"Black, 'yan ang magiging theme natin sa Christmas Party natin," ani ni Dawn sa kanyang mga empleyado.
Napalunok na lang ng laway ang mga tauhan niya dahil last year, black din ang theme nila. Hindi ba siya nagsasawa sa kulay na 'to? Kilalang Miss Itim si Dawn dahil lagi siyang nakaitim na tila bang araw-araw ay 'lamay' day.
"Oh bakit parang hindi kayo masaya?" tanong nito na may tonong pagtataray.
Lahat parang ayaw kumibo. Halatang ayaw nila ng theme pero kasi kapag tinutulan nila si Dawn baka wala nang maganap na party. Siya ang may-ari ng Archangel Accounting Firm and Associates at masyado rin itong mataray, mas matigas pa sa bato ang puso niya at kapag tumutol ka sa kanya, baka huling araw mo na sa trabaho. Akala ng lahat wala nang kikibo nang biglang dahan-dahang nagtaas ng kamay ang bagong secretary ni Dawn na si Alita.
"Yes, Alita," tuon ni Dawn sa kabadong sekretarya.
"Ma'am, ano kasi..."
"I'm waiting, don't waste my time stuttering..."
Napalunok ng laway si Alita at halatang kabado para sa kanya ang mga katrabaho nito pero naghahangad pa rin sila na sana ay may tumutol sa gusto ng boss nila.
"Tu..tu...Tumawag po si Ma'am De Castro," sabi ni Alita.
"Oh sh*t," mura ni Dawn at biglang napatayo.
"Meeting adjourned. I need to go," sunod na sabi niya.
Paglabas na paglabas ni Dawn, naghayag ng pagkadismaya ang mga katrabaho ni Alita.
"Akala ko tatanggi ka sa black," inis ni Julia, ang junior accountant.
"Bakit? Wala namang masama sa black," tugon ni Alita.
"Baguhan ka nga pala. Last year, yun yung theme namin. Ewan ko ba, ang hilig ng medusang 'yun sa itim," sabi ni Julia.
"Huwag na kayong magtaka. Eh di ba nga last year, hindi natin nakuha ang kontrata with Axza Holdings. Siguro dahil sa labis na pagkadismaya ni medusa, ayun black na lang ang kulay sa mundo," hula ni Yani, ang bookkeeper.
"Sino nga yung nakakuha ng Axza?" tanong ni Julia.
"Yung Cabredo, kapitbahay natin," sagot ng head ng audit na si Reid.
"Eh di ba last year lang nagbukas yan?" tanong naman ni Alita.
"Yeah, that's right kaso yung may ari ng Cabredo at yung team niya, before opening nila nagpatunay na ng galing. Sila lang naman yung lumutas dun sa katiwalian sa Riversboat Realty Inc."
"Wait... yung may ari ba ng Cabredo ay si...." Pumasok sa isip ni Alita na parang may kilala siyang Cabredo.
"Richard Cabredo," pagtukoy ni Reid.
"Wow, he was my professor in college, pero nag-sub lang siya nung kabuwanan na ng prof ko, so maikling panahon lang 'yung pagtuturo niya sa amin but he was so amazing." masayang sabi ni Alita.
"San ka ba nag-aral?" tanong ni Julia.
"Marcial Ramona University."
"Eh dun din nagtapos ng college si medusa with flying colors pa, cum laude," sunod na tugon ni Julia.
"Woah?" mangha ni Alita.
"Guys," sigaw ni Arra, ang assistant audit personnel na kakatapos lang makipag-usap sa telepono. Tumuon ang lahat sa kanya.
"Lock niyo ang pinto! Dali, may chika ako!" ani nito at nagmadaling ni-lock ni Julia ang pinto ng conference room.
"Two days ago..."