Abree's POV
"Abree, anak anong oras ka aalis?" tanong sakin ni Mommy na nasa kusina ngayon
"Later My, pagdating ni Sam. Tinext ko na po siya. On the way na daw" sagot ko naman sa tanong niya
Kanina ko pa tinext si Sam at sabi niya ay papunta na daw siya dito sa amin, mukhang natraffic yata ang babae kaya hanggang ngayon ay wala pa
Haaay! Pilipinas nga naman, panalong panalo yata sa World's longest and heaviest traffic in the world
Yung tipong SM lang pupuntahan mo na supposedly 30 mins lang ang byahe, magiging 2 hours daig pa yung bumyahe ka papuntang probinsya
Habang nag aantay ako kay Sam ay naka upo ako sa couch at hawak ang cellphone ko, halos makabisado ko na ang laman ng feeds ng IG, FB at Twitter ko sa kakatingin ko dito kanina pa at paulit ulit na lang
*ReadyFiiree voted for Introduction*
Wow may notification ulit ako from Wattpad, may nag vote ulit sa Story na sinulat ko :) *KILIIIIGG*
Chineck ko ang wattpad account ko at tinignan kung ilan na ang votes and reads cause last time i checked nasa 150 lang yung reads ko and hopefully madagdagan after ko ma-complete yung story
*check phone*
WOW! 347 reads na yung story kong BOOK of LOVE :), though hindi pa siya ganon karaming reads kumpara sa mga nabasa kong story sa wattpad pero masaya na ko dahil kahit papano ay may nagbabasa ng gawa ko <3
Anyways, before i forget, Let me introduce myself - I am Abrielle Jane Bautista Costa, 21 years old and I am the only child of my Loving Mommy and Yes, my Mum is a Single mom - naghiwalay sila ng Daddy ko after ako ipanganak ni Mommy.
Actually hindi pa nga ako naipapanganak naghiwalay na sila. Buntis pa lang si Mommy sabi niya iniwan niya daw si Daddy at first nagalit ako sakaniya kung bakit siya pa yung nakipaghiwalay kay Daddy tapos pinabayaan niya pa kong lumaki ng walang Tatay pero eventually nung pinaliwanag naman na niya sakin naintindihan ko naman yung reason niya kung bakit niya nagawa yon
Mahirap din para kay Mama na itaguyod akong mag-isa lalo na't only child lang din siya nila Lola at Lola kaya wala siyang kapatid na malapitan nung times na nahihirapan siya sa'kin at sa buhay. Bukod kay Lolo at Lola wala na din siyang ibang kamag anak dahil si Lolo at Lola ay only child lang din ng mga magulang nila
Weird no? Kung yung iba, may lahing twins or kambal kami yata may lahing only child. Magmula sa Lolo at Lola hanggang sa Apo at anak hahaha - Ulila na si Mommy dahil na din sa katandaan nila Lolo at Lola, sayang nga lang at hindi ko sila nakilala
Puro sa kwento ko lang sila naririnig kay Mommy, at sa picture ko na lang tinitignan ang mga mukha nila, maging si Daddy - hindi naman pinagkait sakin ni Mommy yung chance kong makilala siya kaya pinakita niya sakin yung picture ni Daddy at nagkukwento din siya kung pano siya nito minahal
Nag ibang bansa si Mommy for 10 years at dun niya nakilala si Daddy, base sa kwento ni Mommy mabait naman daw si Daddy at mapagmahal na boyfriend sa kanya kaya nagtagal din sila ng 3 years ng pagsasama at nagpakasal, Italiano si Daddy, kaya Costa ang apelyido ko
Kahit hindi ko siya nakasama ay hindi pinagkait ni Mommy sakin ang apelyido niya dahil kasal naman sila - Sa Dubai nag trabaho si Mommy as Domestic Helper at si Daddy naman friend ng employer ni Mommy kaya niya ito nakilala
Pangarap ni Mommy ang maging isang Ina at magkaroon ng isang pamilya, pero ayaw ni Daddy na magkaron ng anak dahil gastos lang daw ito at mababawasan ang oras nila sa isa't isa kung sakaling magkakaron ng bata sa pamilya nila
YOU ARE READING
Choice 4 Chance
Teen FictionWill Abrielle Jane take the chance or will she make a choice? :)