Gumising si Cabredo at hilong-hilo siya. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa kuwarto niya.
Nang tumayo siya bahagya pa siyang natumba pero buti na lang at nakahawak siya agad sa doorknob. Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya sa presensya ng magulang niya kasama si Russel na kakauwi palang mula Palawan.
Agad na niyakap ni Helena ang anak na may pasa pa rin sa mukha at may sugat sa noo.
Hindi makagalaw si Richard sa gulat.
Richard then felt her mother's tears dripping on his shoulder. "Sorry anak."
Hindi na napigilan ni Richard ang sarili at lumuha rin. He missed this. Suddenly his father walked to them and joined in for an embrace. "Sorry anak," sambit nito kay Richard.
Parang may naalis na karayom sa puso ni Richard at bigla na lang gumaan ang pakiramdam niya. The hatred he felt for his parents, especially for his Dad just vanished.
After the tight embraces and crying out of tears of joy, Helena then decided to prepare a meal for her family while Richard and his father talked by the pool.
"Amoy alak ka," Ricardo said.
Richard shrugged, "Napainom lang Pa."
"Saan ka uminom?"
"Sa restobar ni Rico. Yung anak ni Armando Yap."
"I see. Paano ka nakauwi?"
"Yun nga Pa, hindi ko alam kung paano."
"Huwag ka nang iinom ulit. Matindi ka kung tamaan, nakakalimot. Anyway, anak kamusta?"
"Eto, stressed pero nawala na ngayong, nandito na kayo," Richard smiled at his Dad sounding cheesy.
"Huwag mo nga akong bolahin. May problema ano?"
Richard then remembered Dawn with Ian. A pang of pain pinched his heart. "Masakit lang ang ulo sa trabaho Pa. Ang daming reports."
"Yun ba talaga?"
Richard just nodded yes.
"How about Dawn? I heard you two are working?"
Napailing si Richard, "Don't mention her name Pa."
"Ayan, huli ka rin. Siya ang problema mo ano? Bumabalik ba ang feelings?" pagtutukso ni Ricardo sa anak.
"I am married Pa."
"Okay, hindi na kita papakialaman sa lovelife mo pero anak, ang feelings hindi mo maloloko. Kung nandiyan 'yan, nandiyan 'yan at bubulabugin ka. Masakit 'yan sa ulo pero higit sa lahat masakit 'yan dito," Ricardo pointed his left chest... "sa puso, lalo na kapag tinatago."
Meanwhile Russel is at the terrace talking with someone over the phone.
"Salamat. Inalagaan mo yung Kuya ko."
"Kamusta siya?"
"Ayun, kausap ni Pa."
"Ayos na sila?"
"Mukha namang oo kasi walang sagutang nagaganap."
"Mabuti naman."
"Kami hindi mo kakamustahin? Talagang yung Kuya ko lang? Hindi mo ba ako pasasalamatan dahil bigla akong napauwi para kay Richard."
"Naku ayan na naman ang chechebureche mo. Kapatid mo 'yan."
"Eto, biro lang."
"Nga pala, yung gamot ni Richard nasa pillbox, huwag mong kakalimutang painumin siya nun after eating breakfast."