Kabanata 2

3 2 0
                                    

  Kabanata 2

 "Nakita kita sa panaginip ko."

 "H-huh?"

 "Paano nangyari yun."

 "Sabi na e hindi ka maniniwala." 

 Nakita niya ako sa panaginip?

 Imposible yun pero parang katulad rin ng akin.Imposibleng makakita ng mga imahe habang ika'y naii-sleep paralysis at ang masama pa dito ay nangyayari ang senaryong nabuo ng mga imahe. 

 May pumasok sa isip ko na tanong.

 "Anong mangyayari sa akin kung hindi ka dumating para iligtas ako?" Diretso kong tanong at tinitigan siya sa mata

"Ang nakita ko sa panaginip ko ay habang naglalakad ka pauwi galing school ay dumaan ka sa isang iskenita kung saan may mga nagiinuman."

Dumaan nga ako sa eskinita na may nagiinuman. Mas mapapabilis kasi ang paguwi ko pagduon ako dumaan.

 "Pagkatapos mong dumaan dun ay naagaw mo ang atensyon nila at sumakto din na wala silang pera nun para bayaran ang kanilang mga inutang na alak at mga chichirya."

"Agad ka nilang sinundan at hinila papunta dun sa tinaguan natin kanina. Kinuha nila ang cellphone mo at pera. Pero nagmatigas ka kaya sinaksak ka sa tagiliran ng isa sa mga lalaki na may dalang balisong."

 Nagulat ako sa aking nalaman.

Kung hindi ako niligtas ni Coby kanina baka wala na ako ngayon sa mundo. 

"Hindi lang yun."

 "Ano pang nangyari sa akin?"

 "Matapos kang saksakin sa tagiliran ng isa sa tatlo ay naisipan kang gahasain ng isa pang lalaki pero nakarinig sila ng sirena galing sa mga pulis kaya hinampas ka ng dos por dos ng pangatlong lalaki sa likod ng iyong ulo."

  Tumulo bigla ang luha ko matapos marinig ang kanyang sinabi.

 "Nakaligtas ka."

 Bigla akong natuwa ng marinig yun pero panandalian lang.

 "Pero comatose ka at umabot yun ng 10months. Nabaon sa utang ang magulang mo." 

Pagpapatuloy niya.Tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Grabe ang mangyayari sa akin paghindi niya ako iniligtas.

 "Ssshhh...tahan na Meimi."Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin at isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib.

 "Nandito lang ako lagi kang babantayan at proprotektahan." 

 "Salamat Coby kung hindi dahil sayo baka wala na ako sa mundo." At niyakap ko siya ng sobrang higpit.

 "Sige Meimi uuwi na ako baka hinahanap na ako ni Mama." Pagpapaalam niya at tumayo na para magpaalam kanila Mama at Papa.

 Pero tek---Ba't namumula yung tenga at buong mukha niya?

 May napakain ba akong masama sa kanya?

 Allergic ba siya sa niluto ni Mama? 

 "Sige iho, magiingat ka sa pag-uwi." Sabi ni Papa.

 "Meimi ihatid mo si Coby sa labas." Biglang utos ni Mama at umakyat nasa taas.

 "Sige po." 

 Ba't pa ako inutusan paano kung may mangyaring masama sa akin? 

 "Tara na Coby."

 "Sige tara na baka hinahanap na ako ni Mama."

 "Psh puro mama, mama's boy." 

 "Yeah Mama's Boy ako, so what?"

 HAHAHAHAHAHAHA seryoso?! 


"Magiingat ka Coby."

 "Sige ikaw din, bye."

 "Salamat ulit, may utang pa ako sayo."

 "Hehe wala yun, basta ikaw." 

 "May sinasabi ka?"

 "Wala sabi ko uwi na ako."

 "Sige bye."

 Sinundan ko siya ng tingin at pumunta siya sa kabilang kalsada at tumayo dun.Anong ginagawa niya dun?Siguro naghihintay ng sasakyan pauwi.Pero pwede naman dito maghintay ba't kailangan pa duon. 

 Pero ang nakakagulat ay bigla siyang pumasok sa gate nung malaking bahay at kumaway sa akin.

 Wtf.

So dyan siya nakatira?!

RK.

 Rich Kunwari.

 Pagpasok ko sa gate ay bumungad agad ang mga nanlilisik nilang mga mata.

 "A-a-ano meron at bakit g-ganyan kayo t-tumingin? Tanong ko

 Bakit ako nabubulol?! 

 "Ano namamagitan sa inyo ng lalaking yun ha Meimi?" Seryosong tanong ni Papa.

 "Sumagot ka Meimi!"

 "Walang namamagitan sa amin at iniligtas niya lang ako sa kapahamakan yun lang yun." Diretso kong sagot.

 "Aba sumasagot kana ha."

 Ako lang ba?

 Ako lang ba ang may magulang na magulo?

 Pinapasagot ka tapos pagsinagot mo naman magagalit. Hayy buhay.

 "Umakyat ka dun sa kwarto mo! Bawal kang lumabas hanggang bukas ng gabi." Biglang sabi ni Papa pero binatukan siya ni Mama. 

 "Ang oa mo naman! Dapat nga magpasalamat tayo dun sa bata at walang nangyaring masama sa anak mo!" Bulyaw ni Mama kay Papa.

 Well siya ang batas. 

Under si Papa.

 "O'sya umakyat kana dun sa taas meimi, magpahinga kana."

 Pagakyat ko ay naligo lang ako ng mabilis at nagbihis na ng pantulog. 

 Nag near group muna ako baka sakaling magka love life.Cli-nick ko yung Instant Chat at hinahanapan na ako ni NG.

 "Meet Dream Catcher. 15 years old. Male interested in Female. Single. Looking for Just Friends. From Philippines. Living 0 kms away. 

 Oh baka si kapitbahay lang to. 

 DreamCatcher: Hi.

Meivingot: Hi.

Meivingot: San ka nakatira?

 DreamCatcher: Sa Earth.

 Meivingot: San sa earth?

 DreamCatcher: Sa puso mo.

 Meivingot: San nga?!

 Bwisit to.

 Pilosopo ang tamawo.

 DreamCatcher: Sa Lupa.

 Meivingot: Ahhh.... Sa mukha mo.

 DreamCatcher: Grabe siya oh. 



 DreamCatcher: Oy hey wazzup. 

 DreamCatcher: Sleepwell, vingot.

 Nawalan ako ng gana sa kanya leche.

 Pilosopong tamawo. Walang kwenta kausap. 

 Habang naghihintay na dalawin ng antok.Naalala ko yung mga nangyari kanina buti na lang dumating si Coby para sagipin ako. Kung hindi ah bwisit ayoko ng balikan yun. 

 Ang mahalaga nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw.



 Makatulog na nga.  



*****

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sleep ParalysisWhere stories live. Discover now