3 pati sa pag-uwi. Magkasama sila. Hmmmmmp. Kaya naman tumingin ako sa ibang direksyon at nagpatuloy sa paglalakad.

“Hahah! Talaga! Baliw ka talaga Adrian” sabi nung girl. Iba na talaga ang closeness ng dalawa parang MU na sila, iba kasi ngiti nila eh!

“Sira! Punta ka na nga sa Boyfriend mo! Baka namiss ka na nun!” tinutulak niya yung babae. Bastusan? Haha! Akala ko ba gentleman ‘to at may boyfriend na pala yung kausap niya bigla na lang akong napangiti! Yan kasi Ericka eh! masyadong Nega! Hahah. Di naman pala sila eh. nalagpasan ko na sila pero mabagal akong naglakad, Masaya ako sa narinig ko eh!

“Ok, sige bye!”

“Ericka” siya na ba yung tumatawag sa akin? @#$! Yung boses nya talaga ang nagpapahina sa akin. Pssh! ^_____^ Namumula na yata ako, lumingon ako sa kanya at syempre naka-smile para dagdag points.

“Bakit?” todo smile naman ako. Wahah! Obvious ba masyado? Lumapit siya sa akin parang 2 inches pagitan namin? Wahaha. Joke lang. siguro mga .5 meters  kaya ayan tuloy yung heart kumakabog na naman. Nakakunot noo siya. Why kaya?

“Namumula ka yata?” tapos nagsmile siya tapos bigla nyang hinawakan ang pisngi ko. My god! I need oxygen! Mas lalo akong namumula sa ginagawa niya eh! Wahahah!

“Hindi ah! Mainit kasi” sabi ko. Buti na lang walang nakakapansin sa amin kasi nagsi-uwian na yung iba.

“tapos ang taba taba na ng pisngi mo Ericka Taba! Haha” pinisil pisil niya tapos tinulak ko siya. Wahaha! Tapos sabay palo.

“Heh! Taba ka dyan! Payatot! :P” haha. Parang kami na talaga kung makahawak sa pisngi eh wagas!

“Macho ko kaya, wahah!” sige tawa pero okay lang yun, Cute naman!

“Uwi ka na?” sabi ko.

“Hindi pa, hinihintay pa kasi kita eh. Sabay tayo uwi! =))” nagulat ako sa sinabi niya, seryoso ba siya? Haha! Sige ba! sabay kami. Eeeh naman eh! kinikilig ako! Wahaha!

“hahah, yung mata mo lalabas. Joke lang! hindi ka naman mabiro eh! alam ko namang may nagsusundo sa’yo!” =_____________= Akala ko seryoso siya, handa na ako eh! Assuming much kasi eh!

“Sira! Sabing wala akong bf. Grrr! Kasabay ko mga bestfriends ko no! Uwi ka na nga!” tinulak tulak ko siya.

“Oo na, Ericka Taba! Sige bye! Ingat!” nagwave siya palayo tapos bumaba na siya sa stairs. At ako naman

WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! TALON TALON SA GITNA NG CORRIDOR!!!!!!!!!!!!!!!!WAHAHAHAHAH. Eto nanaman ako parang sira! :PP

More Than Words (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon