Chapter 7

85 5 0
                                    

Allysa Kyra Morgan

"Di ka pa ba magbibihis kyra?" tanong sa akin ng kaklase ko.

"Magbibihis na nga." sabi ko at pumunta na ako sa cr.

Dali dali akong nagbihis ng p.e uniform dahil maya maya na ay magsisimula na ang activity namin.

Paglabas ko sa cr ay naglakad na ako papunta sa gymnasium ng biglang nakasalubong ko si Liam pero di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Narinig kong tinatawag niya ako pero di ko siya pinansin hanggang sa di ko namalayan na hawak niya na pala ang braso ko.

"Ano na naman Liam?"

"M-mira may tagos ka." medyo naiilang niyang sabi at umiwas ng tingin sa akin.

Biglang namutla ang mukha ko at nanlaki ang mga mata sa mga sinabi niya.

"ANOO?! Bat ngayon mo lang sinabi?!"

"Kanina pa-------." di ko na pinatapos ang sasabihin ni Liam dahil kumaripas ako sa pagtakbo papunta sa cr.

Pagminamalas ka naman oh wala akong dalang napkin, wala rin akong extra na p.e uniform.Anong gagawin ko??

Mag-iisang oras na akong nandito sa cr nang biglang may kumatok at tinatawag ang pangalan ko.

Boses ni Liam yun ah? Anong ginagawa niya dito sa cr ng mga babae?

Binuksan ko yung pintuan at hinarap si Liam.

"Bat ka nandito sa----." di ko na natapos ang sasabihin ko dahil may inabot siya sa akin na paper bag.

"Anong laman nito?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Wag ng madaming tanong tignan mo nalang." sabi niya at lumabas na.

Tinignan ko kung ano ang laman ng paper bag at halos malaglag ang panga ko ng makita kung ano ang laman nito.

One pack of napkin at saka extra p.e uniform.

Gosh nakakahiya.

Pagkatapos ko magpalit ng p.e uniform ay lumabas na ako at sinilip ko si Liam na halatang kanina pang naghihintay kaya sinalubong ko siya at magsasalita na sana ng bigla niya akong hinatak.

"Hoy hinay hinay lang sa paghatak sa akin!"

"Ang tagal mo kasi." magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong iwan. Bastos talaga.

Nakarating na kami sa gymnasium at tamang tama magsisimula palang yung activity namin ngayon kaya umupo na ako sa bleach kasama si Liam at nakinig kung anong gagawin.

"Your activity today is Basketball. Girls vs. Boys."
halos malaglag ang panga ni ibang babae sa sinabi ni ma'am kahit ako ay nagulat din pero not really. Nagrereklamo yung ibang mga babae dahil sa unfair daw lalo na't makakalaban daw namin yung mga basketball players ng school.

"Easy.." tumayo si Liam at pumunta na sa kanyang mga kagrupong lalake.

Tss hambog talaga.

Napatingin ako sa mga kagrupo kong mga babae at tinaasan sila ng kilay habang nakapamewang ang isa kong kamay.

"Don't tell me na magpapatalo kayo sa kanila?" napatingin sila sa akin at kunot noong tinignan ako.

"Paano ba yan love? mukhang matatalo yata yung team mo." pang-aasar sa akin ni Liam.

Di ko siya pinansin sa halip ay tinignan ko ang mga kagrupo ko pero umiwas sila ng tingin sa akin.

"Loser." akmang aalis na sana ako ng biglang may nagsalita.

"Lalaban ako." sabi nung isang babae at tumayo siya.

"Ako rin."

"Me too." sabi ng iba at nagsitayuan silang lahat kaya napangisi nalang ako at tinignan ang kabilang grupo mukhang nagulat yung iba dahil lumaban kami kahit alam namin na hindi kami mananalo, pero wala namang masama kung susubukan namin.

"Who says girls can't play basketball?" sabi ko sa kabilang grupo at nginisian sila.

"We are not born to be a loser. We are born to be a winner." pagmamayabang ko sa kabilang team.

