Abree's POV
"Kung mahal ka, babalikan ka"
"Pero kung talagang mahal ako, Hindi ako iiwan"
"Hindi porke iniwan, hindi na agad mahal, baka naman napagod lang, nagpahinga pero mahal ka pa"
"Kapag pagod, magpahinga hindi mang iwan"
Kaloka to sila Ate Girl sa likod namin ni Sam, panay hugutan nang hugutan. Summer na summer ang iinit din nang mga banat.
Nakasakay na kami ngayon sa bus papuntang Quezon Province for our vacation - approximately 6 hours byahe to kasama na traffic, medyo gabi na kaming makakarating sa pupuntahan namin kaya panigurado ay kinabukasan na kami makakagala at makakapaglibot
Pero hindi pa umaalis yung Bus dahil marami pang inaantay na pasahero, at hindi pa puno ang sasakyan. Dahil terminal ito kailangang mapuno muna bago umalis, siguro para hindi sayang yung gas at para na din tipid sa byahe yung driver
"Babe, naririnig mo sila Ateng sa likod? Lalalim ng hugot sa buhay eh" tanong sakin ni Sam sa tabi ko
"Oo, hayaan mo na sila baka naman may pinagdadaanan lang talaga" sagot ko naman sakaniya
"So, babe ..." tawag niya sakin at humarap siya sa akin
"Oh'" sagot ko sakaniya nang hindi ko siya tinitignan bagkus ay nakatuon pa din ang pansin ko sa librong binabasa ko ngayon
Nang mapansin niyang hindi ko siya pinapansin ay tiniklop niya ang hawak kong libro at hinila niya ito
"Sam, ano ba! nagbabasa ko eh" inis kong sagot sa kanya
"Tinatanong kasi kita, di mo ko kinakausap" balik niyang sagot sa akin na medyo naiirita na siya sa tono niya
"O ano na yung tanong mo?" tanong ko sakaniya para manahimik na siya sa drama niya
"Anong balak mo?" tanong niya sa akin na biglang sumeryoso
"Anong anong balak ko?" balik tanong ko sakaniya
"You know what I mean, Bri." wika niya sa nag aalalang tono
"Okay!" ani ko sabay taas ng kamay "I just need some time to think" sagot ko sakaniya
"How long?" agad niyang sagot
"I don't know yet" sagot ko sakaniya sabay baling sa bintana at tumingin sa labas
"It's been a month Babe" pagpapaalala niya sakin
" I'm not lost" matabang na sagot ko naman
"Alam ko, pero kahit gano mo ideny, alam kong hindi ka okay - na nagiisip ka pa din" wika niya na agad naman akong tumingin sa kaniya
"Hindi ganon kadali - "
pinutol niya ko sa pagsasalita
"Walang madali, pero hindi ibibigay sayo kung hindi mo kaya" sagot niya
Akmang sasagot pa sana ko nang biglang sumigaw si Kuyang kondoktor kaya naputol ang pinag uusapan namin
Binalik sakin ni Sam ang librong hawak ko kanina at saka siya lumipat ng pwesto sa harapan ko sa katabi din nang bintana, parehas kami ni Sam na gusto sa gilid ng bintana dahil mas gusto naming nakikita ang magagandang tanawin at lugar
Hindi naman na kami bata upang magtalo pa at magtampo sa isa't isa kung hindi kami magtatabi sa anim na oras na byahe. Ganito kami palagi sa tuwing bumabyahe kami, magkahiwalay kami ng upuan
YOU ARE READING
Choice 4 Chance
Dla nastolatkówWill Abrielle Jane take the chance or will she make a choice? :)