Abree's POV
Matapos niyang matuwa dahil akala mo nakakita siya nang artista dahil sa pagiging author ko sa storyang binabasa niya ay hindi na siya natapos sa kaka-kwento sa mga nagustuhan niyang parte nang libro at sa mga tanong at panghihinayang niya na natapos na ito
"OMG Ate, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na ngayon ko lang natapos yung story tapos saktong katabi pa kita na sumulat non" tuwang tuwang ani niya sa akin at ako naman ay nahihiyang ngumiti bilang reaksyon sa papuri niya
"Pero Ate, yung mga hugot don sa story grabehan eh, base ba yon sa totoong buhay mo? Or story mo ba yun? Or nung kaybigan mo o kakilala, tsaka totoo ba na..." tinigil ko siya sa pagsasalita niya dahil dirediretso siya at walang balak huminto
"Haha, calm down. Will you? Isa isa lang" wika ko sakaniya at siya ay pilit na kinakalma ang sarili sa sobrang excitement niya
"Sorry Ate hehe. Naexcite lang talaga ko" paghingi niya nang paumanhin sa akin
"Okay lang, hindi mo kailangan mag sorry. Wala kang kasalanan 😊" sagot ko sakaniya na nakapag pakalma naman sakaniya
"Dun tayo sa first question mo – kung base ba yun sa totoong buhay ko, Hindi."
"Malayong malayo yun sa totoong buhay ko" sagot ko sakaniya na para bang nalungkot siya na hindi ko binase sa buhay ko yung storyang minahal at binasa niya
"But meron don' na mga pangyayaring totoong nangyari sa buhay nang tao, hindi nga lang particular sakin" pagbawi ko sakaniya na nakapag paliwanag nang mukha niya
"May boyfriend ka po ba Ate?" tanong niya sa akin na kinagulat ko
"Yan agad?" natatawa tawang sagot ko sakaniya at natawa din naman siya
"Para po kasing broken kayo sa lalim ng mga hugutan niyo dun sa story tsaka po yung mga advice niyo sakin kanina :) "pagdidipensa niya sa unang tanong niya sakin
"Hmm, ganon naman ang tao, kadalasan at karamihan – magaling mag advice sa iba pero kapag nasa sitwasyon ka na nabobobo ka na" sagot ko naman sakaniya
"Pero mukha naman po kayong masayahin at walang problema" sagot naman niya
"Hindi lahat nang nakangiti ay masaya at walang problema, at hindi rin naman lahat nang naka tahimik ay malungkot at nalulugmok" maigsing wika ko sakaniya na para bang nahiya siya sa nasabi niya
"Hindi mo makikilala ang tao, sa isang upuan lang o sa isang tingin lang, dahil kadalasan yung mga taong palangiti at masayahin sila yung may mga mas malalalim na pinagdadaanan at mas malungkot, mas mababaw" paliwanag ko sakaniya
"Pero nag ka boyfriend na po kayo?" tanong niya sakin
"Oo :)" ngiting sagot ko sakaniya
"Katulad po ba ni Jacob yung naging boyfriend niyo Ate? Or ni Jace? Sino pong kaparehas?" madali at dirediretso niyang tanong
"Yan ang hirap sating mga kabataan ngayon, yung mga nababasa natin at napapanood, gusto natin mangyari sa buhay natin o matulad tayo sakanila. Kaya tayo nasasaktan eh. ASA kasi tayo ng ASA" sagot ko sakaniya at natahimik naman siya
"Yung mga kwento sa libro o palabas sa movie, sinulat yan ng tao, inisip at ginawa ng TAO – meaning nakabase yun o produkto nang isang productive and creative mind to catch people's attention, Siguro minsan, pwedeng mangyari pero pwede ring hindi, kasi yung nabasa o napanood natin, SCRIPTED eh" mahabang magpapaliwanag ko sakaniya
YOU ARE READING
Choice 4 Chance
Teen FictionWill Abrielle Jane take the chance or will she make a choice? :)