One week. One week have passed and many things happened.
Nakalabas na 'ko ng ospital right after ko magising. Nailibing na din namin si Mama. Nalaman 'ko din na 'under the influence of drugs' si Papa noong araw na yun. Ngayon, nakakulong na siya.
Nakalipat na din kami ni Renz sa bagong bahay ng mga Arellano. Turns out na naglilipat-bahay pala sila nang mangyari 'yung...
Anyway, ibinenta ni Tita 'yung bahay namin kasabay ng bahay nila dati. Gagamitin daw nila 'yung pera pang-tuition samin ni Renz. Inaasikaso na din nila yung paglipat ng custody naming magkapatid sa kanila para maging legal guardian na namin sila.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita si Michelle. Basta ang alam ko naka-admit pa din siya sa ospital.
Buti na lang at malapit na din 'yung bakasyon at tapos na ang periodical exam namin kaya okay lang na hindi pumasok kasi wala naman kaming masyadong na-miss. Clearance na nga namin ngayon eh, kaya ito, papasok na ako para matapos na 'yung taon para sakin. Okay lang din naman na pumasok ako dahil hindi na masyadong halata mga pasa ko sa mukha. Maraming adjustments kasi ang kailangan kong gawin.
Bagong bahay na ang tinitirhan namin, bagong pamilya kaya bagong buhay na din.
Nang maka-ayos na 'ko, kinuha ko na yung bag 'ko tsaka bumaba para magpaalam kay Tita Jess.
"Oh, Ralph? Aalis ka na?" tanong ni Tita nang makita niya 'ko.
"Opo." sagot ko
"Kumain ka muna. Maaga pa naman eh." sabi nya habang naghahain ng agahan.
"Ah, hindi na po. Baka ma-late na po ako eh." tinaasan ako ni Tita ng kilay
"Alas-sais y media pa lang, Ralph. Alas-otso pa ang pasok mo. Maupo ka na."
Nang hindi ako gumalaw, tinigil niya 'yung ginagawa niya tsaka bumuntong-hininga.
"Look, alam kong mahirap ang pinagdadaanan niyong magkapatid. Exactly the reason why I am trying my best. I'm not your mother and I would never replace her, but I can be a friend that will help you, just give us a chance? Wala ka pang isang linggo sa bahay namin, nangangapa ka pa. But, this house can also be your home, alright? Remember that. Now, kung hindi ka pa talaga nagugutom, here's some money." lumapit siya sakin at inabutan ako ng pera, "Bumili ka na lang sa school niyo ng pagkain, okay? Mag-iingat ka." Ngumiti muna siya bago bumalik sa ginagawa niya.
Tumalikod ako para lumabas ng bahay, pero bago ko pa magawa yun, tinawag niya ulit ako.
"I forgot to tell you, umuwi ka pala ng maaga. We'll visit Michelle at the hospital."
"Ralph!" lumingon ako sa likod ko para makita kung sino 'yung tumawag sakin, "Bakit ngayon ka lang pumasok? Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Sarah, girlfriend ko.
Shit! Oo nga pala, may girlfriend ako. Alam kaya niya 'yung nangyari?
Ah, bwiset! Ang tanga mo, Ralph. Girlfriend mo na nga lang, nakalimutan mo pa.
"Ah, wala. May nangyari lang kasi." sagot ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay pero hindi na pinansin 'yung sinabi 'ko.
"Okay, pero ang dami mong na-miss. Alam mo bang may nangyaring proposal dito sa school? Hindi lang basta proposal kasi teacher yung nagpropose!........" Salita lang siya ng salita pero hindi ko na lang siya pinapansin. Not to be rude, but I have too many problems to care.
Iniisip ko pa din kasi 'yung sinabi ni Tita kanina. Siguro kasi akala niya na hirap akong maka-move on sa nangyari at hindi ako maka-get over kaya parang ang distant ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Memories With Her
Teen FictionRalph Fernandez and his brother would've been dead, if it wasn't for her. She saved him from his horrendous fate. But, of course, every action has its consequences. Will Michelle Arellano overcome the damage that will befall upon her?