Kabanata 1
Kabanata 1
"Meimi, okay ka lang?" Tanong ni Vaxel
"Ah oo okay lang ako, wag mo na lang akong pansinin." Sabi ko at itinuon ang aking atensyon sa blackboard.
"Paanong hindi kita papansinin e kanina kapa tulala at namumutla ka eh."
Agad kong kinuha ang salamin sa aking bulsa at tinignan ang aking mukha. Namumutla nga ako at halatang hindi kumpleto ang tulog.
"Pwede kitang dalhin sa clinic."
"Pwede kitang i-excuse sa Unit Test ngayon." Dagdag pa nito na may halong pag aalala ang boses.
"Hindi na Vaxel okay lang talaga ako, wag kanang mag-abala." Sabi ko at ipinikit ang aking mata.
Bigla kong naalala ang masama kong panaginip kaninang madaling araw.
Nagising ako nun mga bandang alas tres ng madaling araw.
flashback
"O' Meimi, ikaw ang panganay kaya bantayan mo ang iyong kapatid at wag magpapasaway sa mama mo."
"Alalayan mo ang iyong mama sa pagpapalaki kay Andy, mag iingat kayo."
"Aalis na ako, kailangan ko ng magpaalam. Lagi niyong tatandaan mahal na mahal ko kayo."
Mga habilin ni Papa at saka kami isa isang hinalikan sa noo at pisngi.
"Mag iingat ka duon, mahal ko." Sabi ni Mama na naluluha at niyakap si Papa.
Ang hirap , ang hirap makitang unti unting lumalayo ang sinasakyang barko ni Papa.
Seaman si Papa at naka destino siya sa ibang bansa. Kaya matatagalan kung kailan ulit siya makakauwi.
Pagkatapos naming ihatid si Papa sa daungan sa kumpanya ng kanyang pinag tratrabahuan ay umuwi na kami agad.
Umakyat muna si Mama para ilagay sa kuna ang tulog kong kapatid, nakatulog dala ng sobrang pagiyak.
Gabi na nakakapanibago dahil wala si Papa at mukhang kailangan naming masanay muli sa kanyang pagalis. Pansamantala siyang mawawalay sa amin at taon muli ang aming hihintayin para siya ay bumalik.
"Anak kakain na." Tawag ni Mama galing sa sala.
Umupo ako sa tabi ni Mama at sinimulan ng kumain.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng marining ang balita.
May bagyo daw na paparating.
Nangmatapos na kami sa pagkain ay biglang nagsalita si Mama.
"Sana walang mangyaring masama sa papa mo." Sabi ni mama na mukhang nag aalala sa magiging kalagayan ni papa habang bumabyahe.
"Walang mangyayaring masama kay papa. ma" Sabi ko at tumayo na at inilagay ang mga hugasin sa lababo para hugasan.
Nasa gitna ako ng paghuhugas ng biglang dumulas sa kamay ko ang paboritong mug ni papa na hinuhugasan ko at ito'y nabasag.
Sh*t.
Ano ba itong nararamdaman ko parang may masamang mangyayari.
"Anong nangyari dyan meimi?" Tanong ni mama at tinignan ang basag na mug ni papa.
YOU ARE READING
Sleep Paralysis
Mystère / Thriller"Sleep Paralysis" Sa ating mundong ginagalawan ay may mga taong binigyan ng kakayahan. Yung iba pinagpala at mayroong hindi pinagpala sa kanilang mga natanggap na kakayahan. Meron nakakakita ng multo, i-manipulate ang panaginip, kumausap ng patay, m...