The Eighth Memory: Ralph Fernandez

32 2 0
                                    

"Ikaw, Ralph, sino ka?" Tanong ni Michelle sakin. Inisip kong maigi kung paano ko sasagutin ang tanong niya.

Oo nga. Sino ba ako? More specifically, sino ba ako sa buhay niya? Ang laki ng role niya sa buhay ko, pero ako ba? Malaki kaya role ko sa buhay niya noon?

Close ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Michelle, pero kaming dalawa mismo ay hindi masyadong nakakapag-usap noon dahil nga sa masungit ako, bukod na lamang sa mga pagkakataong binibigyan niya ako ng pagkain.

Si Michelle Arellano. Diba lagi pa nga sya binigyan ng pagkain nun? Akala nya siguro magkakagusto ka sa kanya. Naalala kong sabi ni Marianne. To be honest, alam ko yon. Alam kong may gusto sakin si Michelle noon pa, pero hindi naman kinailangan sabihin ni Marianne ang mga katagang yon dahil bukod sa pagbibigay ng pagkain, wala nang ibang ginawa si Michelle.

Isa pa, alam niyang may girlfriend ako. Yun din ang dahilan mostly bakit ko siya tinatarayan noon. Nagyon, napaisip ako, bakit kaya nagkagusto sakin si Michelle noon? Bakit gusto pa rin ako ni Sarah hanggang ngayon?

Babalik tayo sa tanong. Sino ba naman ako?

"Huy, Ralph! Ang lalim ng iniisip mo ah?" Napatingin ako kay Michelle. Inirapan ko siya.

"Wag kang magulo, Michelle, kumakain ako." sabi ko

Bumusangot ang mukha niya, "Sungit. Pero ano nga? Nagpakilala na sina Mommy at Daddy, pati na si Ate Camille sakin. Ikaw na lang hindi. Ang alam ko lang ay may girlffriend ka."

Oo nga, noh.

"Okay. Tapusin ko lang pagkain ko." Siyempre, priority ang pagkain. Ngumiti naman siya. Nang matapos na akong kumain, lumapit ako sa kaniya tsaka ako nagpakilala.

"Ako si Ralph Fernandez." panimula ko

"Pinsan kita?" tanong niya nagpakunot ng noo ko, "Ha? Ano?"

"Hindi Arellano apilido mo eh. At sabi ni Mommy apat daw kami magkakapatid, pero puro babae." paliwanag niya

"Hindi. Hindi mo ako pinsan." sagot ko

"So, sino ka?" tanong niya ulit

"Saglit kasi. Patapusin mo muna ako, diba? Hindi makapaghintay eh." bumusangot ulit siya, "Sungit talaga."

Nagmake-face naman ako sa kaniya bago nagpatuloy, "Kaklase mo ako. Third year na tayong dalawa, magfo-fourth year high school sa pasukan."

"So, close tayo?" tanong niya

"Hindi, hindi tayo close. Magkaiba tayo ng group of friends," Ngumisi ako sa kaniya, "Pero crush mo ako."

Nanlaki ang mga mata niya, bago niya ako pinanlisikan ng tingin, "So, paasa ka? May girlfriend ka na, pero nandito ka sa kwarto ng ibang babae."

Ako naman ang nanlaki ng mata sa mga pangaakusa niya, "Hoy, excuse me! Hindi 'to kwarto mo, hospital room 'to at nagmamagandang loob ako sa pagbabantay sayo."

"Exactly."

Aba, itong babaeng 'to! Napabuntong-hininga ako.

"Hindi yun yon." Tiningnan ko siya sa mga mata, "You saved me, Michelle. That's the reason why nandyan ka ngayon sa hospital bed at hindi maalala ang pamilya mo. Kasalanan ko kaya rin nandito ako."

"Bakit, anong ginawa mo?"

Hindi ko man mahanap ang mga tamang salita para ipaliwanag kay Michelle ang nangyari ay ginawa ko pa rin. Kinwento ko sa kaniya kung paanong nalulong sa droga si Papa. Kung paano niya nasaktan ang sarili niyang pamilya. Kung paano isang araw ay nawala siya sa kontrol at napatay niya ang Mama namin ni Renz. Kung paano kami iniligtas ni Michelle, kung paano simula noon ay kinupkop na kami ng pamilya niya at kung paano ako sobrang nagpapasalamat sa kaniya at sa kaniyang pamilya sa kabutihang ipinamalas nila sa aming magkapatid.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nagkukwento nang hawakan ni Michelle ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Bali, hindi mo kasalanan." sabi niya

"Michelle, kasi--" sasabihin ko sana ng putulin niya ito

"Elle. Call me Elle." sabi niya sakin sabay ngiti, "Hindi ko maalala ang mga nangyari, Ralph, pero I know I would do it over again, so stop blaming yourself. Okay? Besides, okay na ako. I'm healthy, I'm alive. It's just that, wala lang ako maalala. But it's better than dead, right?"

Tumango ako. Tama siya, pero hindi pa rin maalis sa akin ang guilt na nararamdaman ko. Kaya babawi ako. I don't know how, but I will.

Memories With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon