Abree's POV
Nagising ako sa sakit ng leeg na naramdaman ko pakiramdam ko ay stiff neck na ito. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong madilim na at wala nang araw. Ang dilim ay hindi lang basta mabigat ang mga ulap kundi dahil umalis na ang araw
Nag angat ako ng ulo at bahagyang inikot ikot ito upang i-exercise nang mabawasan ang sakit ng leeg ko
Habang ginagawa iyon ay napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay natutulog na din nang matiwasay habang hawak niya ang librong binabasa niya kanina, marahil ay nakatulog siya habang nagbabasa
Nakatingala siya at ang kanang kamay niya ay hawak ang libro na nakapatong sa arm chair ng kanyang upuan habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakapatong sa libro habang nakabukas ito
Dahan dahan kong kinuha ang libro sa kamay niya at inayos ko ang kamay niya nang sa gayon ay pag nagising siya ay hindi siya mangalay, ang kaniyang ulo ay inayos ko na din at pinaling siya sa kabilang side para hindi siya mangawit
Hindi siya nagising sa ginawa ko ngunit gumalaw ang kaniyang bibig na tila ay ngumunguya, kitang kita mong malalim ang tulog niya at pagod na pagod siya dahil sa ginawa niyang pag iyak kanina
Sana lahat na lang ng problema ay nawawala sa pag tulog, na sana ang mga nangyayari sa mundo ay pwedeng patigilan at maging kasing payapa nang itsura natin habang tayo ay natutulog
Kaso hindi ganoon kumilos ang mundo, hindi umiikot nang naayon sa gusto mo, hindi mo kayang pagulungin ang piso sa palad mo at hindi lahat ng tubig ay aagos papunta sa ilog
"Good morning Ate :)" bati ni Jessica sa tabi ko, pupungas pungas pa siya habang nakangiting binabati ako
"Uy, good evening na :)" pagbibiro ko sakaniya
"Napasarap yung tulog mo kaya hindi na kita ginising, pasensiya ka na at kung inayos ko yung pwesto mo dahil tingin ko ay mangangawit ka pag gising mo" wika ko sakanya
"Hehe okay lang Ate, salamat nga pala at inayos mo yung pwesto ko pero masakit pa din kahit papano yung leeg ko hehe" sagot niya habang hinihipo at dahan dahang iniikot ang leeg niya
"Ako din ay ganyan ang naramdaman ko pag gising ko. Commuters life hehe :)" pagbibirong sagot ko sakaniya
Nginitian niya ko bilang sagot at tsaka nagsalita "Mukhang malalim po yung iniisip niyo Ate ah? kanina ko pa po kasi kayo tinitignan pero hindi niyo po ako napapansin na nakatingin sainyo, malayo po yung tingin niyo sa labas" wika niya
"Ay ganon ba? Pasensiya ka na, kanina ka pa ba gising?" tanong ko sakaniya
"Medyo po Ate, nung nagalaw po ako ay nakaramdam ako ng pangangawit kaya pinili ko na pong magising hehe" wika niya
"Ayos lang po ba kayo?" dagdag na tanong niya sakin
"Oo ayos lang ako, may naisip lang" agad na wika ko
"Kwentuhan niyo naman po ako tungkol sainyo Ate, para po mas makilala ko pa po kayo :)" paghingi niya ng pabor
"Naku, simpleng tao lang naman ako walang nakaka interes sa buhay ko" agad kong sagot sa kanya

YOU ARE READING
Choice 4 Chance
Teen FictionWill Abrielle Jane take the chance or will she make a choice? :)