Chapter 4

9 2 0
                                    

Zoe's Point Of View

Hello readers ako nga pala si Zoe Sanchez galing po ako sa sinapupunan ng mommy kong si Stacey Sanchez oh diba? Ang ganda ng name ng mommy ko. Hihi, madaldal po yung mommy ko sabi ni Daddy kaya kung magtatanong pa po kayo kung kanino ako nagmana 'wag nyo na pong ituloy.

"Guys! Di pa ba kayo magpreprepare? Mamayang 6 pm na yung start ng program nang party ni Sabrina. Hay nako baka pagalitan nanaman tayo ni mayora nyan. Sige na guys magready na kayo! Papunta na rin sila tito para sunduin tayo" hay nako! Kung hindi ko pa sinabihan tong mga babaeng to baka hanggang ngayon di pa sila gagalaw. Mga tamad talaga-,-

Mabuti naman at madali lang kung magprepare tong mga to kung hindi baka kanina ko pa sila iniwan sa taas. Si Sabrina andun na sa Hotel dun kasi yung venue ng debut nya tapos dun na rin sya aayusan.

"Guys tara na bilisan nyo!" Sigaw ko ulit.

Bumaba na silang lima dala-dala yung mga gifts nila kaya kinuha ko na rin yung gift ko para kay sabrina. Etong gift ko simple lang naman pero pinagawa ko pa to sa Italy nung nagpunta sila mommy para sa bussiness nila kaya pinasabay ko na rin yung gift ko.

Sumakay na kaming van namin kasi marami kami ngayon at tinatamad kaming limang magdrive kaya pinapunta na namin yung mga daddy's namin. Actually si Tito Ken lang at Tito Jet lang yung nandito. Daddy ni Zyra si Tito Ken at Daddy naman ni Crystal si Tito Jett.

Ilang minuto lang nakarating na agad kami sa hotel. Papunta ka palang entrance halatang ang ganda ng designs sa loob.

"I like here super instagramable" compliment ni Ashley. Ang hilig nya talaga maginstagram.

"Yeah! I agree Ash" sabi naman ni Niana.

"Ija's halina kayo sa loob. Limampung minuto nalang magsstart na yung program" sabi sa 'min ni Tito Ken kaya sumunod na kami sa loob.

Color Sky Blue yung motif ng debut nya. Halata mong marunong pumili yung magdedebut. Sa aming pito, si Sab lang naman yung pumipili ng mga damit na isusuot namin sa tuwing lalabas kami. Eto ngang suot namin sya rin yung pumili. Royal Blue yung dresses namin pero iba iba yung designs. Yung sakin off shoulder na dress and yung kay Niana tube, yung kay Tamara long sleeve, yung kay Crystal yung formal dress lang, yung kay Zyra yung skin tone yung sa braso tapos yung kay Ashley di ko madescribe pero basta fitted dress then off shoulder rin.

"Good evening ladies and gentlemen. Let us give around of applause for our celebrant"

Nagpalakpakan kami nung makita naming nakasakay si Sabrina sa kalesang ahhh basta pang fairytale. Basta kung nakita mo na yung Cinderella na nakasakay sya sa kalesa ganun din yung kay Sabrina.

"Ang ganda talaga ni Sab. Marami nang nagbago sa kanya simula nang magbreak sila ni Jameson noon" tinapik tapik pa ako ni Ashley habang sinasabi nya yun sakin. Pero totoo, kung dati maganda sya ngayon mas gumanda pa sya.

"Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakamove on?

"H-huh? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kasi kahapon nung nags'scroll ako sa instagram nakita ko yung post nyang nasa 13th Distric Cafè sya. Pinuntahan ko sya doon kasi nagkicrave narin ako sa blueberry cheesecake. Kadarating ko palang nung makita kong may pumatak na luha sa mga mata nya. Syempre alam ko na kung anong iniisip nya. Kinausap ko pa nga sya na last na nyang iyak dapat yung kahapon. Nagpromise sya sa akin na magmomove on na sya simula ngayon. May plano sana ako, kung tutulungan nyo ako" tinignan ko si Ashley na tinataas-baba pa yung kilay sabay kindat.

"Ano game?"

"Game" makikipag apir pa sana kaso tumalikod na agad ako at tinignan si Sabrina sa mini stage sa harapan. Naaawa ako sa kanya dahil sa tuwing iiyak sya nadudurog yung mga puso namin kaya kailangan namin tong gawin para sa kanya.

TAMARA'S POV

Narinig ko yung usapan nila Zoe at Ash, hindi naman sa pagiging chismosa pero parang ganon na nga ang nagiging resulta sa mga paningin nyo. Parang gusto kong tumulong sa kung ano mang plano ang balak nilang gawin.

"May I call Ms Zyra Evan to give her precious girft and unforgettable message to Ms. Sabrina Fortalejo" pumuntang mini stage si Zy at ginawa na ang dapat nyang gawin. Sumunod sa kanya si Crystal,Niana,Ashley,Zoe at ako na.

"This is my gift for you lil Sabby. Happiest birthday sayo. Alam mo namang hindi ako pala usap diba? Pero ngayon sige para sayo hahabaan ko to. What the heck Sab! 18 years old ka na. Yieee nasa legal age na yung supladang Sabrina. Anyway you're pretty, that you've got 30 ex's right? Hahaha joke lang po yun guys! You're so smart that you've got 75 in math when we're in highschool, you're hardworking that you always cook your meal or so what ever. But honestly that's an irony for what I wanted to say. You're really not so perfect but perfect for me indeed. Stay the same Sabby Fortalejo. Move on at the same time Sabrina. I love you so damn much, thank you for everything. I hope you'll receive a lot of grace, blessings, opportunity and happiness this another year of yours. Just stay strong we're just here for you. Again, happy happy birthday" Tumayo sya para yakapin ako.

Nagsitayuan ang limang nasa baba at pumunta dito sa amin para mag group hug.

Pagkatapos ng lahat. May intermission number kaming anim.

"Let us call the bestfriends of Ms Sabrina to sing their theme song"

Kinanta namin yung theme song naming We Were Together by Bailey May.

Matapos ang program ay nagparty na kami ay este sila lang. Di ako sanay sa mga parties. Di rin kasi ako mahilig sumayaw. Kumanta oo yun ang hilig ko.

Pagkatapos nang lahat ay umuwi na kami. Nagpahatid kami kay Butler Homer dahil alam naming pagod na yung mga magulang namin.



AUTHOR'S THINGY NOTE:

Happy Birthday Sabrina Fortalejo (May 3)

For more information just message me on instagram: @daniellamin_93 and on facebook Daniella Smith and for Twitter daniella_min.

KAMSAHAMNIDA‼️

Seven At Your ServiceWhere stories live. Discover now