Napatingin si Liam sa akin at syempre di ako nagpatinag kaya tinignan ko rin siya ng mata sa mata hanggang sa umiwas siya ng tingin.

Ako pa talaga hahamunin mo ha? Tss tignan nalang natin.

Nagsimula na ang activity at nasa aming grupo yung bola. Ipinasa sa akin ni kaye yung bola at muntikan ng makuha ito ni Alex pero naunahan ko siya kaya nagsimula na akong mag dribble ng bola at saktong ipapasok ko na sana yung bola sa ring ng biglang na out of balance ako pero may nakasalo sa akin kaya nadaganan ko ito.

Bigla akong nakaramdam ng init sa aking katawan ng maramdaman ko yung ano niya.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Alex kaya natauhan ako at sa sobrang pagkagulat ay naitulak ko siya ng malakas at napahiga siya sa sahig.

Dali dali akong tumayo at lumapit sa kanya sabay abot ng kamay ko.

"S-sorry nagulat lang ako."

"Okay lang haha." sabi niya habang nakahawak sa ulo niya, napalakas yata yung pagtulak ko sa kanya hehe.

"Tss lampa." singit ni Liam pero di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalaro.

Kahit kailan papansin talaga yung kupal na yun.

Nagpatuloy yung laro namin at sa ngayon ay nasa team boys ang bola, hawak ito ni Caleb at hindi makalusot si Caleb dahil may dalawang nakabantay sa kanya kaya agad agad niya itong ipinasa kay Liam at sa ngayon ay nasa harapan ko na si Liam, pinaikot niya yung bola pero nabitawan niya ito kaya agad kong naagaw ang bola kaya tinignan ko siya at tinaasan ng kilay pero nginisian niya lang ako.

Hindi ko alam kung sinasadya niya bang bitawan yung bola o hindi.

Sinasadya niya man yun o hindi wala na akong pake, ishoshoot ko parin ito.

Nagdrible ako ulit at sa wakas ay naipasok ko narin ang bola.

"3 points."

Lumapit ako sa mga kateam ko at nakipag apir sa kanila.

"Liam bat mo hinayaan si kyra?"

Tanong ng isang lalakeng ka grupo nila kaya tumingin sa akin si Liam.

"Pinagbigyan ko lang yung girlfriend ko." sabi niya at kinindatan ako.

Hanggang dito ba naman iinisin niya parin ako? Argghh.

Nagpatuloy ang laro namin at sa ngayon ay nasa team ko yung bola.

"Pasa mo sa akin!" sigaw ko sa ka grupo ko na may hawak ng bola pero di niya ito ipinasa sa akin sa halip ay ishinoot niya ang bola kahit nasa malayo siya.

Dali dali akong tumakbo papunta sa ring dahil alam kong di papasok yung bola at ganon rin si Liam.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil ang lalaki ng mga hakbang ni Liam at mukhang mauunahan niya yata ako sa pagkuha ng bola.

Makukuha ko na sana yung bola pero biglang may pumatid sa akin kaya nadapa ako at pinagtawanan nila.

Hinintay ko yung sasabihin ni Sir na foul pero wala akong narinig.

Ang daya! Dinaya ako ni Liam.

Tinignan ko ng masama si Liam pero parang wala lang sa kanya.

Humanda siya sa akin.

Tumayo ako agad at hinabol si Liam para agawin sa kanya ang bola pero bago ko pa man maagaw sa kanya ang bola ay ipinasok na niya ito sa ring.

Sunod sunod ang mga shoot ni Liam sa ring hanggang sa natapos na ang laro.

Natalo kami..

"Not born to be a loser and born to be a winner pala huh?" pang-aasar sa akin ni Liam kaya sinikmuraan ko siya at namilipit siya sa sakit.

Napamura siya habang hawak hawak niya ang kanyang tiyan.

"Ang dumi mo kasi maglaro." sabi ko bago ako umalis.

Im his fake girlfriend(ON-GOING)Where stories live. Discover now