The Twenty-Ninth Memory: Family

9 1 0
                                    

"Touchdown." sabi ni Tito Zac

Isa-isa kaming bumaba sa sasakyan at kinuha ang mga gamit sa likod ng van. Inabot rin kami ng halos apat na oras sa biyahe para makarating sa destinasyon namin. 

"Wow, ang ganda!" sabi ni Ellisa nang makita niya ang nirentahan naming villa. Sa likod nito, sabi ni Tita Jess, naroon daw ang dagat.

"Okay, rooms!" sigaw ni Tito Zac, ibinaba muna namin ang aming mga gamit sa sala, "May apat na rooms ang villa. Ang masters, siyempre, sa amin ni Mommy. Kung anong room assignments sa bahay, ganoon din dito. Okay?" tumango kaming lahat, "Sige na, you can choose your rooms."

Paalis na ako nang hilahin ako ni Tito Zac, "No monkey business, okay?"

"Oh, my god, Zac. Chill. Let the kid enjoy." sabi ni Tita Jess

"Pwede naman eh," sabi niya, "just not too much." sinamaan niya ako ng tingin. Umirap si Tita Jess sa kaniya.

Napangiti ako pagkatalikod ko sa kanila. Natatawa ako sa kanilang dalawa.

"Kuya! Bilis, ang ganda ng room!" tawag sa akin ni Renz mula sa second floor. Umakyat ako at pumunta sa kung nasaan siya.

Pumasok ako sa room at nakitang malaki ito, mas malaki sa kwarto namin ni Renz sa bahay. May twin beds at side table sa gitna ng dalawang kama. Sa paanan nito, may malaking TV. Meron ding balcony.

Binuksan ko ang sliding door papuntang balcony at lumabas rito. Overlooking ang balcony sa swimming pool sa likod ng villa. Sobrang mahangin sa labas at rinig rin ang tunog ng alon mula sa dagat. Ang sarap sa pakiramdam.

Pero mas masarap sa pakiramdam ang makita si Elle sa sarili nilang balcony na nag-eenjoy rin sa view. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti, "Ang ganda, Ralph!"

Nagniningning ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang dagat sa malayo.

"Oo nga, maganda nga." Ngumiti ako habang tinitingnan siya. Nang tumingin siya sa akin ay ibinaling ko agad ang mata ko sa dagat. Narinig kong marahan siyang tumawa.

Tiningnan ko siyang muli ng tumahimik siya. Nakahawak siya sa may sentido niya at hinihimas ito. Nang makita niya akong nakatitig sa kaniya, tinanggal niya ang kamay niya sa kaniyang sentido at ngumiti sa akin. Napangiti ako pabalik.

"Ate Elle, kain daw muna sabi ni Mommy." tawag ni Ellisa kay Elle.

Sa likod ko, narinig ko naman si Renz tawagin ang pangalan ko, "Kain na daw." sabi niya.

Pumasok na ako sa loob at isinara ang sliding door, pagkatapos ay bumaba na ako sa may dining area. Um-order lang muna kami ng fastfood on the way dahil tinatamad pa daw si Tita Jess magluto. Mamayang gabi na lang daw.

"Pwede na kaming magswimming pagkatapos nito?" tanong ni Ate Allison

"Pwede na?" tanong ulit ni Renz. Ang kulit ng batang 'to, masyadong masaya.

"Magpa-baba muna kayo ng kinain tapos pwede na." sabi ni Tita Jess

"Gaano katagal 'yon?" tanong ni Ellisa

"Mga 30 minutes to one hour." sagot ni Tito Zac

"So, pwedeng 30 minutes?" natawa si Tita kay Ellisa, "Sige na, pwede na 'yung 30 minutes." sabi niya

Pagkatapos kumain, agad kaming nagbihis ng kani-kaniya naming swimwear. Pagkabihis, umupo lang muna kami sa sala at napagpasyahang maglaro ng Uno.

"Ano ba 'yan! Talo na naman." sabi ni Ellisa. Siya kasi ang unang na-out.

"Hala, madaya! Pwede ba 'yon?" sabi ni Renz. Nagpatong kasi si Ate Allison ng isa pang +2 na blue card sa taas ng +2 na yellow card niya, "Diba, bawal 'yon, Kuya?"

Memories With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon