"Isa na lang, p're. Bilis na. Chicks 'to, promise." sabi sa akin ni Chris. Sinusubukan niyang ipakita sa akin ang cellphone niya na nakabukas sa instagram account ng isang babaeng nirereto niya sa akin.
"Ayoko nga, Chris. Wala akong paki." giit ko
Napasandal siya sa upuan niya at umiling, "Ang KJ, badtrip. Akala ko pa naman may makakaramay na ako kasi single ka na."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Single din sina Joshua at James ah. Bakit ako lang? Kaya hindi nagiging kayo ni Jane eh."
"Hindi ka na nasanay kay Ralph, Chris. Alam mo namang lagi 'yang walang paki." sabi ni Kyla
"Bukod kay Michelle." sabi ng nakahalukipkip na si Marianne na tila bang bored
Tinaasan ko lang siya ng kilay, pero hindi na ako nagsalita. Totoo naman kasi.
Isang linggo na simula noong nagusap-usap kami ng mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Elle. Naging okay na ako at ang mga kaibigan ko, kahit na paminsan-minsan, umaarangkada ang pagiging mataray ni Marianne.
Hindi pa rin siya nagsosorry kay Elle, pero civil na silang dalawa. Si Kiara naman, halatang may galit pa rin sa akin dahil lagi akong tinatarayan at pinanlilisikan ng mata, pero okay naman ako sa mga kaibigan ni Elle. Basically, lahat sila, naintindihan na ang sitwasyon namin.
Nalaman na din ni Sarah dahil sinabi sa kaniya ni Marianne. Nakapag-usap na rin kami.
"Kaya pala ganoon na lang ang turing mo sa kaniya." sabi niya
Tumango ako, "I'm really sorry, Sarah. Hindi ko kaagad nasabi sa'yo."
"May mababago ba sa desisyon mo?"
Umiling ako. Tumango siya at ngumiti sa akin, "I wish for your happiness, Ralph. With everything that happened to you, I hope you become truly okay."
'Yan ang huling sinabi niya sa akin. Hindi na ulit kami nag-usap matapos 'yon.
"Ralph, tambay naman tayo sa inyo. Namiss ka namin." sabi ni Chris matapos makamove on sa pag-tanggi ko sa mga nirereto niya. Umarte pa siya na hahalikan ako.
Sinakmal ko ng kamay ko ang mga labi niya, "Ano ba, Chris. Alam kong gwapo ako, okay."
"Come to think of it, oo nga. Saan kayo ni Renz nakatira ngayon? Lumipat na kayo, diba?" tanong ni James. Nagkatinginan kami ni Joshua. Tinaasan niya ako ng kilay na tila nagtatanong.
Bukod kay Joshua, hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko na nakatira kami ni Elle sa iisang bahay.
Tumango ako kay James, "Yeah."
Patago kong tinext si Tita Jess para magpaalam kung pwede pumunta sa bahay ang mga kaibigan ko.
'Sure, no problem. Nandoon si Camille sa bahay ngayon, pero aalis din siya mamaya. Sabihan ko na lang siya na maghanda para sa inyo.' Reply ni Tita. Napangiti ako.
"Mamaya, punta kayo." natuwa naman sila sa tinuran ko.
Mas maagang nakauwi sa akin si Elle dahil hinihintay ko pa ang mga kaibigan ko. Sabi rin niya mag-aasikaso pa siya ng bahay dahil may mga bisitang dadating, tsaka ako inirapan. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ano, gusti niyo pa bang pumunta? Ang tagal niyo eh." tanong ko
"Ang sungit. Nag-aayos lang po ng bag." marahang tumawa si Kyla
Umalis na din kami agad pagkatapos noon. Nang makarating kami sa bahay namin, nadatnan namin si Renz na nanonood ng TV sa sala.
"Ang ganda ng bahay niyo ah." sabi ni Chris, "Kayo lang ni Renz nakatira dito?" tanong niya.
Nasagot ang tanong niya nang tawagin ni Elle si Renz mula sa taas.
"Po, Ate Elle?" tanong ni Renz
Lumabas si Elle mula sa kwarto namin at bumaba ng hagdan. Nagsosort siya ng mga notebooks sa kamay niya, "'Yung kwarto niyo, ang kalat. Wag niyo na ipakita kay Mommy at Daddy 'yon." sabi niya. Agad na umakyat si Renz sa taas para gawin ang pinapagawa ni Elle.
"Anong ginagawa mo sa kwarto namin?" nakakunot ang noo kong tanong ko sa kaniya
Nagulat si Elle nang marinig ang boses ko, "Nagpapatulong si Renz sa homework. Ako na kumuha ng bag niya sa taas." sabi niya sabay lapag ng mga notebook na hawak niya sa coffee table.
"Kain na kayo, naghanda si Ate Camille ng snacks niyo kanina." sabi niya sabay ngiti sa aming lahat.
Hinila ako ni Chris, "Tangina, p're, nakatira kayo ni Michelle sa iisang bahay?" bulong niya sa akin
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa uniform ko, "Aray, masakit!"
"No wonder hindi ka tumitingin sa ibang babae." This time, si Chris naman ang hinila ko sa damit at inilapit ang tenga niya sa bibig ko, "Wag na wag mong sasabihin 'yan sa pamamahay na 'to kung ayaw mo akong malagot."
Binitawan ko na siya at inayos niya na ang damit niya, "Chill. Nagbibiro lang ako."
Tinapik ako ni Joshua sa likod, "Tara, kain."
"So, kinupkop kayo ng family ni Michelle?" tanong ni Marianne sa akin.
Tumango ako, "Simula noong insidente, dito na kami nakatira."
"Kaya pala halos lagi kayo sabay umuwi. Akala ko hinahatid mo lang siya." turan ni Chris
"Noong una, parang ganoon. Hindi kasi niya alam kung paano umuwi." sagot ko sabay kagat sa tinapay na may palamang cheese.
"Wala ka talagang naalala, kahit isa?" tanong ni Kyla kay Elle na nasa sala. Tinuturuan niya ngayon si Renz sa homework niya.
Tumingin sa amin si Elle at umiling, "About sa past ko, wala. Basic general knowledge, okay ako. The rest..." nagkibit-balikat si Elle.
"Talaga? Kahit yung fact na may gusto ka kay Ralph?"
"Marianne!" suway ko. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko.
"Kahit 'yon. And, please, kaka-break lang ni Ralph at ng best friend mo. Don't mention other girls around him, even me." tumingin siya kay Renz, "Break muna tayo. Sumasakit ulo ko eh. Kain ka muna meryenda."
"Okay ka lang, ate?" tanong ni Renz
Ginulo ni Elle ang buhok ni Renz at tumango. Umakyat siya pagkatapos.
Tumingin sa akin si Renz na nagtatanong. Bumaling ako kay Marianne, "Don't do that again, especially dito sa bahay."
Lumapit ako kay Renz, "Kain ka muna meryenda. Kung tapos ka na, pwede ka patulong kay Kuya Joshua mo sa assignment mo."
Sinundan ko si Elle sa taas. Kumatok ako sa kwarto niya, pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pinto. Walang tao. Baka nag-CR siya. Pumunta ako sa kwarto namin. Binuksan ko iyon.
Doon, nadatnan ko si Elle na hawak ang letter na ginawa niya two years ago.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at agad tinago sa likod niya ang papel.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo hawak 'yan?" lumapit ako sa kaniya at kinuha ang papel pabalik. Hindi ko alam bakit ang possessive ko sa letter na 'yon gayong hindi naman ito binigay sa akin ni Elle.
"N-naghahanap ng gamot sa gamit mo tapos nahulog 'yan sa kama mo." paliwanag niya
"Binasa mo?"
"Sorry. Nakita ko pangalan mo, nacurious ako." hindi siya tumitingin sa akin at namumula ang kaniyang mga tenga, "S-sige, aalis na ako."
"Saglit." sabi ko. Kinuha ko sa side drawer 'yung aspirin para sa kaniya, "Nakalimutan mo 'yung gamot." Kinuha niya ito sa kamay ko at agad na umalis.
Natawa ako, ang cute niya.
BINABASA MO ANG
Memories With Her
Teen FictionRalph Fernandez and his brother would've been dead, if it wasn't for her. She saved him from his horrendous fate. But, of course, every action has its consequences. Will Michelle Arellano overcome the damage that will befall upon her?