Magkatabing nakaupo sina Richard at Dawn, nakaharap sa mga malalaking baso ng beer na nakaayos sa table.
Vice then said out loud, so they can hear him because the music is too overpowering.
"Pag suko na, say the word PEACH! Okay?"
The two nodded. Napalunok ng laway si Richard hindi naman kasi talaga siya palainom. Napatingin siya kay Dawn na mukhang excited pa sa challenge.
'Ano ba 'tong pinasok ko?' pag-aalangan ni Richard sa sarili niya.
"Ready na?" tanong ni Vice, and Dawn nodded yes. "How about you Sir Cabredo?"
Huminga ng malalim si Richard tsaka tumango.
The crowd then cheered as Richard and Dawn both drank a glass.
"Sh*t! sigaw ni Richard sa pait. "Peach!" agad na sabi niya pagkatapos lagukin ang laman ng isang baso. "Talo si Sir!" sigaw ni Vice at nagtawanan ang lahat. Si Dawn naman tuloy-tuloy sa pag-inom hanggang umabot siya sa ikalimang baso. Manghang-mangha ang lahat sa paglagok niya na parang tinutubig lang niya ang beer.
"Hoy! Tama na 'yan!" pagpipigil ni Richard sa ikaanim na baso ni Dawn.
"Sinong sinasabi mong tutumba ha?" tanong nito na parang naghahamon pa. "Huwag mo akong pigilan, ikaw magbabayad nito," sabi ni Dawn at inialis ang kamay ni Richard sa kamay niya.
"Inom na tayo guys!" alok ni Dawn sa lahat at nagcheers sila. Nasa ikasampung baso na si Dawn at nakatitig pa rin sa kanya si Richard. Sa di kalayuan sumasayaw sina Julia at nakita ito ni Dawn. Napatayo siya sa kinauupuan at tumayming na pinatugtog ang reggae version ng Baby I Love Your Way.
Muntik na siyang matumba sa pagkahilo nang naalalayan siya agad ni Richard.
"Saan ka pupunta?" tanong nito malapit sa tenga ni Dawn at nakiliti naman si Dawn sa ginawa ni Richard kaya bigla niya itong nahampas sa mukha.
"Aray ko Dawn!" sigaw ni Richard at pinagtawanan lang siya ni Dawn.
Agad na tumungo si Dawn sa dancefloor at sumabay sa mga nagsasayaw. Nakatitig lang sa kanya si Richard na namamangha sa kanya. He had never seen this side of Dawn before. This is new to him. Kahit na lasing, maganda pa rin siyang tingnan. Ang classy tingnan at hindi kabastos-bastos. Richard was peacefully staring at her when a guy started to pull Dawn. He immediately stood and ran to the dancefloor pulling Dawn away from the guy.
"Teka pare," the guy was about to complain when Richard cut him saying, "She's my wife."
The guy backed off at si Dawn naman sayaw lang ng sayaw, hindi narinig ang sinabi ni Richard pero napakalinaw nito sa tsismosang tenga ni Arra na nasa tabi pala nila. Kinuha agad si Arra ang cellphone niya at kinuhanan ng video ang dalawa.
"Richard, sayaw tayo," lasing na alok ni Dawn kay Cabredo. Richard then scratched his head looking down. Nagulat na lang siya when Dawn suddenly reached for his hand as she leads him to dance the groove. They were dancing face to face with just a little distance from each other. This scene is documented by Arra na kinikilig as Richard pulled Dawn for a hug as they dance.
"Sh*t guys!" sigaw ni Arra at napatingin naman sa kanya ang mga katrabaho niya. "Wala nang cold war! Ang hot nila!"
They were astonished by their bosses' chemistry, their electrifying sweetness overflows.