Chapter 2

1 3 0
                                    

Zyra's POV

Nagising ako dahil sa lakas ng ring nang alarm clock ko. Tss, kahit kelan pakialamera talaga tong si Ashley. Sya kasi yung kasama ko rito sa kwarto. Yes, nasa iisa lang kaming bahay dahil yun ang gusto namin. Pinayagan naman kami ng mga magulang namin dahil magbebestfriend din sila since mga bata pa sila. Then gumawa sila ng way para maging magbebestfriend din kaming pito. But I'm always thankful kasi naging magkakaibigan kami.

Naligo agad ako dahil may tryout kami ngayon sa bago naming school. Oo, nakapasok agad ako sa team ng basketball girls dahil sa lakas ng powers ng grandma ni Crystal. Thanks to her.

Bumaba ako para magluto ng breakfast namin. Pero nakakapanghinayang kasi bumaba pa ako-_-

"HOY KAYONG DALAWA MAY PINAGDADAANAN BA KAYO?!!"
Napasigaw tuloy ako.

Nagising si Crystal at kinukusot-kusot pa ang mata. Hula ko sasagot to in one.. two... thr--

"Porque naglasing may pinagdadaanan agad?"

"Pwede namang di lang kami makatulog" pagdedepensa naman nitong si Niana.

"Tss linisin nyo yan! Kayo na rin ang maghanda ng pang-agahan nyo. Pupunta nalang akong SB para kumain. See you!" Nagpaalam na ako't kinuha ang susi dahil ayokong magcommute ngayon, nakakabanas ang baho ng jeep-_-

Nag order agad ako at kumain para di na ako malate. Pagkatapos kong bayaran ang pinagkainan ko pumunta agad akong kotse dahil 15 minutes nalang malelate na ako sa tryout.

Mabuti nga at di traffic dahil limang minuto lang ang byahe ko papuntang school.

"Hello Captain!" I smiled sabay wave kay Captain Dana.

"Hello Zy! By the way Zy, kailangan mo pang magpakilala sa mga bago mong kateam. May ilan kasing nagback out at may dumagdag na rin" I nodded as the answer.

Pumalakpak ng malakas si Captain senyas na may pagpupulong.

"Good morning everyone. So as you can see kulang pa tayo ng dalawang members. Dalawang Freshmen nalang ang kakailanganin natin dahil puno na ang slot natin. Pero I'm pretty sure na may dadagdag rin satin" nagsitawanan ang mga kateam ko.

"But before nating problemahin yan. I want you to know Ms. Zyra Qyn Evans. Basketball player rin sya sa former school nya kaya nakapasok agad sya. 4th year college na sya kaya magiging assistant captain ko sya. Let her introduced herself" she faced me and nodded

"Hello guys! I'm Zyra but you can call me Ate Zy tutal mas matanda naman ako sainyong lahat pwera kay Captain hihihi" nagstop muna ako sa pagdedelihiryo dahil nakita kong nagbubulungan sila. "So, kung may questions kayo ayos lang sasagutin ko promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko as a sign of saying promise:)

In just a minute may nag taas ng isang kamay at tumayo.

"Hello ate Zy! I'm tintin but you can call me Tin since yun naman ang tawag sakin ng grupo. Matanong lang po ate. Single po ba kayo?" Akala ko naman kung ano yun lang pala hehe.

"Yes Tin i'm single by choice not my choice but still a choice" we chukled because of what i said. Umupo na rin si Tin pagkatapos naming magtawanan session

"Ate Zy! Ako nga po pala si Diana kapatid po ako ng captain dun oh sa basketball player ng boys" turo nya pa sa kabilang court na ngayon ko lang din nakita kasi wala naman akong pake-_-
"Kung single po kayo single rin po si Kuya Dexter yun pong naka number 12 yung jersey oh" tinignan ko kung sino yung naka number 12 yung jersey pero nung tinignan ko nakatingin rin pala sya sakin kaya parang may kung anong hayop ang lumipad sa tyan ko.

"Yieeeeee kinikilig na yan si Ate Zy"

"Tignan nyo guys nagblublush sya oh!"

"Ayyyyyieeee kilig naman ako"

Seven At Your ServiceWhere stories live. Discover now