MAROON/MARUN

1.9K 48 5
                                    

WARNING: SPG WORDS


Kasalukuyang nasa isang ice cream shop sina Cabredo at Archangel na habang nilalasap nila ang kinakain ay patuloy na kinikilig sa bawat isa.

"Are we really okay now?" tanong ni Cabredo kay Dawn.

"Ikaw sa tingin mo? Parang ang bilis nga. Tampuhan ulit tayo, gusto mo?"

"Huwag, nakakapagod kang kaaway."

"Oo nga, pansin ko din. Teka, mabalik tayo dun sa sinabi ni Cla, what do you think?"

"Ano bang sinabi ni Cla?"

Dawn shakes her head while smiling, "Ayan kasi, hindi ka nakinig. Abala ka sa kakaisip sa nangyari kagabi."

"May nangyari ba kagabi?"

"What do you mean? Parang iba kasi yung gusto mong ipahiwatig."

"Pero hindi nga, hindi mo ako pinagnasaan?"

"Chard, balik tayo kay Caparas ha baka kung saan pa mapunta ang usapan."

"Sows, pa-inosente ka pa. Ano nga?"

Dawn then looked around first, checking on people kung may nakakakilala ba sa kanila sa loob.

She then shyly nodded, "Yes na. Masaya ka na?" mahinang sabi nito.

Richard then nodded joyfully, "Eh bakit hindi mo tinuloy?"

"Chard, tigil na. Pag-usapan na natin si Caparas," inis na sabi ni Dawn.

"Sige na nga. Huwag ka na mainis, please?" he gave her a puppy look.

"That won't work," sabi ni Archangel sabay iling.

"Okay, seryoso na talaga ako. So ano nga yung sabi ni Cla?"

Dawn rolled her eyes at him and sighed, "Ganito kasi yun...Si Kim kasi mag-iinvest sa Golden Cannon and based on hearsays, Caparas daw is a major preferred shareholder dun kaso ang nakakapagtataka raw, he's not part of the board."

"Oo nga naman. If Caparas owns most of the shares, he's qualified to be the chairman of the board."

"Kaya nga nakaka-confuse. Tapos sa kabila ng controversies, still their sale of stocks is in good condition and even Kim will be investing. Eh di ba may kaso sila dahil sa mga lapses nila. Parang hindi umuusad yung kaso at ang nakakamangha, they got a permit to operate."

"Hmmmm, naiisip mo ba ang naiisip ko?" Richard said after analyzing.

"May kinalaman dito yung ten million missing sa BDF?"

"Yeah, pero alam mo hindi dapat natin 'yan pinag-uusapan dito, baka kasi may makarinig. Mahirap na. Usap tayo sa office ko?" Richard said finishing his ice cream.

"Sa office ko na lang."

"Office ko naman Dawn. Pati ba naman 'to pag-aawayan natin? Promise, wala akong gagawing masama sa'yo maliban na lang kung ipagpapatuloy mo 'yung pagnanasa sa akin."

Dawn deadly narrowed her eyes at him and Richard just smiled at her.

"I love you," he mouthed, and Dawn shook her head now smiling. "Oo na, sa office mo. Pero I can't go with you sa kotse mo," Dawn said putting her woody ice cream spoon on its cup.

"Bakit naman?"

"Alangan naman iiwan ko yung kotse ko dito."

"Oo nga naman noh," Richard smiled and stood beside Dawn, "Halika na," pag-aaya niya sabay kuha ng kamay nito.

"Ang lambot pa rin ng kamay mo, infairness," komento ni Richard habang nakangiti pa rin at napailing lang si Dawn. Kinokontrol niya ang kilig niya at meron pa ring parte sa kanya na hindi makapaniwala na nangyayari 'to sa kanila ni Richard. Natulala siya ng ilang segundo kay Cabredo.

Muli (Chardawn  Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon