Part title

2 1 0
                                    

Zyra's Point Of View

Second day palang namin dito sa Mystique University pero ang worst na nang mga nangyayari. Una, inaway ni Ashley yung leader nang campus. Kaya ayon hangang ngayon nagbabangayan pa rin. Pangalawa, nadetention kami kasi humihikab kami habang naglelesson si Ma'am pero totoo naman talagang ang boring nyang magturo tss.

Pumunta ako sa locker ko para kunin ang extra t-shirt na inilagay ko nung summer pa. Magpapractice kami ngayon kasi sa susunod na bwan na gaganapin yung league so kailangan nang paspasang pagpapractice.

Papasok palang ako sa loob nang gym nung bigla akong banggain ni Dexter, yung kapatid ni Dana na kateam ko. Problema neto?

"Sa susunod kasi pakitignan ang dinadaanan" ang sungit neto, di naman kami close ah? Pero kung maka asta parang close kami.

Di ki na lang pinansin at lumakad na papunta sa loob.

"Hello Ate Zy!" Bati sakin ni Dana at Tin, ang cute cute talaga nilang dalawa.

"Hello. Andito na ba si captain?" Tumango sila at ngumuso sa bandang likod ko. Nakita ko si Captain na kasama si Coach mukhang may mabigat na problema ata base sa expression nila.

1 month kaming magpapractice para ma rin masanay namin ang mga bagong nakapasok sa team namin.

Pagkatapos ng practice namin nagpalit ako nang damit at pumuntang cafeteria dahil nagtext sakin si Sab na dun daw ako dumiretsyo.

"Zy!" Sigaw ni Sab. Haysss ano ba yan ang daming tao tapos sisigaw pa tong babaeng to.

"Wag ka ngang sumigaw Sabby, mahiya ka naman" sita sa kanya ni Niana.

Umupo ako sa harap ni Tamara at kinuha ang isa nyang burger. Kakainin ko palang sana nung biglang nagsitilian ang mga babae.

"Kyahhhh! Andito nanaman sila"

"Pero diba dati di sila pumupunta dito kasi may private room sila?"

"Shut up Tiff, mabuti nga yan eh kasi nakikita natin sila"

Echosera! Di naman kagwapuhan yang mga lalaking yan. Ubod nang yabang kaya napapalakas aircon dito sa loob. Umupo sila sa katabi ng table namin.

"Tss ayan nanaman sila" bulong ni Tammy pero narinig ko yun kasi nasa harap ko lang sya.

"Ang yayabang akala mo kung sino" sabat naman ni Sab.

"Di naman kagwapuhan. Ma-appeal lang." Sabi naman ni Niana.

"Guys, shut up. Ang babait kaya nila" sabi samin ni Crystal kaya nakatanggap sya nang mga irap at pagbelat namin. Halatang kaming anim lang pwera kay Crystal ang nayayabangan sa mga to.

"Wala akong pake kung leader sya. Mukha nya unggoy!" Sabi samin ni Ashley, malamang si Lorenz yung binabanggit nya.

"Isa pa yang si Blake, gwapo sana kaso babaero" nanggigigil na sabi ni Zoe. Tumingin silang lahat sa akin na halata mong inaabangan kung ano ang susunod kong sasabihin.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko senyas nang surrender at umiling nalang.

Wala akong panahon sa mga mokong na yun. Bahala sila.

Aalis na sana kami nang biglang tumayo yung isang lalaki at binuhusan nang juice si Ashley.

"Problema mo? Inaano ba kita?" Galit na galit na sabi ni Ashley.

"Problema ko? Ikaw lang naman!" Nagtatakang tumayo si Ashley at aakmang suntukin yung lalaki nang pigilan sya ni Zoe.

"Close ba tayo para bigyan kita ng problema? Hindi naman diba? Napaka super feeling close mo!" Itinaas nung lalaki ang kamay nya na sasampalin na sana si Ashley nung biglang may humawak sa kamay nya. Si Lorenz.

"Subukan mo at ako ang makakalaban mo" pagbabanta sa kanya ni Lorenz. Malamang sa malamang takot yan, leader pa naman si Lorenz.

Umalis na yung lalaking sasampal sa na kay Ashley. Kahit di pa sya umiiyak, alam kong iiyak yan in one, two, thr--.

Laking gulat namin nung bigla syang yumakap kay Lorenz.

"Thank you" sabi sa kanya ni Ashley habang umiiyak. Yumakap pabalik si Lorenz tapos hinimas-himas yung buhok ni Ashley. Tss, makaalis na nga

Umalis ako dun at pumunta sa likod nang building. Kailangan ko lang makalanghap nang fresh air.

"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seven At Your ServiceWhere stories live. Discover now