Ashley's Point Of View
Nagising ako sa alarm clock ni Zyra. Malamang pinakialaman ko nanaman to kagabi. Pero ba't napa-aga naman ata nang ring nito? Hindi kayaaaa..
"Kyahhhhh! Hoy Zy! Gising na first day of school natin ngayon sa Mystique University kaya bawal tayong ma'late. Titignan pa natin kung anong section tayo. Bilis na Zy!!!" Niyugyog ko pa sya para lang magising.
"Alam ko naman yun Ashley kaya wag mo na akong gisingin kasi kanina pa ako gising. Maligo ka na muna dun Ash, ikaw na yung mauna para mas madali" kanina pa pala sya gising eh bat di nya ako ginising? Tss makaligo na lang nga-_-
Pagkatapos naming maligo ni Zy bumaba na agad kami. Nakita naming kompleto na silang lima sa lamesa. Kami nalang ata ang hinihintay.
"Maupo na kayong dalawa. Dalawang kotse lang yung gagamitin natin ngayon. Yung isang kotse yung sa akin tapos yung isa kay Crystal. No butts Crystal wala akong pake kung tamad ka" kapag talaga si Tammy yung nagsasalita napapatahimik kaming lahat.
Tumango nalang kaming lahat at tinapos na ang kinakain namin.
"Niana, Zyra, at Zoe dito kayo sakin sasabay yung iba dun na kayo kay Crystal"
Pumunta na kami ni Sabrina sa kotse ni Crystal.
"Kailangan nating mahanap agad kung anong section tayo. Good luck sa atin" sabi samin ni Crystal na kapapasok palang.
"Hoy tal! Meron ata ngayon si Tammy ah? Bat parang laging meron?" Natawa tuloy kami ni Crystal sa tanong ni Sab.
"Hahahaha kaya nga eh. Kaya dapat lagi tayong mag pineapple juice sa ref para sa tuwing mangsesermon ihahanda na agad sa kanya HAHAHAHA" natawa kami ni Sabby dahil minsan lang tong magjoke si Crystal.
Within 30 minutes nakarating na agad kaming school. Napabuntong hininga ako kasi feeling ko magiging memorable 'tong last year namin bilang studyante.
"Guys andun raw nakapaskil yung mga names natin! Tara na!" Turo pa ni Sab sa kaliwang direksyon namin.
Nagsisiunahan na ang mga studyante para makita kung anong section sila. Si Sabrina ayun nasa unahan na ng maraming studyante.
Hinintay nalang namin si Sab dahil sya ang maga-announce kung anong section kami.
"Guess what? Magkakaklase ulit tayong lima! Yieeee!" Lumapit sya sa aming lima nila Tammy,Niana,Crystal at Zyra habang patalon talon pa.
"Yieeee andito na sila! Tabi kayo girls! Wahhhh!"
"Ang gwapo talaga ni Blake"
"Lalo na si Lorenz"
"Mas yummy naman si Brix"
"Gwapo rin naman si Cyril, matalino pa"
"Kyahhhh! Dexter akin ka nalang"
"Markyyyyy! My ideal man"
"Wahhhhh nakakainlove talaga si Calleb!"
Tinignan namin kung saang direksyon yung mga babaeng nagsisitian. Nakita namin yung mga studyanteng bumibigay ng space sa gitna. Tss, mga echosera!
Paalis na sana kaming pito nang biglang may tumawag kay Crystal.
"Crystal!" Sigaw nung lalaking naka mask na itim tapos naka cap rin na itim. Infairness ang cute nya. Mukhang friendly ata?
"Marky? Ikaw ba yan?" Pangiti-ngiti pang sabi ni Crystal.
YOU ARE READING
Seven At Your Service
Fiksi RemajaPitong magaganda't matatalinong babae makakaharap ang Campus Leader ng Mystique University. Paano kaya sila magkakasundo kung ang kanilang pag-uugali ay magkakaib? Paano kaya nila matatapos ang kanilang mission kung hindi sila magkakasundo? Guysss...