Simula
Malalakas at Malalaking alon.
Kidlat.
Barko
At mga bangkay ng tao.
Agad kong naigalaw ang aking kamay at paa matapos makita ang ilang imahe. Hingal na hingal, mga malalamig na butil ng pawis at namumutla ako. Ayan agad ang bumungad sa akin pagkaharap ko sa salamin sa gilid ng aking kama.
Anong eksena ang aking nakita?
Ano ba itong nangyayari sa akin.
Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko tuwing ako'y maii-sleep paralysis. Masyadong nakakatakot at kagimbal-gimbal.
Kinuha ko sa loob ng drawer sa gilid ng aking kama ang cellphone ko at binuksan agad ito. Inilagay ko ang aking mga nakita sa Memo na app sa aking cellphone upang hindi makalimutan ang mga nakitang imahe.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba para uminom ng tubig at puntahan si Mama at Papa sa kanilang kwarto.
Nang matapos akong uminom at punasan ang aking pawis ay umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto nila Mama at Papa.
Nang nasa harap na ako ng pintuan nila ay kakatok pa lang sana ako ng bigla itong bumukas at tumambad sa akin ang mama ko na ubod ng puti ang mukha at naka daster.
"O' anak ba't gising ka pa at anong ginagawa mo dito sa tapat ng kwarto namin ng papa mo?" Tanong ni Mama at tinignan ako ng may halong pagaalala.
"Nakakita ka nanaman ba ng mga imahe habang nai-sleep paralysis ka?" Dagdag na tanong pa ni Mama at pinapasok agad ako sa kwarto nila. Nandun si Papa at ang aking bunsong kapatid na masayang naglalaro.
"O' Meimi ba't gising kapa?"
"Nakakita nanaman po ako ng mga imahe nung mai-sleep paralysis ako." Sagot ko at umupo sa kama habang tumabi naman sa akin si Mama, hinahagod niya ang aking ulo para ako'y kumalma.
"Ma Pa, natatakot na talaga ako pag naii-sleep paralysis ako." Malungkot kong sabi habang nakayuko at di namalayang unti-unti ng tumutulo sa aking mukha ang ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Bigla naman akong niyakap ni Mama at Papa para tumahan na sa pag iyak.
"Ssshhh.... tahan na baka may magandang rason ang panginoon . Kung bakit kaniya binigyan ng ganyang kakayahan. Idaan na lang natin sa dasal ang mga nangyayari sayo, anak."
Biglang tumayo ang aking kapatid sa pagkaka upo sa kandungan ni Papa at hinampas ako sa ulo at ito'y kumandong sa akin.
"Tumahan kana daw lagot ka kay Andy boy hahahahaha." Sabi ni Papa at pinisil ang pisngi ng kapatid ko.
"O'sya magsitulog na tayo at maaga pa kayo bukas." Sabat ni Mama at binuhat ang kapatid ko papunta sa kuna nito para patulugin. Humiga na si Papa at Mama para matulog. Agad naman akong tumayo para pumunta na sa kwarto ko.
"Hindi kaba dito matutulog anak?" Tanong ni Mama habang nakatitig sa akin ang kanyang nagaalalang mga mata.
"Hindi na po babalik na po ako sa kwarto ko." Sabi ko at humalik sa pisngi nilang dalawa.
"Good Night and Sweet Dreams anak."
Pagpasok ko sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama pero hindi agad ako dinalaw ng antok.
Napatulala ako sa bintana sa kisame ko. Kung saan kita ang napakaliwanag na buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.
Inalala ko ang mga imahe na nakita ko kanina nang ako'y ma-sleep paralysis. Ano kaya ang pinapahiwatig na eksena ng mga imahe na yun?
Ano ba'tong nangyayari sa akin?
Isa ba talaga tong regalo o sumpa?
Kung ito'y matatawag na regalo pwes hindi ito bagay dahil para sa akin isa itong sumpa.
Nang mahimasmasan sa aking pagiisip ay dinalaw ako ng antok at agad naman akong nakatulog dala ng sobrang pagod.
YOU ARE READING
Sleep Paralysis
Mystery / Thriller"Sleep Paralysis" Sa ating mundong ginagalawan ay may mga taong binigyan ng kakayahan. Yung iba pinagpala at mayroong hindi pinagpala sa kanilang mga natanggap na kakayahan. Meron nakakakita ng multo, i-manipulate ang panaginip, kumausap ng patay, m...