Chapter 2

176 12 0
                                    

Allysa Kyra Morgan

"Kyra! Ano na naman itong sinasabi ng teacher mo na nakipag away ka daw? at sa lalake pa talaga?"

"Eh kase naman eh---"

"Wag mo ng uulitin yun." sabi ni mama kaya tumango nalang ako.

Nangako kasi ako kay mama na hinding hindi na ako makikipag away pa pero ang hirap kaya magpigil ng galit!
Hays hangga't kaya ko, iiwas ako sa gulo.

Nakick out kasi ako sa dati kong pinapasukan na school dahil sa dami ng records ko dun kaya pinalipat ako ni mama dito sa Margaux High University.

-
Adrian Liam Caleb

Nandito ako ngayon sa rooftop kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Alam niyo ba kung ano yung pangalan nung babaeng nakaaway ko?" tanong ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

"Bakit? type mo?" tanong sa akin ni Grey kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah si Morgan." sabi ni alex.

"Whole name?"

"I don't know pero yun ang apelyido niya sa pagkakaalam ko."

Pakealamera talaga yung babae na yun. Siya ang sumira ng araw ko at siya palang ang kaisa isang babaeng nanuntok sa napaka gwapo kong mukha tss.

"Nga pala pumunta yun kanina dito." dagdag pa ni alex.

"Ano?! Hinayaan mo lang?"

"Sinabihan ko naman siya na teritoryo natin ito pero wala eh ayaw umalis. So hinayaan ko nalang. Ayokong magkaroon ng pasa sa mukha haha."

Ibang klaseng babae. Sinusubukan niya talaga ako.


-
Allysa Kyra Morgan

"Kyyyraaaaa!!" sigaw ng kung sino kaya napatingin ako dun sa tumatawag ng pangalan ko.

"Jane??"

"Omg! magka-schoolmate na tayo!!" sigaw ni jane at niyakap ako ng napaka higpit kaya niyakap ko rin siya pabalik.

I miss her. I miss my bestfriend.

"Sabi ko na nga ba eh! ikaw yung pinag-uusapan nila na nakipag away dun sa isa mga pinaka mayaman dito sa school."

"Ha?"

"Hays.Impakta ka talaga! Yung nakaaway mo na si Liam ay isa sa mga pinaka mayaman dito sa school natin yung daddy niya ang pinaka maraming donate."

"Malay ko ba at saka siya naman yung nauna eh.Siya yung may kasalanan!"

Wala akong pake kung yung papa niya ang may pinaka maraming donate dito kahit anak pa yan ng may ari ng school. Wala akong pake.

"Pero infiernes girl ha? katabi mo daw yung limang magkakaibigan." sabi ni jane na parang abot langit na ang ngiti.

"Ang malas ko nga eh. Yun nalang ang natitirang upuan kaya dun na ako umupo. No choice." sabi ko dahilan para batukan ako ni jane.

"Tangina, anong problema mo?"

Kung di ko lang ito kaibigan malamang binatukan ko rin siya haha joke lang.

"Ang swerte mo nga eh kasi katabi mo silang lima."

"Anong swerte dun?"

"Ay teka di mo pala sila kilala haha." sabi ni jane kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

"Kita mo yang magkakaibigan na yan?" tanong sa akin ni jane sabay turo dun sa apat na lalakeng nakaupo dun sa may dulo at nag uusap.

"Diba lima silang magkakaibigan pero wala jan yung isa. Yung limang  magkakaibigan na yun ay ang pinakamayaman dito sa school natin---."

Im his fake girlfriend(ON-GOING)Where stories live. Discover now