Part 17

168 6 8
  • Dedicated kay ME! :)
                                    

Mahabang-habang panahon ng muli ako nag-UD, sorry sa mga naghintay, sobrang busy kasi eh. Marami akong namiss dito sa Wattpad, sa sobrang dami, ang hirap isa-isahin. HAHAHAH! Kmusta naman kayo ah? Nomu Bogoshippo! ♥

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ericka POV

Late akong nagising, na-adik kasi ako sa pagplay ng gitara, pinag-aaralan ko kasi yung More Than Words. Ewan ko ba, kung bakit ko pa rin pinag-aaralan yung kanta eh alam ko namang nakalimutan na yun ni Adrian, pero na LSS na ako sa kanta na yun eh kaya gusto ko na ring tugtugin. Hindi rin ako naka-online ng weekends dahil tinatamad akong mag-open, puro about sa prom naman eh at alam ko na maiinis lang ako kasi nga diba alam niyo na yun. Kampanteng kampante pa ako na isasayaw niya ako sa last dance pero nagkamali ako. Assuming too much kasi ako eh. -_________- At hindi pa siya nagtext, wala talaga yun.

Nasa jeep na ako ng biglang nagvibrate yung phone ko. Wait siya kaya yun? Dali dali kong kinuha sa bulsa yung phone.

One Message Received: Liammanloloko:P

Siya lang pala, hmpft, akala ko naman kung siya na. Binigay ko yung number ko sa kanya after nung prom, hinabol niya pa talaga ako para makuha yung number ko kaya naman binigay ko naman sayang effort eh. Binasa ko na yung message.

“Hi Ericka! Good Morning! Nandito ka na ba sa school? Meron sana akong ibibigay sayo. Hintayin kita. See you :)))”-- Liamanloloko

Ano naman kaya ibibigay nun? Excited naman daw ako, first time kasing may magbigay na something yung guy sa akin. Nakarating na rin ako sa school, hinahanap ko si Liam. Nasan na ba yung lalaki na yun? Pumasok muna ako sa room at nakita kong nag-uusap ang mga bestfriend ko at muka yatang seryoso yung pinaguusapan nila, hula ko mga chikas na naman yun. Ke aga-aga chismis agad, tsk tsk pero curious ako kung ano yun. Hehehe. Bigla na lang akong niyakap ni Fe na akala mo naman ang tagal kong nawala, nagkumpol-kumpol kami may sasabihin daw sa akin, so ako pala yung kanina pa nilang pinag-uusapan

“Si Adrian!”- sabi ni Ella habang kinikilig.

“Bakit siya?” sabi ko in a cold voice. Ang lakas ng tirik ng araw yun agad pambungad sa akin, yung mokong pa na yun. Naiinis ako sa kanya, alam ko wala akong karapatan mainis pero kasi naman eh isasayaw lang naman niya ako. Grrr  >______<

“Alam mo bang nahihiya siyang isayaw ka kasi sobrang ganda mo nung gabi na yun” sabi ni Iza sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko o ano naman kaya expression ko.

“WEHHHHHH?” yun na lang nasabi ko, eh kasi naman pano kung niloloko ako ng mga ito? Sila pa naman yung mahilg mangtrip, akala mo seryoso hindi pala. Ang hirap maniwala soobra! Nahihiya daw siyang isayaw ako? Siya mahihiya? Essh, kabadtrip lang.

“Ayaw maniwala eh to-----“ at naputol ang sasabihin ni Fe.

“Ericka!” may biglang tumawag sa akin mula sa pinto kaya naman napalingon ako, si Liam pala.

“Liam!” napatayo at napasmile at saka ko siya nilapitan.

“for you!” sabi ni Liam with smile. Wah! Natuwa ako sa binigay niya, alam niya yung favourite chocolates ko. Natouch naman ako dun. Hihi. I love ferrero

“Thank you!” sabi ko naman.

“See you!” sabi ni Liam at saka umalis.

Pagkaharap ko uli sa kanila yung mga mata nila, nakakatakot.

“Bakit?” sabi ko kasi naman over makatingin sa akin parang mangangain. Lumapit sa akin sa Fe sabay pinaupo ako sa upuan ko, tapos naka-cross yung arms nilang para akong suspect na kinakausap ng mga pulis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than Words (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon