Chapter 8

161 8 3
                                    

Allysa Kyra Morgan

Maaga akong gumising ngayon dahil walang pasok at mag eexercise ako.

Baliktad noh? Kapag walang pasok maaaga ako gumigising tapos pag merong pasok late ako gumigising. Well sinasadya ko yun haha.

Nagpaalam na ako kay mama na aalis ako upang mag ehersisyo at kinuha ko na yung bike ko at naglakad lakad.

Pumunta ako sa park at nagpahangin.

Ang daming tao dito sa park, yung iba kasama yung mga jowa nila, may mga nag-iisa rin katulad ko at yung iba naman ay kabonding ang pamilya nila.

Napatingin ako sa magpapamilyang ang sasayang tignan. Ang swerte ng mga anak nila dahil kompleto ang pamilya nila.

Napasinghap nalang ako at humiga sa bench habang nakatingala sa langit.

Sinuksok ko ang earphone ko at ipinikit ang mga mata habang nakikinig ng musika.

Sana ganito nalang palagi, tahimik at walang nakekealam sa akin.

Maya maya'y may tumanggal ng earphone ko kaya naputol yung kantang pinakikinggan ko.

Inidilat ko ang aking mga mata at isang kupal na mukha ang bumungad sa akin. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa akala ko ay makakapagpahinga ako ng maayos ngayon pero akala ko lang pala yun.

"Sinsundan mo ba ako?!" sigaw ko kay Liam.

"Ano? bat naman kita susundan eh ang panget mo." sabi niya at tinignan ako ng para bang nandidiri.

"Edi umalis ka sa harapan ko, sinisira mo araw ko." kinuha ko yung bike ko at pipidal na sana para paandarin yung bike pero biglang hinawakan ni Liam yung upuan sa likod ng bike ko at sumakay dito.

"Anong ginagawa mo? Bumaba ka!"

"Tara na." sabi niya at nginitian ako kaya wala akong nagawa kundi paandarin yung bike hanggang sa makarating kami sa mall. Bumaba na ako at ganon din siya kaya ipinarada ko yung bike ko sa di kalayuan saka pumasok sa mall at sumunod naman siya si Liam sa akin.

"Bakit nakasunod ka sa akin?"

"Wala lang, wala akong kasama."

"So?"

" Sumunod ka sa akin." hindi man lang niya hinintay yung sasabihin ko at naglakad na siya kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

San ba pupunta itong kupal na ito?

Maya maya pa ay bigla siyang huminto kaya nasubsob naman ang mukha ko sa likod niya.

"Pwede bang wag kang bibiglang hihinto pag nakasunod ako sayo?! Nasusubsob mukha ko!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng loko.

"Kasalanan ko bang maliit ka kaya nasusubsob ka sa likod ko? Tss." pumasok siya sa fashion store kaya nagpaiwan ako. Wala rin naman akong bibilhin jan at saka hindi ako maliit, sadyang matangkad lang siya kaya maliit yung tingin niya sa akin.

Tinawag ako ni Liam pero di ko siya pinansin.
Ginagawa niya akong sunodsunuran porket binabayaran niya ako? Tsk bahala siya sa buhay niya. Di ko kailangan sundin siya dahil wala naman dito yung fiance niya, di namin kailangan magpapanggap.

"Kanina pa kita tinatawag." sabi niya at hinatak ako papasok sa fashion store.

"Pumili ka na."

"Ayoko, di ako mahilig ng mga ganyan." sabi ko pero di niya ako pinansin at tinawag yung saleslady.

"Ikaw na ang bahala sa kanya."

Umalis na si Liam at iniwan ako dito sa Saleslady.

"Ma'am try this, sigurado akong bagay ito sayo." sabi nitong saleslady, aangal pa sana ako pero sapilitang pinapasok niya ako sa fitting room kaya wala na akong nagawa kundi sukatin ito.

Im his fake girlfriend(ON-GOING)Where stories live. Discover now