Part 2: seatmate

389 19 41
                                    

Second year high school

Second year na ako! Wee! At may good news ako, Class A parin ako. Yehey! Ang galing sabi ko nga ba eh! hihi! Pumunta ako sa listahan ng mga students sa Class A. Nakipagsiksikan ako sa maraming students kasi excited ako sa magiging kaklase ko. Sana kaklase ko pa rin yung mga naging friends ko at pati na rin yung crush kong si Ronald :”>  at yun nga classmate ko pa rin sila pati yung crush ko except nga lang si Zena. Hmp. Sayang naman siya pa naman yung un akong naging close. Pero okay lang yun nasa Class B naman siya, magkakatabi pa rin ang room namin.

Ngayon, na-excite naman ako sa first day namin kasi mas may marami na akong kilala ngayon at medyo maingay naman na ako ngayon. Wahaha!

“Iza!” pasigaw na sabi ko sa kanya papasok ng room. Nung makita ko yung  lahat ng mata nakatingin sa kain tinakpan ko ang bibig ko at dali dali kaong pumunta sa tabi ni Iza.

“Ang ingay mo, hahah!” sabi niya.

Nagkuwentuhan kami ng nagkuwentuhan , ngayon close friends na dati friends lang kasi kinikilala pa namin ang isa’t isa, parang MU lang. haha!

“IZA! ERICKA!” napatigil kami at napatingin sa door.

“May mas maingay pa pala sa akin eh”  sabi ko at nagtawanan kami.

“Alah miss ko na kayo!” sabi ni Fe.

“Miss ka na rin namin, haha! Ang ingay mo rin parehas kayo ni Ericka! Haha” sabi naman ni Iza

Kaklase din namin si Ella, ayun as usual nagkamustahan, nagkuwentuhan at before magklase pinuntahan namin si Zena sa Class B.

“Nakakainis naman! Hindi ko kayo classmate! Hmp.”simangot na sabi ni Zena

“Ayos lang yun! Nasa iisang school lang tayo no! at isa pa magkakatabi lang kaya room natin” sabi ni Iza.

“Oo nga! Meron ka naman ng friends dyan diba?” sabi ko.

“Oo, yung dati nating classmate. O sige! Punta na ako sa klase ko, kitakits na lang! haha” sabi ni Zena.

“Bye” sabi naman ni Iza at Ella.

Pumunta na kami sa classroom at syempre magkakatabi kaming apat ah hindi pala dalawa lang pala ang upuan per row, solid yata kami! Meron kaming ibang kaklase dati pero di kami masyadong close. 

“Good morning Class.” Nagsitayo kaming lahat binati namin siya.

“Sige pwede na kayong umupo.” Sinunod naman namin yung sinabi niya after nun nagdaldalan na namin kami ng walang katapusan.

“Tahimik! First day na first day ang iingay niyo.” Sabi ni Ma’am. Bigla kaming nanahimik at humarap sa kanya.

“Mukang magkakakilala kayong lahat ah” Patay ililipat yata kami ah! Eish naman! “ Ok magseset ako ng seating arrangement, kelangan hindi magkakasama ang magkakakilala!”

“Alah ililipat tayo!” bulong ni Ella sa akin.

“Oo nga eh. hindi ko pa naman masyadong kilala yung mga nandito.” Bulong ko naman sa kanya.

“Wag na lang tayong maingay para hindi tayo palipatin”, sabi naman ni Iza sa likod namin.

“Ah ok, next. Ikaw ! Anong name nung babae na yun” sino kaya tinutukoy ni Ma’am? Ako kaya? Nakatingin siya sa akin eh o kay Ella. Tinanong niya pa sa kaklase ko.

“Ah, Ms. Bernardo, tabi kayo ni..” may tinanong uli. “ .. kay Mr. Cortez”

 Hmp. Sino naman yun? At sa lalaki pa ako tinabi, walang hiya naman oh! Ang bigat bigat pa naman ng bagpack ko tapos ang taba taba pa. Tumayo na ako na banas na banas, may nasagi pa yata yung bag ko eh! ang taba kasi eh! wahaha. Ay basta! Nakakaasar pa rin, kun sana naman si Ronald ang katabi ko. Tsss!

More Than Words (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon