CREAM/KREMA

2.3K 53 18
                                    

A/N: Warning: SPG CONTENT and CTTO for the images and GIF used. 

Alas-onse pasado na ng gabi at hindi pa rin makatulog si Dawn habang nakahimlay sa balikat ni Richard. Isang parte sa kanya ang hindi makapaniwala na nangyari ang nangyari. Napatingala siya at pinagmasdan ang mukha nito. Mahimbing itong natutulog at tila ba ang mga hilik nito'y parang musika sa pandinig niya. Napapangiti si Dawn habang hinahaplos ang pisngi nito. Hindi maipagkakailang masaya siya dahil kapiling niya ang taong pinakamamahal niya. Labing pitong taon ang nawala sa kanila at ibinubuntong pa rin niya ang sisi sa sarili dahil kung hindi siya nagmatigas na pakinggan ang paliwanag ni Richard noon, hindi sana komplikado ang mga bagay ngayon. Ngunit ano pa nga bang magagawa niya? Tapos na ang nakaraan.

Sa kabila ng sayang nadarama, may takot pa rin at pangambang gumugulo sa isipan niya. Natatakot siya sa mapanghusgang mundo. Nangangamba siya na baka magbago pa ang isip ni Richard tungkol sa pag-ibig nito sa kanya. Kung nagawa niyang magpakasal sa iba, hindi malayong mangyaring iwan siya muli nito. Nangangamba siya dahil ano't ano pa man, nakatali pa rin siya sa iba at hindi pa niya maaangkin ng buong-buo ang dating kasintahan.

Ano nga ba tayo ngayon? Paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Para sa kanya ay hindi sapat ang mahal lang nila ang isa't isa. Gusto niyang may panghawakan. Maramot mang pakinggan, pero naghahangad siya na mapawalang-bisa na ang kasal nito kay Sandra. Bigla siyang nakaramdam ng insecurities nang pumasok ang imahe ni Sandra sa kanya isip. Hindi niya maipagkakailang maganda ang asawa nito at kung siya rin ay magiging isang lalaki, mabibighani siya rito...

 Hindi niya maipagkakailang maganda ang asawa nito at kung siya rin ay magiging isang lalaki, mabibighani siya rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At sa mga sabi-sabi nga, napakabait daw nito at kung ikukumpara siya rito ay wala siyang panama. Magkaiba sila sa ugali lalo na sa pakikitungo sa ibang tao habang siya patago pang tinatawag ng mga empleyado niya na Medusa.

Napailing siyang bigla at naalimpungatan naman si Richard. Dahan-dahan niyang binukas ang mga mata niya at nagtanong, "Hindi ka pa makatulog?"

Napayukong bigla si Dawn at niyakap si Richard, "Kamusta si Sandra bilang asawa?" malungkot na tanong ni Dawn.

Biglang nawala ang antok ni Richard at sumagot, "'Yan ba ang gumugulo sa isip mo?"

"Mahal mo ba siya?" tanong muli ni Dawn.

Hinaplos ni Richard ang mga kamay ni Dawn na nakapatong sa dibdib niya. "Hindi pa ba sapat na nandito ako sa tabi mo para malaman mong ikaw lang ang pinakamamahal ko?"

"Pero Chard..."

"Ssshhh, I'm divorcing her. I already signed the papers last night."

"Napirmahan mo na?" gulat na reaksyon ni Dawn sabay angat ng tingin kay Richard.

Richard then gave her a closed smile, "Yes," he nods. "Kaya tama na 'yang pag-iisip mo. Tulog na tayo, maaga pa ang biyahe natin bukas. O gusto mo pa ng round two?" he smirked playfully.

Muli (Chardawn  Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon