Chapter 3

16 2 0
                                    




Abree's POV


"Ateeeeeee" hangos ng babaeng katabi ko

Sa pagkakaalam ko wala akong kapatid at nag iisang anak lang ako, pero bakit kung makayakap siya sakin ay parang magkadugo kami

"Ahh, eh, Miss" wika ko sakaniya at pilit inaabot sakaniya yung tubig upang makainom siya

Ngunit hindi siya natitinag at patuloy pa din siya sa pag iyak niya

"Miss, inom ka muna ng tubig" muling alok ko sakaniya at sa wakas ay nag angat siya ng tingin at kinuha ang tubig na inaalok ko sa kaniya


Pag angat niya ng kaniyang mukha ay pansin mong magang maga na ang kanyang mata sa kakaiyak at ang kanyang nguso ay namamaga na din, maging ang kaniyang paghinga ay tila hinahabol niya na dahil sa paghikbi


Pinagmamasdan ko siyang uminom at tila ba ay uhaw na uhaw siya at para bang umakyat siya ng bundok sa pagod sa itsura niya

Nang matapos siyang uminom ay parang lumuwag ang kaniyang pakiramdam at nagpunas siya nang kaniyang mukha at inayos ang sarili


"Salamat po" mahinang ani niya sabay pilit na ngumiti bilang pagpapasalamat

"Wala yon, mukhang uhaw na uhaw ka :) hehe" sagot at biro ko sakaniya

"Gusto mo ba nang kausap?" tanong ko sakaniya at para bang nag iisip pa siya nang isasagot at nag aalinlangan kung kakausapin niya ba ko o hindi, pero dahil sa hindi niya pag sagot ay nag pasya na lang ako na hindi na siya muling kausapin pa at bigyan siya ng oras pansarili


Binuksan ko na ulit ang librong hawak ko at ipapatuloy na ang pagbabasa nang magsalita siya

"Bakit kaya may mga taong paasa?" wika niya sa tonong nasasaktan at punong puno ng panghihinayang

Hindi ako kumibo at tinignan ko lang siya habang nakatingin siya sa bote nang tubig na ininuman niya na para bang yun ang kinakausap niya

"Bakit kaya may mga taong ipaparamdam sayong importante ka, pero hindi naman pala talaga" dagdag pa niyang ani na mararamdaman mong galit siya sa taong nanakit sakaniya


Muli, hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang ilabas ang sama ng loob niya. Hindi ako sigurado kung kailangan niya ng kausap o kailangan lang niya nang tagapag pakinig

"Di kaya nila alam na nakakasakit na sila?" muling salita niya at nagsimula nanaman siyang lumuha


Pinunasan niya ang kaniyang luha at pinipigilan ang muling pagtulo pa nito. Hinimas himas ko ang likuran niya upang kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya


"Salamat po" wika niya sakin at tumingin

Nginitian ko naman siya bilang sagot

"Ate, pasensya ka na sa drama ko" wika niya at pinipilit ngumiti at pagaangin ang sariling loob niya

"Wala yon :)" ngiti ko sakaniya at patuloy na hinihimas ang kaniyang likod

"Gusto mo bang pag usapan? pero kung hindi ka pa handa, ay ayos lang naman :)" dagdag na wika ko sakaniya


Humugot siya nang malalim na paghinga at saka bumaling sakin

"Akala ko mahal niya ko, pero hindi niya ko sinipot" malungkot na wika nang dalagang kausap ko

"Bakit be? San ba kayo pupunta?" tanong ko sakaniya

"Sa Quezon, kasama ko siya dapat ngayon para magbakasyon, pero dahil sa gago siya. Di niya ko sinipot" matabang ngunit naiinis niyang sagot


Choice 4 ChanceWhere stories live. Discover now